Nagising ako sa lagaslas ng tubig at mahangin na paligid. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nadatnan ang makahoy na bubong. Tumingin ako sa gilid at napansin ang kurtina na hinahangin palabas. Rinig ko rin ang maliit na sigawan ng mga bata sa labas. Nagtatakang sumilip ako at nakakita ng mga babae na naka damit ng mahaba at naka pusod ang mga buhok. Nagtataka akong tumingin at napa isip na siguro nga nananaginip lamang ako. Umupo ako at kinurot ang sarili. Pinakiramdaman ko naman ang paligid at napansing totoo ang aking nakita. Napabalikwas ako ng bangon at dali daling tumakbo sa pinaka malapit na pintuan. Una kong napansin ang makalumang disensyo ng bahay. Makahoy at puno ng makikintab na porsyelo ang paligid. Kapansin pansin din na walang tv o kaya mga aircon sa kahit ano mang sulok ng kabahayan.Siguro nasa probinsya lang ako bulong ko sa sarili ko. Kumalma ako ng kaonti at bumaba sa hagdanan. Habang pababa ay sumalubong saakin ang isang matanda at dalaga. Nagulat ako at napaatras
"Hello po, pasensya na po sa abala pero nasan po tayo ngayon?" Ang huling naalala ko kasi ay nasa silid akong natutulog, hindi ko alam kung hinimatay nanaman ba ako kagabi at dito ako dinala ng mga magulang ko.
"Magandang umaga hija, ako si Donya Imelda at ito si Maria. Anak ko."
Nagtatakang tumingin ako sakanila at pinagmasdan ang kasuotan nila. Sila ay nakasuot ng mahahabang damit at malinis ang itusra, kapansin pansin din ang mga alahas na suot ng mga ito. Puno ng perlas ang kanilang leeg at hikaw.
"Ah magandang umaga po ako naman po si Via. Tanong ko lang po kung paano ako napunta rito? Dito po ba ako dinala ng aking mga magulang para magpagaling?"
Nagtatakang nakatingin sila sakin at pinagmasdan ako
Tumawa ng mahinhin si Maria at sinabi na "Habang nag lalakad kami ni Ina'y ay nakita ka namin sa gilid ng ilog, basa at inaapoy ng sakit. Naisip namin na tumulong at bigyan ka ng kaunting matitirhan. Kung maari ay pwede bang malaman kung saang baryo ka naka tira? Nang maihatid kana rin ni Ginoong Cerio sa iyong tirahan. At nakakapag takang unang beses ko palang nakita ang iyong kasuotan dito, ito ay hindi maipaliwanag at kakaiba"
Nagtatakang tingin niya sa damit ko habang kinakapitan ang tela.
"Ano? Hindi ko ho kayo maintindihan. Pwede bang mapag tanungan nalang po kayo sa pwedeng sakayan dito? Maraming salamat po talaga sa tulong niyo pero pwede ko po bang makausap ang mga magulang ko?"
"Hija, ang mga sakayan dito ay madalang lamang at tanging mga mayayaman lamang ang merong permanenteng sasakyan dito. Mas maganda siguro na magpahinga ka muna upang mahimasmasan ka sa mga nangyayari. Siguro ay galing ka sa kabilang bundok kung saan nagkaroon ng pagsabog at siguro ay hindi ka pa makapaniwala sa mga nangyayari. Maria, ihatid mo siya sa kaniyang kwarto at bigyan ng komportableng mga damit." Mahinhin niyang sabi sakin.
Dahan dahan naman akong iginaya ni Maria sa kwarto. Ngunit hinila ko siya pabalik
"Teka nga Maria, nasaan ba talaga ako, wala akong maintindihan at pwede bang paki paliwanag sakin yang suot niyo ngayon? Mga baliw ba kayo o uso lang yan dito?"
Gulat at nagtatakang napatingin siya saakin.
"Ano? Paanong kakaiba Via? Hindi ba't normal na kasuotang ito dito? Ang ganitong kalse damit pa nga ay yari sa magandang tela at presko sa katawan. Ang iyong damit ang nakapagtataka, may ganyan palang gawa ang mga mananahi doon" nakangiting sabi niya sakin habang iginagaya niya ako papuntang kwarto.Bago kami magkamabutihan ay kinausap ako ng isa sa tauhan ni Donya Imelda. Muntikan pa nga akong ipapatay ng tauhan niya dahil hindi ako kilala ng mga ito. Kakaiba ang aking kasuotan at lalo na, bago ang mukha ko dito sa bayan. Protektado at mataas kasi ang estado nila Donya Imelda dito. Unang tingin palang sa kanilang kasuotan ay halatang may kaya na. Kaya hindi ako nagtataka na nag iingat nga naman sila sa mga taong hindi kilala.
Nalaman ko rin na may namatay na anak si Lola Imelda, kaya naman malambot ang puso nito sa mga dalagang mahihirap. Nagkataon lang na kaedad ko pala ang nawawala niyang anak kaya naman nagpadalos dalos siya sa kanyang mga galaw.
Hating gabi na at napaisip ako sa mga nangyari. Alam ko sa sarili ko na hindi normal ang mga kaganapan ngayong araw. Pilit kong isinusuksok sa utak ko na normal ito at baka isang panaginip lang. Ngunit habang pinagmamasdan ang paligid kaninang hapon, nakumbinsi ko na rin angaking sarili na wala nga ako sa normal kong pamumuhay. Matagal na rin akong nakakapanaginip ng ganitong scenario sa isip ko. Paulit ulit na lumalabas ang imahe sa utak ko tungkol sa ganitong panahon.
At ngayon, sigurado ako na wala na ako sa taong 2021.
YOU ARE READING
Ang Pagbabalik sa Nakaraan
Short StoryOlivia Marielle Sebastian, Grade 10 student. Bookworm at ugaling mangusisa at matalino