Nagising ako kinaumagahan dahil sa ingay ng mga manok. Bumaba ako para kausapin si Maria upang samahan ako mamasyal sa kanilang lugar. Nang kakausapin ko na si Maria sakto namang tinawag kami ni Donya Imelda upang kumain ng umagahan.
"Maria at Via halina kayo, kakain na tayo." Aya ng nanay ni Maria na si Donya Imelda. Sabay kaming nag lakad ni Maria patungong kusina para kumain ng umagahan. Sa hapag kainan ay may naka haing mainit na tinapay at mga tasang may lamang kape. Pagtapos namin kumain ay kinausap ko na si Maria upang magpasama mamasyal sa mga pasyalan dito sa kanilang lugar.
"Maria, pwede mo ba akong samahan mag ikot- ikot dito sa inyong bayan? Hindi ko kasi alam ang mga pasikot-sikot dito sainyo." sabi ko kay Maria. "Oo naman Via. Mag hintay ka lamang dito at tutulungan ko sandali ang aking ina" sagot niya naman saakin. Habang naghihintay kay Maria, nag tingen tingen muna ako sa paligid ng kanilang kabahayan. Punong puno ang kanilang pamamahay ng mga lumang palamuti. "Napaka ganda naman ng mga ito." Sabi ko sa aking sarili habang hinihimas ang mga plorerang makikintab.
"Pasensya may pagka matagal ang aming ginawa ni inay. Halina't madami-dami ang ating papasyalan." Ani ni Maria
Napaka linis ng kapaligiran, napaka sariwa ng hangin, at higit sa lahat wala kang kahit anong ingay na maririnig. Nasa harapan ko si Maria habang nag lalakad kami patungo sa pasyalan na kanyang sinasabi saakin. Matapos ang matagal na paglalakad ay napunta kami sa parke na tinatawag nilang bagumbayan.
"Narito tayo sa bagumbayan. Ipinasyal lamang kita dito upang ipaalam saiyo na walang sinuman ang nangahas pumasok sa loob. Nakakatakot ang pumariyan" Kwento ni Maria habang kami ay naglalakad lakad. Para itong gubat. Nakakatakot ngang lumasok. Napaka daming puno at mga halaman.
Nagpatuloy na kami sa susunod naming pupuntahan. Habang kami ay naglalakad napaisip ako ayain siyang makipag laro. "Maria gusto mo bang maglaro?" tanong ko. Ngumiti siya saakin sabay sabing "Pasensya ka na Via hindi tayo maaring mag laro rito"
Hindi na kami nag tagal sa bagumbayan dahil malayo layo konti daw ang susunod na pupuntahan namin. Wala akong kaide-ideya sa aming pupuntahan dahil mukhang wala siyang balak ipaalam saakin. Nag ku-kwentuhan lang kami ni Maria habang nag lalakad. Madami-dami siyang naikwento saakin kagaya ng hindi daw umano nakakapag-aral ang mga kababaihan. "Narito na tayo. Ito ang Simbahang Basilica. Ito ang pinaka mataas na luklukan ng mga katoliko. Dito kami nag sisimba tuwing linggo at pati na din kapag wala kaming magawa. Nag darasal kami dito buong linggo paminsan-minsan." pahayag ni Maria. " Ah ganon ba. Maari ba tayong pumasok?" Tanong ko. "Oo naman. Halika't mag dadasal din ako ng mabilis. Nais mo bang sumabay?" Tumungo nalang ako kaya naman agad-agad kaming pumasok. Lumuhod agad siya at tsaka nag umpisang mag dasal. Ganon din ang aking ginawa. Pumwesto ako sa dulo upang ako lamang mag-isa. Pag tapos ko mag dasal hinanap ko kaagad si Maria sa paligid. Habang hinahanao siya napansin kong madami-dami ang mga tao amg nag pupunta dito kahit pa walang misa. Nakita ko si Maria sa may gilid ng pinto palabas ng simbahan kaya naman sumunod na din ako.
Susunod na aming pinuntahan ay ang Dungeon o tinatawag daw nilang piitan. "Dito naman ay ang piitan. Sa ilalim nito ay may mga nakatago raw na mga canon at mga sandata. Hindi ko alam kung ito ay totoo o isa lamang sabi sabi. Naikwento lang din kasi saamin ang kung anong mayroon dito. Walang maaring makapasok diyan kaya walang sino man ang sigurado kung ano ang nilalaman ng piitan na yan." sabi ni Maria. Medyo napalakas ang aking pag tawa kaya naman tumingen saakin si Maria at tinanong kung bakit ako ay tumatawa mag isa. "Hindi ko kasi alam na mayroon din palang mga chismosa dito sa lugar ninyo" sabi ko.
"Paumanhin Via, pero... Ano ang pinagsasabi mong chismosa?" Tanong saakin ni Maria na mas lalo kong ikinatawa.
" Hindi mo alam iyon? Ayun yung mga taong nag kakalat ng mga maling impormasyon." Sagot ko.
"Walang nakasisigurado kung mali o tama ang impormasyong iyon kaya hinding hindi mo dapat ikinatutuwa ang mga gayang bagay." Tugon niya. Napatahimik nalang ako sa kanyang sagot. Bakit parang nagalit siya? Oh ako lang? Tanong ko sa aking sarili.
"Umuwi na tayo at baka gabihin tayo. Mapapagalitan tayo ng aking inay. Bukas nalang natin puntahan yung dalawa pang maaring pasyalan dito." Sabi saakin ni Maria. Mukha ngang inabot kami ng hapon dito sa labas. Tamang tama ang pag aya niya saakin umuwe dahil napagod din ako sa mahabang paglalakad namin.
YOU ARE READING
Ang Pagbabalik sa Nakaraan
Short StoryOlivia Marielle Sebastian, Grade 10 student. Bookworm at ugaling mangusisa at matalino