Chapter 9

0 0 0
                                    

Dencio POV

Kinaumgahan ay inihanda ko na ang aking sarili para sa digmaang magaganap laban sa mga epanyol. Tinipon-tipon ko na ang aking mga kawal upang mag bigay ng paalala sa kanilang laban na tatahakin ngayong araw.

"Nais kong ipaalam sainyong lahat na ang digmaang magaganap na ito ay kapalit ng kalayaan ng ating buong bansa. Ingatan ninyo ang inyong mga sarili at siguraduhing uuwi tayong tagumpay!" sabi ko sa mga sundalo

"Heneral Dencio, kumpleto na ho ang ating hukbo at maari na ho tayong magsimulang lumakbay patungong norte." sabi ng aking kanang kamay na si Juanito

Habang nag hihintay kami ng hudyat ng presidente, kinausap ko ang iba kong kasamang mga heneral. Sinabi ko sa kanila ang mga maaring gawin sa loob ng digmaan.

"Heneral Dencio, mag-iingat tayong lahat at nawa'y saatin pumanig ang tagumpay. Madami tayong mga mahal sa buhay na nag hihintay ng ating pagbalik. Ingatan mo heneral ang iyong grupo" sabi ng isang heneral na si heneral Flabio

Bago kami nag patuloy ako ay nag dasal ng sandali. "Panginoon, kayo na ho ang bahala saaming lahat." Habang kami ay nag lalakbay papuntang norte may narinig kaming putok ng baril. Nakasisigurado akong sinusugod na kami ng mga pesteng espanyol.

"Mga kasama! Humanda kayong lahat nariyan na ang mga pesteng espanyol! Walang susuko at walang matatakot! Laban para sa bayan!" sigaw ng aking kanang kamay na si Tenyente Juanito

May iba't ibang grupo ang mga heneral. Mayroong nasa Tarlac, Ilocos Norte, Pampanga, Bulacan, at sa iba pang lupalop ng Pilipinas.

Sa aming pag sugod tanging pag-aalala lamang ang aking nararamdaman. Nag aalala ako para sa mga taong nais makatamtan ang kapayapaan. Nag-aalala ako para kay Via at sa aking pamilya. Ngunit hindi dapat ito ang ang aking maramdaman!

Sa bawat pag lapit namin ay may isa isang namamatay sa bawat kampo ng aming kalaban. Ang iba ay namamatay at sugatan sa aking harapan ngunit hindi ko sila magawang tulungan dahil mas madami pa ang nangangailangan ng tulong ko. 

Putok ng mga baril sa kaliwa't kanan ang aking naririnig. Mga sundalong humihinge ng tulong. Tanging pagpupugay lamang ang aking magawa. Sa kada bangkay na aking nadaraan ako ay sumasaludo. Ang tatapang nilang pinaglalaban ang bayan.

"Lumaban kayo! Kayang kaya natin itong mga ito. Tatagan ninyo ang inyong mga loob at maniwala kayo sa mga sarili" sigaw ko habang kami ay nakikipag laban sa kabilang panig.

Nagulat ako ng may balang dumaplis sa aking kanang braso. Napaka swerte ko dahil daplis lamang ang aking natamo.

"Heneral! Ayos lang ho ba kayo? Nais niyo po ba ng mga medico?" tanong ni Juanito

Tumawa ako ng malakas sa kanyang sinabi at sabat sabing "Juanito, daplis lamang ito. Malakas ang aking swerte kaya hindi ako mamatay sa labang ito. Hindi kinakailangan ng isang heneral ang medico habang ang kanyang mga kasama ay nagbubuwis ng buhay para sa bayan"

Nagpatuloy ang labanan sa pagitan naming mga Pilipino at mga Espanyol. "Punyetang mga espanyol ito! Ang tagal niyong sumuko!" sigaw ko na para bang naiintindihan ako ng mga ito

Unti-untingnauubos ang kabilang panig kaya ginanahan ako lalong makipag laban. Sa bawat puto ng aking baril ay may isa-isa itong tinatamaan.

Juanito POV

Noong nakita ko ang aking heneral Dencio na may daplis ng bala ay agad akong tumakbo patungo sa kanya upang tanungin kung kamusta siya at para na din maalok ko siya ng mga medico.

Ang kulit talaga ng heneral na ito. Sugatan na pero handanh handa pading makipag laban. Nakaka bilib ang mga ipinapakita ni Heneral Dencio na katapangan at pagmamahal sa bansa saaming kapwa niya sundalo. Nais ko mang ingatan siya uoang hindi siya masugatan ay hindi ko magawa. Madaming kalaban ang sumusugod na nararapat lang patayin.

"Heneral Dencio, dapa!" sigaw ko sa kanya dahil muntikan na ulit siyang barilin ng kabilang panig. Sa kanyang pag dapa sinabayan niya pa ito ng halakhak.

"Juanito, huwag mo akong panooring makipag laban! Tulungan mo ang iba. Mag iingat kayo" sigaw ni Heneral habang humahalakhak.

Habang ako ay tumatakbo papunta sa iba kong kasama, isang napaka lakas na halakhak ang aking narinig. Ako ay lumingon ngunit nakita kong maayos pa ang lagay ng heneral kaya naman dumiretso ako upamg makipag laban.

"Sumuko na kayo! Mga hangal! Hinding hindi niyo makukuha ang bansang ito!" Rinig kong sigaw ni Heneral Dencio sa likuran.

"Juanito........."

Ang Pagbabalik sa NakaraanWhere stories live. Discover now