Chapter 11

0 0 0
                                    


Nagising ako sa liwanag at tunog ng aparato sa gilid ko. Dahan dahan akong nagmulat ng mata at pinagmasdan ang paligid.

Malinis ito at halos puti ang paligid. Napansin ko din na halos walang bintana dito at ibang gamit. Tanging purong puti lamang at kama ang andito sa kwarto. Dahan dahan akong tumayo at sumilip sa binta.

Nang makita ang labas, huminga ako ng malalim at pumikit. Andito nanaman ako..

Lumingon ako ng bumukas ang pintuan at pumasok si Doktora Rama. Ngumiti siya saakin ng malamya at lumakad palapit.

"How are you Olivia? Are you doing good?" Nakingiting sabi niya sakin.

Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang ingles niyang pananalita. Dali dali akong lumingon at kinapa ang paligid. Napansin ko na ito ay may nga lock at nakikita ang mga taong abala na naglalakad sa gilid ng kalsada. Lahat ay may kapit na cellphone at may sasakyan.

Sinubukan kong pumikit ng nagsimula ng magtubig ang mata ko

Hindi pwede, hindi pwedeng ngayon pa ako babalik. Babalikan ko si Dencio at sila Donya. Hindi ngayon kung kailan kailangan nila ako

Napailing ako at nagsimula ng humikbi. Inalalayan ako ni Doktora papunta sa kama at pinakalma. Binigyan niya ako ng tubig para mahimas masan kahit papaano.

"Olivia, your depression is starting again. I noticed you since the other day screaming and saying some other name. Continuously ka ba na nagtatake ng pills mo?"

Inangat ko ang paningin ko sakanya at kumunot ang noo. Noong isang araw pa? Hindi ba't wala ako dito noon? Hindi ba andon ako kila Donya at nagsasaya? Hindi ko maintindihan ang nga nangyayari kaya't napailing ako at hindi matanggap ang nangyayari.

Eto nanaman, baka nga totoo ang sinasabi sakin ng mga magulang ko. Na baliw ako at puro kawalang saysay ang sinasabi ko. Hindi ako baliw at lalong alam ko ang nangyari noong huling mga araw. Totoong totoo ang mga nangyari at hanggang ngayon rinig ko parin ang mga putok ng baril na nagmumula sa kalaban. Hindi ako baliw

Hindi ko na namalayan na tinurukan na pala ako ng pang patulog habang umiiyak ng walang tigil sa nangyayari

Pagkagising ko ay hinatid ako ng ilang mga nurse papunta sa silid ni Doktora. Binuksan nila ang pinto at pinaupo ako sa harapan niya. Habang mugto ang mga mata at pagod kakaiyak, ngumiti at tumingin ako kay doctora.

"Doc, ano po yun? What I saw and experienced is true right? Lahat po ng nangyari ay malinaw ko na naalala at naririnig. Hindi naman po talaga ako baliw diba?" Naiiyak na sinasabi ko sakanya.

Nalungkot ang mukha niya at agad na hinawakan ang kamay ko. Sa mga panahong ganito ay sanay na ako. Madalas akong nagkakaroon ng panic attacks na minsan ay nagreresulta sa pananakit ko sa sarili ko. Mahirap ngunit kada araw nakakahanap ako ng dahilan para magpatuloy

"Look Olivia, I'm going to explain to you what happened these past few days that I was observing you. Your parents were here yesterday and they said that they saw you talking to no one in front of your house. And you were saying your bestfriends name, Duke. Olivia I know this is hard but you have to move on and move forward. Wala na si Duke, hayaan mo na siyang mamahinga at para magkaroon ka narin ng kapayapaan. It's not your fault, wala kang kasalanan sa nangyari"

Naluha ako at yumuko. Alam ko sa sarili ko na patay na siya. Pero nakikita ko parin siya sa sobrang lungkot. Narinig ko sila doktora nung isang araw na naguusap. Sinasabi na ginawa kong coping mechanism ang pag iisip o imagine na kasama ko pa siya.
Hindi ko lang matanggap na nakaya ko sanang maiwasan na mawala siya kung sinabi ko sakanya na may paparating na kotse sa dinadaanan niya. Ngunit naunahan ako ng takot kaya't naaksidente siya at namatay. Hindi ko sadya at wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko. Labis akong nalungkot at naging suicidal kaya't ilang beses na akong ulit na napupunta at nacoconfine dito. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap kaya't nangyayari ang mga ganito.

Ang hirap, ang hirap humingi ng tawad sa taong alam mong patay na at hindi na babalik ulit. Sana sa susunod, sa susunod na buhay ay pwede pa. Sa susunod kung saan magiging masaya kami at payapa.

Ang Pagbabalik sa NakaraanWhere stories live. Discover now