Chapter 1

9 1 0
                                    

Nagpunas ako ng pawis dahil sa init ngayong araw. Napakainit nga talaga dito sa Pinas, mahirap ang buhay at hindi lahat ng bagay ay pantay pantay. Tulad ng hustisya at tamang pagtrato sa mga mahihirap. Habang ako ay nagaantay ng masasakyan papuntang eskuwelahan, tumingin ako sa paligid at pinagmasdan ito. Maingay, maliwanag, at mainit. Makakakita ka ng mga taong naguunahan para makasakay, mga taong nagkwekwentuhan, at mga taong nakaharap sa kanilang mga telepeno.

Kung tutuusin at pagmamasdan ang mga batang palaboy, hindi ko parin maipag kakait na napakaswerte ko na makapag aral at makakain ng kumpleto sa isang araw. Hindi kami sobrang mayaman, pero kami ay comportable sa buhay. Wala din akong binabayaran na tuition dahil ako ay scholar at laging nasa honors. Simula bata pa lang ako ay pinepressure na ng aking mga magulang para makapasok sa listahan ng mga honors. Gusto kasi nila na sundan ko ang yapak nila dahil sila ay may matataas na pusisyon sa kanilang mga trabaho, mas nanaisin nila na nasa mataas ako na posisyon kesa sa pagiging masaya ko bilang estudyante. Ni hindi ko man lang naranasan ang maki tulog sa bahay ng aking mga kaibigan, ang gumala at iba pang bagay na ginagawa ng mga normal na estudyante sa edad ko.

Habang papalapit na ako sa aking paaralan, tumingin ako sa relo ko at napansin na may sampung minuto pa ako para maglakad-lakad bago magsimula ang una kong klase. Nagsimula akong maglakad at pinagmasdan ang paligid. Malaki ang campus namin at isa sa pinaka kilala na eskwelahan dahil sa laki at ganda nito. Ngunit pili lamang ang nakakapasok dahil sa mataas na pamantayan nito para sa mga estudyante. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil isa ako sa mga pinalad na makapasok dito.

Habang ako'y umiikot hindi ko naiwasang pagmasdan ang mga palamuti na meron saaming eskwelahan. Matagal na kasi ito at ilang henerasyon nadin ang nakapag-aral dito. Kung pagmamasdan ang mga gusali, ito ay malalaki at halos itim na ang ibang bahagi dahil sa kalumaan. Kung sa iba ay gusto nila ng mga gamit na makikintab at maliwanag, ako naman ay mas nahilig sa madidilim at lumang bagay. Tuwing itatanong ako ng mga magulang ko kung anong gusto kong regalo tuwing okasyon, ang isasagot ko palagi ay ginto o kaya’y mga vintage na bagay. Nabibighani kasi ako sa kakaibang disenyo nito at kung gaano na ito tumagal sa mundo.

Nang tumunog ang bell na naghuhudyat na magsisimula na ang mga klase, nagmadali ako at naglakad papuntang classroom. Ngunit paghakbang ko ay nakasalubong ko ang isang pusang itim na nakahiga sa ilalim ng puno. Kahit pasimula na ang klase ay hindi ko napigilan na haplusin ang ulo nito. Bata pa man ay nahilig na ako sa mga pusa dahil sa tahimik na ugali ng mga ito. Pagkatapos ko haplusin ang ulo ng kuting ay nagpatuloy na ako sa pagpunta sa una kong subject. At sa di maipaliwanag na dahilan ay gumaan ang loob ko para simulan ang araw.

Ang Pagbabalik sa NakaraanWhere stories live. Discover now