FAQS are listed below :)
[ ♥PAHABOL CHAPTER♥ ]
*ELI*
" O sya, sa katungkulang iniatang sa akin, kasal na kayo. " iritang sabi samin nung jugde
Oo tama kayo, kasal na kami. Oo ulit, sa huwes lang kung bakit? Nako itanong nyo dito sa seth na to. Oops, hindi ako umaangal ha. Sino makakaangal sa lalaking to? Eh ang gwapo kaya!
Tyaka nya ako agad sinunggaban ng halik. Aba, choosy pa ba ako? Edi sinabayan ko , hihi ang landi ko! Mainggit kayo hehe! Nahihiya ako ngayon pero yaeh na! Mahal ko to eh! Bahala na kung makahinga pa ako o hindi!
"yun oh!" si jigs
"congrats bessy!" sigaw ni Charlie. Nak ng! ilang mic ba talaga nalunok nitong babaeng to? Pero dahil narin sa lakas ng boses nya yun din ang nakapagpahiwalay ng halik namin ni seth. ayaw pang tumigil eh. gasgas na yung labi ko!
Syempre kapwa nanaman kaming naghahabulan ng hininga. Ayieh! Bakit parang gusto ko pa? charot lang hehe!
"utang na loob naman iho, umalis na kayo may pupuntahan pa ko eh. Bukas nyo na balikan yung mga papeles nyo! Hala layas" sigaw nung judge samin.
"Tsst, halika na nga." =____= tapos kapit sakin ni seth. Yang mukang yan ano, hindi na nagbago. "sige nong, salamat" habang papalabas kaming naglalakad ng opisina nung ninong judge ni seth na nagkasal samin. Kitam? Kaya kahit anong oras na eh naikasal pa kami, malakas kapit nitong seth ko eh.
"teka poy, sina bessy" ako, eh pano naman tinawagan nya yung dalawa para dali daling pumunta dito tapos iiwanan lang din pala. Sama ng ugali nito! Tumigil sya tapos humarap sakin.
"sino ba asawa ni Charlie?" Siryoso nyang tanong sakin. Ngek? Sana galing yun?
"si Jigs" sagot ko, bakit tama naman ah!
"oh yun naman pala eh, bakit kailangan pa ba natin sila ihatid? Wag mo nang intindihin yun. Si jigs bahala doon, tyaka hindi na sila bata. Nakagawa na nga eh. Halika na gagawa na rin tayo." Sabi nya habang nakangisi.
"ikaw poy ah! Ang sama mo, dali dali mong pinapunta dito tapos iiwanan lang! Tyaka anong gagawa,?Ang manyak mo!" Aba loko to ah, kaya ayun sinuntok ko sya ng isa sa bandang tyan nya. Amba ko sa kanya ng isa pang suntok.
"aray!" Nakita kong medyo nasaktan nga sya. Pero biglang sumiryoso yung muka nya. Tapos bigla akong hinila palapit sa kanya. Nasa likod ko yung isa nyang kamay, alalay kung baga. Haru jusko, nakakagulat kumilos tong lalaking to aba,
"baka nakakalimutan mong asawa na kita!" matigas nyang sabi, siryoso parin yung muka nya. Medyo nakakatakot yung tono, tas ang lapit pa ng muka namin sa isa't isa. Kyaaaah! Ang bango ng hininga nitong kolokoy nato aba! Parang gusto ko ulit halikan eh. Pero medyo kinabahan ako sa tono ng boses nya. "pero hindi parin kita pipilitin, kasi nirerespeto at mahal kita" biglang naging malumanay yung boses nya tas biglang smack sa lips ko. Ay putcha! Bakit ganito tong asawa ko? Natutunaw ako eh, yung mga tuhod ko nagiging gulaman, kusang lumalambot! Buti nakaalalay sya sakin. Feeling ko ang romantiko nya! Kyaaa! Kill me now, again and again! >_<
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book II) He's now my Boyfriend. But why so snob? Siguro dahil siya nga si Seth, Seth Anthony Monteverde... "Ang Suplado Kong Boyfriend" © prettylittlemiss, 2013