ASKB Chapter 2

52.8K 1K 60
                                    

CHAPTER 2

Sweet but Snob...

Nagising na ang diwa ko ngunit ganoon pa man ay hindi ko pa rin maimulat ang aking mga mata, sa madaling salita ay ninanamnam ko pa ang sarap ng pagkakatulog ko. Kusa namang gumalaw ang mga kamay ko at agad hinimas ang kabilang parte ng kama upang makapa ang natutulog kong kasintahan. Nang mapansin kong wala akong makapa na kahit ano ay mabilis kong iminulat ang aking mga mata. Walang kahit anino ni Seth ang makikita roon. Dumako ang paningin ko sa oras na katabi ng kama at nakita mag-aalasdiyes na rin pala ng umaga. Agad akong tumayo sa aking pagkakahiga at pumunta sa banyo, ngunit wala siya roon. Hindi ko na nagawang magmumog o maghilamos man lang, agad ko na siyang hinanap ng sistema ko. Lumabas ako ng kwarto, unang sinilip ang Living Room ngunit ni isang bakas ng pag-asang naroon siya ay wala. Hanggang sa napukaw ng isang mabangong amoy ang aking atensyon, mabilis kong tinungo ang kusina at doon nasaksihan ko ang isang Seth na walang saplot na pangtaas kungdi apron at sa pambaba naman ay boxers shorts.

Agad akong napalunok sa dinatnan ko, kusang bumilis ang pagtibok ng puso ko at alam ko na agad ang dahilan kung abkit ito naghaharumintado. Wala namang iba, siya lang ang tangin nakakagawa ng ganito sa akin. Ito na siguro ang sinasabi ng ibang masarap na pakiramdam kapag kasama mo ang taong mahal mo.

Halos suyurin ko ang bawat pare ng likuran niya. Nakadepina ng mabuti ang muscles nito, mas gumanda ngayon ang pangangatawan niya kaysa noon. Wala akong magawa kundi, pangarapin siya sap ag-iisip ko. Marahan akong lumapit sa kaniya at niyakap ito habang nakatalikod. Doon ako nagsumiksik s akaniya na para bang gigil na gigil. Nakita ko pa ang pagtaas ng gilid ng labi niya habang ginagawa ko iyon.

“ Good Morning.” Simple ngunit malambing niyang bati habnag patuloy na hinahalo ang Sinangag na niluluto niya.

Sa hindi ko pagsagot sa kaniya ay hinarap niya ako. “ Hey, I said Good Morning. Tampo ka pa rin ba? Ikaw lang talaga. Dihamak naman na mas maganda,” hinalikan niya ako sa labi ng mabilis. “mas makinis” muli niya akong hinalikan, “ at syempre,” mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin, sa bawat pagbaba ng kaniyang kamay sa aking baywang, mas lalo akong nalalansing. Bigla niyang ipinasok ang dalawa niyang kamay sa loob ng shirt ko at saka sinabing, “ mas seksi pa.” hahalikan niya sana muli ako ng agad akong umalis sa yakap niya at dali-daling pumunta sa lababo. Doon ako ngahilamos at nagmumog.

Nakita ko ang paglabi niya ng muli akong bumaling sa direksyon niya. Halos gusto ko siyang hagkan habang nilalambing niya ako kanina. Marahil akala niya ay talagang hindi ko pa siya pinapatawad sa nangyari kagabi.

“ Good Morning, Pogi.” Saka ko pinisil ang kaniyang ilong, hindi ko mapigilan masyado siyang makisig sa paningin ko. “ May morning breath pa kasi ako, baka mamaya humanap ka ng mas seksi, mas maganda kapag naamoy mo ako.” Doon ako gumanti ng biglaang halik sa kaniya habang magkayap kaming dalawa.

Ang plano kong mabilis sanang ganti ay nauwi sa isang malambing at nakakapanabik na halik. Mas idiniin niya ang pagkakalapit ng mga labi naming dalawa. Wala akong ibang nagawa kung hindi magpatiaanod sa nakakahalinang ginagawa niya. Siya ang unang kumalas at muling hinawakan ang magkabila kong pisngi,

 “ Wala akong palalagpasin na kahit isang segundo mahalikan ka lang, kahit kailan hindi ako titingin sa iba.” Tagos sa kaluluwa ang mga titig niya at alam kong hindi biro ang mga iyon. Umamba siyang muli akong halikan ngunit ako na ang umiwas,

Ang Suplado Kong Boyfriend .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon