CHAPTER-29

482 17 4
                                    

Third Person POV;
          Maagang umalis si Eunice sa Mansion nila di siya nag paalam kahit kanino.

At pinuntahan ang nasabing lugar.

Pagkarating niya sa lugar na iyon at nagulat siya dahil ito ay isang simpleng lugar lamang. Ibig niyang sabihin walang mayaman sa lugar na ito puro kubo ang bawat bahay na nakikita niya.

"Hanna, Iha ikaw na ba iyan?" Nakangiting sabi ng Matanda at may galak ng makikita sa mga mata nito dahil muli niyang nasilayan ang magandang dalagang kanyang pinalaki noon nang dito pa ito nakatira.

"Hanna? Po? Kilala niyo po ako?" Naguguluhang tanong ng Dalaga sa matanda

Nagulat naman ang matanda sa inasal ng Dalaga.

At Hindi alam ni Eunice na si Hanna at siya ay iisa dahil dati bawat banggit ng pangalang Hanna ay umiiyak ito at sumasakit ang ulo na para bang binibiyak kaya napag desisyonan ng buong pamilya nito na Eunice na lang itawag sa kanya.

"Di mo ba ako matandaan Hanna? Ako ito si Nana Minda mo" paliwanag ng matanda

Nagulat man si Eunice pero sumagot parin ito

"Pasensya na po kayo nawalan po kasi ako ng ala-ala, dahil sa aksidenting naganap isang taon mahigit na ang lumipas pero hanggang ngayon di parin bumabalik ang aking ala-ala" paliwanag ng dalawa sa matanda

Nagulat naman ang matanda at humingi ng pasensya sa Dalaga

"Paumanhin at hindi ko iyon alam, bat ka nga pala nandito?" Tanong ng matanda

"May gusto lang po ako malaman tungkol sa nakaraan ko at sinabi sa akin ng kakilala ko na kung gusto ko bumalik ang ala-ala ko simulan ko sa Lugar na ito dahil baka makatulong daw po" mahabang paliwanag ng Dalaga

"Ganon ba Iha, aba't hali ka at sasamahan kita sa dati niyong tirahan ng iyong Ina" Sabi ng matanda

Nagtaka man a Eunice ay sumunod na din ito.

Di siya makapaniwala na mayroon silang bahay sa Lugar na ito.

"Pasensya ka na iha at masyado ng luma itong bahay niyo dahil matagal na panahon ng walang nakatira dito napangalagaan naman pero di mapagkakailang luma na" mahabang paliwanag ng Matanda

Nilibot ni Eunice ang paningin sa loob ng mumunting bahay.

Una niyang nakita ang isang maliit na kwadro kung saan andon ang kanyang Ina at Ang Batang siya.

"A-ako ito hindi b-ba?" Nauutal na sabi ni Eunice

"Aba Oo ikaw iyan at ang iyong Ina napakakulit mo pa nong mga araw na yan Hanna" nakangiting sabi ng matanda habang inalala ang nakaraan.

May ala-alang bumalik sa isipan ni Hanna at isa na doon ang Ina niya ang buhay nila dito noon.

Pero hanggang doon palang iyon

"Iha nakalimutan ko may naiwan ka pa palang gamit dito at andon sa kwarto mo yung sa kaliwa banda may box doon alam ko importante sayo iyon noong di ka pa nakakalimot, sana makatulong sa pag babalik ng iyong ala-ala" mahabang pahayag ng matanda

"Oh siya iwan na muna kita at kukuha lang ako ng makakain mo" Sabi ng matanda na siyang kinatango na lang ng Dalaga.

Dahan dahan siyang pumunta sa nasabing silid

Habang papalapit siya dito ay lalo lang din siyang kinakabahan si di malamang dahilan.

Kinakabahan dahil sa katotohanang masagap nito?

Kinakabahan dahil sa mga pwedeng mangyare?

O kinakabahan siya dahil baka sa pag balik ng ala-ala niya malaman niya ang lahat lahat kung bakit siya humantong sa aksidenting nangyare sa buhay niya.

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon