CHAPTER 14
[SEA URCHIN]
ELI'S POV
Pagmulat ko, muka nya agad ang nasilayan ko. Kung ganito ba naman ng ganito ang masisilayan ko sa kada gigising ako eh, baka hindi ko na naiisin na matulog.
"poy" marahan kong sambit
Hindi sya nagresponse kaya naman hindi ko na inulit pa. Sa halip ay nilaro laro ko ang pisngi nya gamit ang hintuturo ko, papunta sa ilong at pababa ng pababa. Ang swerte ko pala talaga sa kanya, ang gwapo na nga ang bango pa. Kahit ata ilang araw hindi maligo to hinding hindi ako magsasawa sa kanya.
Nasa mapula pulang labi na nya ang aking daliri ng bigla syang gumalaw.
"hmmm" nakakunot ang ulo nya. Huh? Bakit kaya, baka naman badtrip nanaman
"uggh" ungol nya.
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kinikilos nya. Nang hawakan ko ang noo nya, nag alala ako, medyo mainit ito. Inilipat ko ang aking kamay sa bandang leeg nya at idinampi ito ng marahan, hindi nga ko nagkamali. May lagnat sya. Agad akong bumangon at iniayos sya ng higa.
"poy okay ka lang ba? Mainit ka ah"
"sinat lang to" ani nya
"siguro wag nalang tayong mamasyal, dito nalang tayo, aalagaan nalang kita."
"tsst, hindi! Lalabas tayo. Kanina mo pa gustong mamasyal diba? Tyaka maganda ang buwan ngayon."
Akmang patayo na sya ng pigilan ko,
"Seth wag makulit. May bukas pa naman diba? Oo gusto kong lumabas, masdan ang buwan at mga bituin pero kung hindi naman ikaw ang kasama ko, para san pa diba?"
"kilala kita eli, I know you like stars, specially the moon." Nakakunot parin ang noo nya
"poy naman eh, tumigil ka nga. Magpahinga ka nalang muna. " tumayo ako at ikinuha sya ng tubing na maligamgam at bimpo. Inilagay ko ito sa noo nya.
Pumikit naman sya. Siguro talagang masama ang pakiramdam nya. Kung hindi naman kasi, nako siguradong makikipagtalo to. Chineck ko kung bumubuti yung lagay nya, ang kaso mukang hindi eh. Kaya naman nagpasya akong tumingin ng gamot sa labas. Siguro naman may mabibilhan ako ng gamot dito noh! Iiwan ko muna sya dito. Tutal mukang napaidlip na sya. Tyaka saglit lang naman ako eh, babalik din ako agad.
Habang naglalakad ako, pinagmasadan ko ang mga taong masayang nagtatawanan at nagkwekwentuhan kasama ang kanya kanya nilang kaibigan. May mga couples din na naglalambingan. (,-___-,) sayang naman, kung hindi lang sana masama ang pakiramdam ni poy, edi sana isa din kami sa kanila.
Medyo walang madaan kasi puno ng mga tao kaya ayun gumilid nalang ako ng gumilid. Inalis ko narin yung tsinelas ko tutal sa tabing dagat naman ako naglalakad, kaya okay lang kung nakayapak maeenjoy ko pa ang mga alon na dumadampi sa aking paanan.
Sa totoo lang sobrang layo nung isang store dito, na kung saan dun ako nakahanap ng gamot para kay seth. Pero baliwala sakin yun, ang mahalaga maipainom ko na itong gamot para gumanda naman ang pakiramdam ni seth. Alam ko ang dami nyang ginawang effort matuloy lang tong vacation namin.
Habang pabalik na ako sa villa namin, naagaw ang attensyon ko ng isang lalaking nakatalikod habang nakaupo sa tapat ng dalamnpasigan. Halos inaabot na sya ng tubig. Kaya basa na yung bandang shorts nya. Napagisip isip ko, meron din palang kagaya nya. Yung tipong mag isa lang. Kasi akala ko puro magkakaibigan at magkasintahan lang ang nandito. Pano naman kasi yun lang ang nakikita ko kanina simula pa umaga.
Lalakad na sana ulit ako ng bigla syang tumayo at sa di ko malaman na dahilan, hinihintay kong masilayan ang mukha nya. Hanggang sa laking gulat ko
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book II) He's now my Boyfriend. But why so snob? Siguro dahil siya nga si Seth, Seth Anthony Monteverde... "Ang Suplado Kong Boyfriend" © prettylittlemiss, 2013