CHAPTER 13
[ FRIENEMY ]
KELVIN'S POV
Hanep naman oh! Madaling araw palang may istorbo agad! Hindi ko pinansin yung telepono kong putak ng putak! Ano ko bale? Inaantok pa ko noh! Balik tulog ako. Ang kaso lintek ayaw tumigil, wala na kong nagawa sinagot ko na rin para matigil!
"ano nanaman ba?" Bulyaw ko sa kabilang linya.
"oh relax lang, sa laiya, batanggas ang punta nila. Ikaw na bahala ha! May tiwala ako sayo. Wag ka ng mag-alala ako na bahala dito sa sabit mo. Basta yung pinag usapan natin ha? " sabay baba nung telepono.
Tangna! Nakakaurat aba, nasira tulog ko dahil lang dun. Tapos binabaan lang ako ng telepono. Hanep tsong!
Ano pa ba magagawa ko? Tutal para sa aming lahat rin naman to, sige na! Gagawin ko na, maganda rin siguro to, tutal matagal na akong niyaya ni hon sa batanggas. Makakapagbakasyon na ko, maayos na sabit ko, masusubukan ko pa ang galing nung gagong seth nayon. Akala nya ba hindi ko alam na mainit dugo nya sakin. Eh halos patayin nya na ako kapag nagkakatama mga mata namin eh. Ni hindi ko na nga pinatulan nung suntukin ako sa bar eh, halatang nangigigil. sakto namang yun ang gusto ko, aasarin ko muna ng konti tyaka ko na papatulan. At wala naman sa bokabularyo ko ang salitang "magpatalo". Pwes matira matibay nalang. Hindi ko naman sya seseryosohin eh, pasensya sya, utos lang. (smirk)
Itinuloy ko muna yung tulog ko tutal alauna palang naman ng madaling araw. Gigising nalang ako ng mga alasingko para sabihin kay hon.
Fast forward.....
"hon! Salamat talaga. Alam kong hindi mo ko matitiis. Kyah! Salamat talaga at pumayag ka na magbaksayon tayo haha. I love you hon!" Ang kulit ng girlfriend ko no? Ganyan talaga yan!
"ikaw pa" sagot ko, sa totoo lang mahal ko naman talaga tong si bea. Talaga lang makulit pero yun ang nagustuhan ko sa kanya. Tyaka maalaga talaga to.
Ang kaso ng muli kong nakita si eli parang may biglang nag iba. Oo aaminin ko hindi tama ang nararamdaman ko kay eli, nung una okay lang sakin na subukan silang dalawa, kaso iba talaga yung ganda nya eh. Yung maganda nyang muka at masayahin nyang pag uugali. Yun ang lalong nagpapaganda sa kanya. Sa ngayon hindi ko pa alam ang nararamdaman ko sa kanya talaga, pero ang masasabi ko lang, gusto ko ang mga nangyayari ngayon.
Nakita kong galing sila sa isa mga villa dito, kaya naman sa kalapit na villa ako nagpacheckin. Sa palagay ko mageenjoy ako pag ganito ng ganito.
Matapos mag ayos ng gamit ni hon at kung ano pang ka ek-ekan nya sa katawan, nagpasya na kaming lumabas. Ang kaso sa halip na yung beach ang pagtuunan pansin nya. Sina eli agad ang nakita. Ayun nalaman tuloy agad na nandito rin kami.
Tulad ng inaasahan ko, yung gagong seth kung makatingin kala mo gusto ng away. Sus gusto ko yan! Exercise ba? Ang kaso mukang nakakahalata si eli sa mga tinginan namin nung boyfriend nya. Kaya kumalma muna ako, mahirap na may mga babae eh, baka magkadamayan pa.
"pano nyo nalaman na nandito kami?" Tanong ni eli kay hon
"huh? Hello di kami stalker no! Matagal na naming planong pumunta dito noh! Nagkataon lang na ngayon free si hon ko. Tyaka dito rin nya kasi gusto pumunta! ^___^" sagot ni bea
"ah, ganun ba? Kala ko naman sinabi sa inyo ni seth. Eh kinidnap lang nya ako eh," pag ngiti ni eli, ang ganda nya talaga.
"meaning surprise to sayo ni boyfie mo? Wha! Hon minsan ganunin mo rin ako ha! Ahihi, kiligs eh, tyaka ayaw mo nun eli. Magkakabonding tayo haha!" Hay nako talaga tong si bea, nagpapakaisip bata nanaman! Igagaya pa ko sa kakornihan nitong gagong to.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.
Teen Fiction( Suplado Trilogy - Book II) He's now my Boyfriend. But why so snob? Siguro dahil siya nga si Seth, Seth Anthony Monteverde... "Ang Suplado Kong Boyfriend" © prettylittlemiss, 2013