Chapter 12

0 0 0
                                    

Pinagpag ko ang suot ko habang naglalakad palapit sa sasakyan. Nakangiti kong pinagmasdan ang mga puno na nadadaanan namin. Puno ito ng kulay at sariwa ang hangin dito. Inayos ko ang bulaklak na nasa hita ko at kinapitan ang ilang parte nito. Pinaka paborito kong bulaklak ang daisy. Simple pero napakaganda. Nagdala din ako ng puting bulaklak at iilang pagkain na hilig ko kainin. Ng makarating ako sa tapat ng musileyo, nagbayad ako at nagpasalamat sa driver.

Naglakad ako palapit at pinagpagan ang lapida ni Duke. May iilan kasing tuyong dahon dito at konting alikabok. Nilapag ko ang mga bulaklak at naupo sa harapan ng lapida niya. Habang nakaupo ako ay ngumiti ako at pinagmasdan ang paligid ng kwarto. Puno ito ng litrato ni Duke at mga nakuha at napalanunan niya sa mga contest. May iilan din siyang gamit dito tulad ng gitara at paboritong damit niya. Nakasanayan na kasi nila Tita, ang magulang ni Duke na iiwan dito ang iilan sa mga paborting gamit niya.

Dalawang taon na ang nakalipas ng huling mangyari ang paghahaluccinate ko dahil sa kagulatan at hindi ko pagtanggap sa mga nangyari. Mahirap pero ang mga nangyari sa panaginip ko ang nagtulak sakin upang magpatuloy. Naalala ko parin ang mga ngiti ng mga tao sa paligid at mga munting halakhak ng mga bata. Habang nakatingin at inaalala ang mga nangyari, biglang humangin na nagresulta upang mapatingin ako sa harap.

Napadaan ang mata ko sa litrato ni Duke na naka tuxedo. Eto ang 17th birthday niya. Naalala ko pa na ito yung panahon na nahumaling ako sakanya. Talagang maliwanag at malinaw pa ang alala-ala ko sa gabing iyon. Dahil doon nagsimula lahat, lahat ng pagmamahal ko sakanya.

Nang lumipas ang ilang oras ay nagpasyahan ko ng umalis at magpaalam kay Duke. Hindi ako madaldal na tao kaya't hindi ko siya kinakausap sa mismong harapan ng lapida. Lahat ng gusto kong sabihin ay nasa isip ko lamang palagi. At alam ko na kahit sa ganitong paraan ay mauunawaan niya ako.

Habang naglalakad pauwi ay napagdesisyonan kong dumaan sa malapit na exhibit dito. Maaga pa naman at nais ko pang maglibang ng kakaunti. Habang naglalakad ay biglang lumamig ang hangin sa paligid ko at napayakap sa sarili. Tinignan ko ang ibang kasabay kong tao pero parang wala namang gininaw na katulad ko. Napailing ako at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa exhibit.

Unang pasok ko palang ay namangha na ako sa disenyo nito. Lumang luma at sakto ang pagkakailaw. Puno din ito ng lampara at mga halimbawa ng mga kahoy na ginamit sa kubo noon.

Naglakad lakas ako paikot at nakita ko ang ilan sa mga libro na ginawa ni Rizal. Ang libro na Noli Me Tangere na hindi natapos ay nakadisplay dito. Hindi lang ako sigurado kung replica ito o totoo talaga. Ang iilan din dito ay mga gamit na ginamit ng mga Pilipino noong nakikipaglaban sila sa mga espanyol. Habang naglalakad ay napadako ako sa dulo ng exhibit. Dito, nakasabit ang mga litrato ng mga Sundalo, Bayani, at mga heneral.

Isa isa itong naka paskil sa mga dingding at mayroong mga gamit na nakasabit dito. Unang una kong nakita ay si Rizal, talagang napaka-ayos niya tignan at hindi ako magtataka kung may mga babaeng nahumaling sakanya noong oras niya.

Habang naglilibot ay tumapat ako sa pinaka huling litrato.

"Heneral Dencio Lorenzo Mabini"

Nanlaki ang mata ko at natulos sa kinatatayuan. Ang litratong nasa harapan ko ay ang itsura mismo ni Dencio, na nasa imahinasyon ko noon. Mula sa kurba ng mata, labi, at mukha, hulmang hulma nito ang itsura niya. Ang matapang na itsura at makisig na pangangatawan.

Nagsimulang magtubig ang mata ko at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Tinignan ko ang ilang sa kagamitan na naka paskil at nakita ko ang isa sa mga nakasabit sa kwelyo niya. Ang pinaka paborito kong disenyo na nakalagay sa kwelyo niya. Malinaw na naalala ko na ito yung nasa panaginip ko.

"Ang pinaka-batang heneral na isa sa pinaka-paborito ni Heneral Mabini, ang kaniyang apo. Naging heneral siya ng tatlong taon, ngunit maaga ito nahasa kaya't siya ang pinaka batang heneral. Namatay ito sa laban o gyera ng mga Pilipino laban sa espanyol, at may sabi sabing naging kahating biyak nito, ngunit namatay ng maaga

Nagsimula akong maluha at humikbi. Hindi, hindi ako namatay. Sadyang hindi sumang ayon ang tadhana para sa atin. Patawad, at sana sa susunod na buhay, hahayaan tayo ng oras at ng tadhana para magtagpo.

-katapusan-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Pagbabalik sa NakaraanWhere stories live. Discover now