ASKB Chapter 17

24.2K 435 55
                                    

CHAPTER 17

[ KELVIN SALISI ]

SETH'S POV

Tungunu! Mababaog ako kung eto ng eto ang makakasama ko eh! Mas mabuti pang langhapin ko lahat ng usok dito sa labas kesa nakikita ko yung mokong nayun. Nakakaurat talaga, sarap isubsob sa tae ng kambing yung bigote nyang malangkal! Bakit ba kasi inaabot ng parik parik ang mga babae kapag nagccr? Ano isang gallon lang ang binabawas nila? Ih bwisit talaga! Makabili nalang nang maiinom. Kesa matuyuan ako ng dugo dito!

Pabalik na ko ng makitang sinalubong ni mokong si eli. Ano? Nandito pa ko sumasalisi na? Lalong umiinit dugo ko eh, kung di ba naman kasi gago at kalahati nandito na kami sa syudad di pa magcommute! Talagang pinanindigan nalang ang pagkakapal ng muka!

Nung nakita ako ni eli agad syang dumistansya kay mokong. Saktong dating naman ni bea. Bibirahin ko na sana eh. Pumasok nalang agad ako sa kotse tyaka matulin na pinaandar pagkatapos nilang makasakay lahat. Byaheng langit na to! Di ko na matagalang kasama ko tong mga tao na to, lalo na yung mukang unggoy sa likod!

Nang makarating kami sa condo ni eli

"poy sige na, ako na bahala iakyat tong mga to. Baka ka malate sa flight mo." Tsst! Bayag! Sa tingin nya ba papayag ako?

"halika na" sabay kuha ng mga dala nya. Kung di ba din naman bonak tong si eli? Sino naman kayang lalaki ang gagawa nun sa girlfriend nya? Syempre ihahatid ko sya!

"..."

Umuna na kami ni eli. Wala akong balak hintayin yung mga yun. Ang kaso tong si eli talagang binabagalan pa para magkasabay kaming apat. Ayun hanggang sa elevator kumukulo parin dugo ko. Hindi ko nalang binibitawan yung kamay nya para kumalma ako kahit papano.

Habang nasa elevator kami, yung mokong parang tatay kung umalalay dun sa beang yun! Nahihilo ata, ha! Pasensya byaheng langit ang sinabayan nyo eh.

"hon? Nahihilo ka parin ba?" Si mokong

"ahm, hindi na hon. Okay lang ako! Medyo masakit lang ulo." -Bea

Ramdam kong sinisiko siko ako ni eli sa tagiliran ko. Ako? Tsst, kahit mangisay yan dyan wala akong pake! =____=

Pagkabukas na pagkabukas nung elevator agad akong gumalaw, hawak ko sya kaay pati sya makakasabay sa lakad ko. Nasa tapat na kami ng unit nya nang bitawan ko yung kamay nya.

"pasok na"=____=

"teka poy, ano.. Ano kasi..."

Ano? Hindi ako galit sa kanya. Yung dalawa sa likod ang kinaiinisan ko! Sa halip na masosolo naming yung byahe, ano naging dating ko? Private driver nila! Putcha lang pre! Tapos ako pa lumalabas na masama dahil sa bilis ko magmaneho. Mga ulol!

Hinihintay kong ituloy ni eli yung sasabihin nya ng biglang may asungot nanaman na sumingit

"eh eli, sige salamat ha! Tyaka sayo seth!" Si bea. Papasok na sa unit nya. Syempre kasama yung mukang ermitanyong mokong nayun.

"ah wala yun, ^__^!" Sagot ni eli. Hindi na ko umimik!

Nung makapasok sila, hindi parin nagsasalita si eli. Nakayuko lang sya habang hawak hawak yung mga gamit nya. Ano naman kayang hinihintay pa nito aba? Hindi baga sabihn at!

" tsst, sinabing pumasok na eh."

"poy, kasi.. Teka lang" bigla nyang ibinagsag yung gamit nya at tumiay ng bahagya para yakapin ako. Nagulat ako sa ginawa nya. Oo lagi na naming ginagawa to pero this time parang kakaiba. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Takte! Ganto yung unang kong naramdaman nung inamin ko sa sarili kong sya na ang buhay ko. Tungunu! Nakakabawas ba ng pagkalalaki kung sasabihin kong kinikilig ako ngayon?

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon