ASKB Chapter 30 - FINALE

29.1K 625 76
                                    

CHAPTER 30

[ FINALE ]

*ELI*

"badong" rinig kong tawag sa akin, paglingon ko si kuya lex pala. Kakapasok nya lang sa pintuan ng kwarto. Agad ko rin namang ibinalik ang atensyon ko sa natutulog na si seth. May mga gasgas at pasa pa ang muka nya pero hindi naman yoon nakasagabal para masabing sya parin ang gwapong supladong seth na nakilala ko. Everytime I see those wounds in his face, I can barely remember all those things that kuya lex did to him. Oo galit pa ako, pero hindi ko rin naman sila masisi. Kapatid ko nga sila pero sobrang nasaktan ako ng makitang nahihirapan si poy.

"bunso sorry ulit, pero sana maintindihan mo na hindi namin yoon ginawa para paghiwalayin kayo." Hindi ako umiimik, bagkus nakatitig parin ako kay seth.

Naramdaman kong nasa may likuran ko na sya, kumapit sya sa balikat ko at tyaka muling sinabi,

"bunso anong oras na rin naman, umuwi ka muna, magpahinga ka at kumain. Kami na muna ni kuya third ang bahala kay seth."

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni poy ng marinig ang sinabi ni kuya.

"hindi, hindi ako aalis kuya. Baka kung ano nanaman ang gawin nyo sa kanya. Hindi ako papayag kuya." Karagkag ang boses ko ng oras na yoon.

Niyakap ako galing sa likod ni kuya lex tyaka sinabing "bunso naman, wag ka ng umiyak. Ipinapangako ni kuya, hindi namin papabayaan si seth." Hindi ko alam na napaluha na pala ako. Natatakot ako na kapag umalis ako kung ano ulit ang tangkang gawin nina kuya kay seth, hindi ko na kaya pang makitang nasasaktan sya. Sobra sobra na ang isinakripsiyo nya sa akin. Tapos ito pa ang naiganti nina kuya sa kanya. Hindi, hindi ko sya iiwan.

"sige na princess, nandito na ko. Ako bahala kay lex kapag gumawa yan ng kalokohan." Pagtingin ko si kuya third ay nasa likod ko na rin. Hindi ko man lang naramdaman na nakapasok na pala sya dito sa loob.

Humihikbi ako habang dahan dahang tumatayo. Oo nakakaramdan na ako ng panghihina, pero ayoko talaga syang iwan lalo na sa oras na ganito. Isipin ko palang nalalayo ako sa kanya, natatakot na ako. Parang may nagsasabi sakin na hindi sya magiging ligtas kung aalis ako sa tabi nya. Pero dahil sa pagtingin sa akin ni kuya third ng ganoon, nagkaroon ako ng tiwala sa kanya, alam kong maipagkakatiwala ko si seth sa kanya.

"wag ka na magalala badong, tatamaan sakin si lex, oras na galawin nya ni daliri nyang seth mo." Sabay yakap sakin ni kuya third. Pinipigil ko na ang mga hikbi ko,

"kuya naman, pagpapalit mo ba ako dyan? Eh kitang kita naman na mas gwapo ako dyan eh, macho pa!" Si kuya lex

Tiningnan ko lang sya ng masama, tapos ayun napangiti na kaming tatlo. Para kasing tanga si kuya lex, napaatras sya noong tingnan ko sya ng masama. Hihi! Takot sakin to eh!

"sige na bunso, ang baho mo na oh, maligo ka na rin ha." Pahabpl pa ni kuya lex, hindi pa kasi ako nakalas sa yakap ni kuya third.

"baka gusto mong iuntog kita dyan sa muscle mo, mabaho bagang!" Hindi naman na talaga ako galit kina kuya lex, talaga lang may konting inis kapag naaalala ko yung ginawa nila kay poy ko. Tinawanan lang kami ni kuya third tyaka nya ako inihatid sa labas ng pinto.

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon