CHAPTER 10
[ SI ELI SHUNGA ]
ELI'S POV
Pag kagising ko agad kong tiningnan kung may text na ba si seth. Huhu, nako talagang patay ako nito kay poy, pero kagabi ko pa sya tinatawagan hindi naman nya sinasagot. Bakit kaya? Baka galit yun sakin ah. Huhu, wag naman sana (,-___-,) muli ko syang tinwagan ngunit "not in coverage area" parin. Nagiging histerical na ko. Bakit naman nya iiwanang patay yung phone nya? Baka ayaw nya lang talaga akong kausapin. Mabuti pa puntahan ko nalang sa condo nya.
Wala na kong sinayang na oras pa. Kahit may pinapagawa sakin si kuya sa office, hindi ako pumunta. Mas mahalaga ang poy ko noh! Dali dali akong naglakad patungo sa unit nya. Ang kaso hindi ko nga pala alam yung password, hala pano to? Wala na kong nagawa kundi magdoorbell nalang. Siguro 5 minuto na akong nagdoorbell. Baka tulog pa? Baka naman wala sya dito? Huhu poy, please buksan mo na.
Halos sampung minuto na kong nakatayo sa tapat ng pinto nya eh. Nawalan na ko ng pag-asa. Muli kong i-dinial yung number nya pero tulad kagabi ganun parin. Wala paring nasagot. Hahakbang na sana ako palayo ng narinig ko ang isang tunog ng pintong nagbubukas. Agad akong lumingon at para akong nabuhayan sa nakita ko. Si seth, halatang bagong gising lang sya. Nakapanjama na maluwag at o my! Wala syang pantaas. Wala akong pakialam. Kahit nakapikit pa sya agad ko syang niyakap at saka
"poy sorry, galit ka ba? Sorry hindi ko napansin na tumatawag ka kagabi, sorry talaga poy. Wag ka na magalit ha?" Ako
Naramdaman ko namang gumanti sya ng yakap sa akin. Mahigpit na para bang sabik na sabik. Dahil ngayon nalang ulit kami nagkita.
Habang nakayakap sya sa akin
"sinadya mo atang hindi sagutin eh, nagkasama lang kayo ng best friend mo kinalimutan mo na ko"
Kumalas ako sa pagkakayakap at saka hinawakan sya sa magkabilang pisngi.
"hindi po, hindi, promise. Hindi ko talaga napansin kaya agad akong pumunta dito eh. Hindi mo kasi sinasagot yung mga tawag ko, nag aalala ako baka galit ka sakin." Pagkasabi ko nun nagsmirk lang sya tyaka ako hinalikan sa labi,smack lang naman. Then kinuha nya yung kamay ko sa pisngi nya tyaka hinawakan ang mga ito.
Hanggang makarating kami sa kwarto nya, hawak nya parin ang mga kamay ko. Inalalayan nya lang akong makaupo sa kama nya tyaka ako binitawan. Tumingin sya sa side table nya kaya naman napatingin din ako. Nakita ko yung phone nya, tapos tumingin sa kanya. Para bang pinapatingnan nya sakin yung phone nya. Kaya naman kinuha ko ito. Pagtingin ko muli sa kanya, tumalikod sya at isinakbit yung towel sa balikat nya. Pumasok sya ng banyo ng walang sabi sabi. Hay nako. Wala talagang imik eh. Di mo malaman kung tampo oh ano. Narinig ko nalang na may mga lumalagas las na tubig. Siguro naliligo nayun. Iniwan lang ako dito eh.
Napangiti nalang ako, kaya pala hindi nya sinasagot yung phone nya, lowbat na kasi. Haytss! Laking ginhawa sakin, akala ko pa naman galit hihi. Si seth talaga, ayaw pa sabihin eh gusto lalambingin muna. Kaya pala nakangisi nanaman sya kanina.
Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ng cr nya. At duon isang "oh so yummy" na lalaki ang nakita ko. Nako! Erase, ang utak mo eli! Si seth kasi, lumabas na bagong ligo tapos may towel na maliit na ginagamit nya para matuyo yung buhok nya.
Nagsimula na syang lumakad palapit sa akin. Ako naman si gaga hindi na mag kandaugaga. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko. Si seth kasi kung makatingin eh, natutunaw kaya ako!
Bakit parang ambilis naman nyang lumakad? Nasa harapan ko na sya agad ngayon eh. Yumuko sya nang bahagya para magkalevel ang muka namin. Amoy na amoy ko sya, sa lapit ba naman nya sakin ngayon, ang bango bango nya talaga, ang hininga, parang kakakain lang ng mentos.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book II) He's now my Boyfriend. But why so snob? Siguro dahil siya nga si Seth, Seth Anthony Monteverde... "Ang Suplado Kong Boyfriend" © prettylittlemiss, 2013