Chapter 5

4 0 0
                                    

Pagka uwe namin ni Maria ay nag pahinga na agad kami. Umakyat ako sa silid kung saan ako inilagay nila Donya Imelda noong unang araw na napulot nila ako. Sobrang nakakapagod ang ginawa naming paglalakad. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa damit na ipinahiram saakin ni Maria dahil napaka gaan lamang nitong damit. Habang ako ay nag papahinga, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Ginising na lamang ako ni Maria upang ayaing kumain ng hapunan.

"Via, gumisang ka na at kakain na tayo. Nakapag hain na si inay ng ating hapunan" sabi ni Maria. Tumungo na lang ako at tsaka dumuretso na malapit na banyo upang makapag hilamos at makapag mumog na din. Pag ka labas kong banyo dumiretso na akong bumaba upang mag maki kain. Pag pasok ko ng kanilang kusina agad akong napansin ni Donya Imelda kaya naman niyaya niya akong makisali. "Via halika nat kakain na tayo. Masarap ang inihanda kong hapunan." Madami ang naka haing pagkain sa hapag kainan. May tinolang manok at potchero. Naki sabay na akong maki kain sa kanila. Pag ka tapos naming kumain ay dali-dali akong nakipag agawan ng trabahong bahay. Nais kong tumulong man lang dito sa pamamahay nila kapalit ng pag tira ko dito panandalian.

"Via mag pahinga ka na at tila napagod kayong dalawa ni Maria sa inyong pag alis" sabi ni Donya Imelda. Malapit  naman na akong matapos sa pag wawalis ko kaya naman ay tumango nalang ako at ngumiti. Umakyat na silang lahat kaya dalawa na lamang kami ng kasama nilang narito sa baba. Pag katapos ko ay nag paalam na ako sa kasama nila uoang umakyat at magpahinga.

"Magandang umaga Via!" Masayang bati saakin ni Maria pag ka labas ko ng silid. Ngumiti ako at sabay sabing "Magandang umaga din Maria."

Kagaya ng ginawa namin kahapon kumain muna kami ng umagahan at tsaka lumabas upang mag pa tuloy pumasyal. Hindi na kami nag lakad dahil naki sabay kami kay manong Cerio. Nakakatawa dahil hindi ko man lang alam kun ano ang nararapat na itawag ko sa kanila. Dapat ko  ba silang tawaging lola? Donya? Manong? Kuya? O ginoo? Hindi ko alam. Habang nasa sadakyan kami napansin kong tila maka luma ang loob nito. Nag kikwentuhan kaming muli ni Maria habang naghihintay na maka punta sa aming destinasyon.

"Narito na tayo. Hindi ko ito masasabing pasyalan ngunit isa ito sa matatayog na pader dito sa aming lugar. Bukod sa matataas ang mga pader, matitibay din ang mga ito. Ito ay tinatawag na Intramuros. Mga kastila ang pumaparito, madaming bantay kaya hindi din tayo maaring makapag tagal." sabi ni Maria. Mataas ang mga pader mukhang mahihirapang nakawan ito dahil kahit ang hagdan hundi kayang abutin. Umalis na kami ni Maria at sumakay muli sa sasakyan ni manong Cerio. "Maari mo ba akong kwentuhan ng mga tungkol roon? Gusto ko malaman ang mga nasa loob ng matatayog na pader na iyon." Sambit ko. Mukhang narinig ako ni manong Cerio kaya namab siya ang sumagit sa aking katanungan. "Ang Intramuros ay isang bayan na ang mga kastila ang namumuno. Alam niyo bang, bago pa dumating ang mga kastila dito sa bansa natin ay may mga datu, raja, at mga sultan ang naninirahan diyan. Nalaman ko lamang iyan sa kwento ng aking matandang ina" Mukhang matagal na iyong nakatayo at napabahayan pa pala ng mga sultan noon. "Ah ganon po ba" sagot ko.

Napadaan kami sa tinatawag nilang Fort Santiago ngunit hindi na kami bumaba dahil hindi umano maari. "Bakit hindi po tayo maaring bumaba?" tanong ko. "Nais mo bang maka kita ng mga taong naka kulong? Ang Fort Santiago na iyan ay ang nag sisilbing kulungan ng mga Pilipino. Diyan ikinukulong ang mga taong nagka sala sa batas." Nagulat ako sa sinabi ni manong Cerio. Napaka laking kulungan naman ng kugar na iyon. Nakakatakot.

"Maari niyo po bang ihinito ang sasakyang ginoong Cerio. May kakamustahin lamang ako sandali. Halika Via ipapakilala kita." Sambit ni Maria. Hinihintay niya akong makapag lakad kasi masyado akong mabagal. Tinitignan kong maayos an lugar na ito, napaka pamilyar pero hindi ko maalala. May isang bahay rito na kinatok ni Maria. May isang matandang babae ang sumalubong saamin. Mahaba ang kanyang damit, nakatali ang kanyang buhok, at maayos ang pagmumukha. Siguro isa ito sa mga amiga ni Donya Imelda. "Magandang umaga po Donya Victoria maari ko po bang malaman kung nasaan po si Felicidad?" tanong ni Maria sa matanda. Donya Victoria? Ang mamahalin naman ng pangalan. "Magandang umaga Maria, nasa kanyang silid si Felicidad, nagpapahinga" sagot ng matanda. "Si Via po pala donya Victoria, kaibigan ko po, Via si Donya Victoria." pinakilala ako ni Maria sa matanda. Ngumiti lang ako tsaka nangamusta sandali. "Napaka gandang dilag. Oh umakyat na pala kayo para naman malibang ang aking anak sa taas" umakyat kami sa pangalawang palapag at tsaka pumasok sa isang silid. "Kamusta ka na Felicidad? Pasensya at ngayon lang ulit ako nakalabas ng aming bahay. Hindi kasi ako maaring lumabas sabi ni inay." Pagpapaliwanag ni Maria kay Felicidad. "Felicidad ito nga pala si Via kaibigan ko, Via ito naman si Felicidad kaibigan ko din" Makinis ang mukha niya at napaka ganda ng kulay ng kaniyang balat. Pare-parehas nga ng pananamit ang mga kababaihan rito. Mukhang normal na damit ito para sa kanila.

Ang Pagbabalik sa NakaraanWhere stories live. Discover now