Napahilamos ako sa mukha pagkatapos ko matapos ang pagbabasa ng history book para sa huling subject ko ngayong araw. Nagsimula akong mag ayos ng gamit para pumunta sa kainan na pinagplanuhan namin ni Duke
“Via! samahan mo naman yan ng konting bilis, gutom nako oh!” malakas na sigaw ni Duke sa hallway.
Napairap ako at mas binilisan ang paglalagay ng mga gamit sa bag ko. Matagal ko ng kaibigan si Duke, bata palang kami ay magkakilala na kami. Tatlo kaming magkakaibigan pero si Claire na isa ko ding matalik na kaibigan ay nagaaral sa US ngayon. Doon kasi nakatira ang bagong pamilya ng nanay niya. Kung aalalahanin ko ang kwento namin kung paano kami magkakaibigan, palagi akong natatawa dahil magkakaaway kami noon, salamat nalang sa Diyos at binigyan niya kami ng pagkakataon upang mas makilala ang isa’t isa.
“Wow, buti lumabas ka pa? Kulang nalang mapanis ako dito kakaantay sayo, pambihira naman Via, ang tanda mo na ang kupad mo parin.” Mabilis na pananalita niya sa tabi ko
Kumuha ako ng papel na dapat itatapon ko palabas at isinuksok sa bunganga niya sa inis.
“Ang dami mong sinasabi, tara na” Inis na wika ko at mabilis na naglakad palayo.
Pumunta kami sa paborito naming tapsihan sa tapat ng aming paaralan.Pagkaupo ko ay napapaypay ako sa sarili ko at pinunasan ang pawis ko sa ulo. Kanina ko pa napansin na sumasakit ang ulo ko at medyo nahihilo. Siguro sa init lang ng araw. Nauna narin si Duke na umorder ng pagkain, alam niya naman lagi ang kinakain ko tuwing kakain kami dito.
"Kamusta diyan sainyo? Mahirap ba? Para kasing lagi kang stressed" wika niya habang ngununguya.
"Hindi naman, pagod lang ako dahil nauna kong basahin ang susunod na topic para bukas" mahina kong tugon
Kumunot ang noo niya at tinignan ako ng matagal.
"Pinepressure ka parin ba nila tita? Sabi ko naman sayo magsabi ka sakin dahil malakas naman ako don" natatawang wika niya
Matagal ng alam ni Duke ang relasyon namin ng magulang ko. Malayo at hindi kami nagkikita kita. At kung tatanungin narin ako, ito ang dahilan kung bakit ayoko yumaman. Araw araw kong tinatanong sa sarili ko na kung hindi ginusto ng magulang ko ang malunod sa pera, sana masaya ako at nakakaranas ng pagmamahal sa magulang. Mahirap pero nasanay narin ako. Magisa sa lamesa kumain, magisa sa birthday, at sa mga okasyon. Ang lagi kong kasama ay si Duke at ang kaniyang pamilya. Masasabi kong halos kilala ko narin silang lahat.
Ang totoo niyan, matagal ko ng gusto si Duke. Hindi ako yung taong mahilig magpakita ng emosyon. Natutunan ko itong itago at ipakita na wala akong pakielam. Siguro dahil sinanay akong ganito. Pero siguro mahirap magpanggap minsan na kaibigan lang ang turing ko sakanya, kahit higit pa doon ang nararamdaman ko.
Kalaunan ay nagpaalam na kami at hinatid niya ako hanggang sa gate namin.
"Oh pano bayan, kita tayo bukas ah?! Treat mo ko! Laban namin sa basketball bukas, may ticket narin ako na nilagay sa bag mo" natatawa na wika niya
Ngumiti ako at tinignan siya, "Oo na, pupunta ako, promise" natatawa kong sabi sakanya.
Paalis na kumaway siya at tumakbo palayo habang kumakaway sakin. Sulit ang pagod ko ngayong araw kung ganito lang lagi.
Naglakad ako papasok at nadatnan ang madilim na sala. Tahimik at malungkot dito. Sanay naman na ako, nung bata ako ay ayaw ko ng madilim, siguro normal sa mga bata ang matakot kapag wala silang nakikita at tahimik ang paligid. Dati rin akong ganyan, pero habang tumatanda, natuto ako na mahalin ang dilim, dilim na kasama ko mas madalas.
Pagkatapos ko magayos ay umupo na ako sa aking study table at nagsimulang magbasa. Mag isa lang ako dito ngayon at umuulan ng malakas, narinig ko rin kanina na may bagyo na paparating. Sayang lang mag isa ako dito ngayon dahil nasa meeting conference ang mga magulang ko sa ibang bansa.
Paglipas ng ilang oras ay napansin ko na may tumutulong dugo sa papel na binabasa ko. Agad kong tinakpan ang aking ilong at tsaka kumuha ng tissue upang punasan ito. First time ko magkaroon ng nosebleed at dahil hindi ko alam ang gagawin, humiga ako saglit at naglagay ng tissue sa bandang ilong ko. Habamg nakahiga hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako sa pagod.
Sa mga huling oras na iyon, hindi ko inaasahan na doon pala magbabago ang takbo ng aking buhay.
YOU ARE READING
Ang Pagbabalik sa Nakaraan
Short StoryOlivia Marielle Sebastian, Grade 10 student. Bookworm at ugaling mangusisa at matalino