CHAPTER 1
Uggh...
ELI’S POV
“Seth naman, umayos ka nga ang bigat-bigat mo kayang lalaki ka!” naghihimutok kong reklamo sa lalaking ngayon ay akay-akay ko.
“Uggh..” ungol nito. Iyon lamang ang naging tanging sagot niya sa mga sermon ko mula pa kanina.
We’re inside the Elevator, ako na mismo ang nagpasyang iuwi siya sa Condo Unit niya. It was Jig’s Birthday at nagkayayaan ang magkakaibigan. Hetong si Seth, nasobrahan, hindi nagpaawat. Iyon tuloy, tinalo pa ang bugbog sarado sa sobrang kalasingan. Kung bakit at paano, malamang dahil sa nangyari kanina…
Habang namimili kami ng groceries, may lumapit sa kaniyang babae. Aba ang loko! Hindi umangal at nakita ko pang nakipagngitian. Simula noon hindi ko na siya pinansin. Porket mas naituon ko ang atensyon sa mga pinamimili namin, lumingon na sa iba? Kesyo nagtanong lang naman daw iyong babae. That’s my point! Nagtanong lang, no need to ilaborate more! Hindi ba pwedeng sagutin lang kung ano ang itinanong, hindi yung kakain pa ng mas malaking oras. Bakit naman noon, hindi niya naman pinapansin kahit sinong lumapit sa kaniya. Porket kulang sa tela ang damit ng babaeng iyon, nakikipagharutan na siya? Porket kapag hinila ng kaunti ang pantaas nung babae luluwa na ang dibdib niya? Halatang-halata namang gustong-gusto nung babae. May kalandian rin talaga! Kung makahaplos pa sa kaniya, ito naman kasing si Seth may pag ka pervert! Noong lumapit nga ako sa kanila, rinig na rinig ko pa kung paano kumerengkeng ang babaitang iyon sa nobyo kong malandi rin naman.
“ Oww, ganun ba? Sayang may nakauna na pala sa’kin.” Tanong ng babae at sinabayan pa ng paghaplos nito sa balikat ni Seth, pababa ng pababa sa dibdib. At… at tumatawa pa sila, geez! Ang lalandi!
Alam ko kung ano ang pagkakaiba ng nagtatanong sa simple at mahalay na paraan!
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Seth. Nilakasan ko lang ang yabag ng paa ko at mukang napansin niya naman, kaya iyon nakahalata siguro. Sinusundan niya ako ngunit hindi ko siya nililingon. Nagpapaliwanag siya simula mula pa kanina, kahit noong nasa kotse palang kami. Kakilala niya raw iyon kaya niya pinansin, kaklase raw noon. Kung hindi naman daw, bakit niya papansinin.
Sus kaklase, pwes hindi ko siya namumukaan! Ang sabihin niya, talagang gusto rin naman niya na nilalandi siya ng mga impokritang kagaya ng isang iyon. Kaya hanggang sa bahay ni Jigs ay hindi ko siya pinapansin, bahala nga siya! At ang mokong, nakuha pang magalit.
“ELI!” he called me in his warning tone.
I’m still ignoring him, sinasamahan ko lang si Charlie na maghanda ng kakainin at pulutan nila. Nilalambing niya ako ngunit hindi pa rin ako bumibigay. Lagi niya akong tinitingnan na para bang sinusundan ang bawat galawa ko, lagi rin siyang lumalapit hanggang sa ako naman ang lalayo. Aaminin ko, muntik na akong bumigay ngunit nang nakita ko siyang ngumisi na laging niyang ginagawa, walang dalawang isip at muli ko siyang hindi pinansin. Napagod yata sa panunuyo, nagkipagsabayan ng inom sa buong banda at nagpakalunod ng sagad. Buong akala ko ay umaarte lamang siya, hindi kasi iyon umiinom ng marami kapag kasama ako. Dahil daw ihahatid niya pa ako at baka raw mapahamak kami kung iinom siya ng marami. But this time, mukang napuno talaga ang mokong, ang ending ako ang naging tigahatid.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book II) He's now my Boyfriend. But why so snob? Siguro dahil siya nga si Seth, Seth Anthony Monteverde... "Ang Suplado Kong Boyfriend" © prettylittlemiss, 2013