Chapter 4
Kuya Garter...
“Kiss! Kiss!” Sigaw ng lahat kasabay ang maiingay na tunog mula sa pagdampi ng mga kutsara sa baso ng bawat bisita. Doon isang matamis na halik ang nasaksihan namin, galing sa mga bagong kasal. It’s Charlie’s Wedding at ngayon ay nasa Reception na ang lahat, kung saan sobrang engrande ang naging paghahanda. Napuno ang buong lugar at bawat sulok makikita mo ang saya sa mga ekspresyon ng bisita.
Sobrang ganda ng naging Seremonyas kanina. May mga nakangiti at meron rin umiiyak, pero tulad ng inaasahan luha iyon ng dahil sa kasiyahan.
“Say it's true, there's nothing like me and you
Not alone, tell me you feel it too
And I would runaway
I would runaway, yeah
I would runaway
I would runaway with you”Nagsimula na ang Entourage, ang mga tinig na tila boses ng mga Anghel. Pinangunahan ng maliit ngunit nakakatuwang mga bata, kasunod ang naggagandahang mga abay. Nasa pinakang unahang bahagi ng Simbahan si Jigs na ngayon ay nakaitim na Amerikano. Kitang-kita ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Nasa likod niya si Poy na sumisigaw rin ang kagwapuhan sa suot niyang itim rin na Amerikano. Habang naglalakad kami ay may mga Cadete na nakahanay at itinataas ang mga Kalis nila kapag may dadaan sa pinakanggitna. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, para akong nasa isang fairytale. Para kaming nasa isang Engrandeng kasalan, tipong pangmaharlika. Habang naglalakad ako, nakatingin lang ako sa lalaking mahal ko, ganoon rin naman siya sa akin --- pakiramdam ko tuloy ay kami ang ikinakasal.
Lumiko ako, doon nasilayan ang ganda ni Charlie habang akay nina Tito at Tita. Simple lang ang naging ayos ni Charlie, maski ang Trahe De Boda niya ay maganda ang pagkakahubog sa kanyang katawan, hindi mapagkakamalang nagdadalang tao na siya. Nnag makarating sila sa unahan ay ibinigay ni Tito ang kamay ni Bessy kay Jigs at kasabay noon ay nagmano ito.
Nagsimula ang kasal, nakita kong may luha sa mga mata nina Tita pero alam kong dahil ito sa tuwa. Maski ako ay naluluha sa mga nasasaksihan ko. Ang Best Friend ko, ikinakasal na siya at magkakaroon na ng sariling pamilya. Napatingin rin ako kay Poy, laking gulat ko ng makitang nakatingin rin siya sa gawi ko at nakakunot ang noo – tila ba naiirita. Kinakausap siya ng katabi niya ngunit hindi niya ito pinapansin. Napangiti na lamang ako ng malaman ang kahulugan ng tingin niya na iyon –-- ang punasan ang mga luha ko. Matapos noon ay bumalik na sa dating ekspresyon ang mukha niya. Mas lalo akong napangiti dahil sa nabasa kong binigkas niya sa hangin… “ I love you.”
“ Hinay lang naman.” Marahan niyang bulong sa akin. Masama mang pakinggan pero talagang napapasarap ang kain ko dahil sa Lumpiang nakahain sa mesa namin. Hindi ko siya pinansin at itinuloy ang pagsubo ko.
“ Poy!” mahina kong suway sa kaniya. Hinawakan niya ang tuhod ko at saka pinisil, alam na alam niyang kahinaan ko iyon at talagang malaks ang kiliti ko kapag sa parteng iyon na. “ Poy, please ngayon lang.” muli kong pagsubo.
Bumaling siya sa kaliwa niya at doon nagpigil ng tawa. Mas gumagwapo siya sa panignin ko kapag ginagawa niya ang mga patagong bagay tulad ng mga iyon. Bumalik lang siya ng tingin sa akin at muling bumulong. “ Ang dami mo ng nakain, tingnan mo bartolina ka na.”
Dahil doon ay napatigil ako sa aking pagsubo at agad na humawak sa tiyan ko. Agad ko siyang tiningnan at saka pinanliitan ng mata. “ So what? Edi gumanap ka ng iba, doon sa tabi! Doon sa mga babaeng kulang ang tela ng damit.” Taboy ko sa kaniya at muling itinuloy ang pagsubo.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book II) He's now my Boyfriend. But why so snob? Siguro dahil siya nga si Seth, Seth Anthony Monteverde... "Ang Suplado Kong Boyfriend" © prettylittlemiss, 2013