Pagkatapos kong makilala si Felicidad nung hapon, nagdesisyon ako na magpahangin saglit dito sa bakuran, tunay ngang kakaiba ang hangin at itsura ng mga halaman rito sa panahon ngayon. Malinis at maluwag ang mga daan. Maraming bata na naglalaro gamit lamang ang mga bato at maliliit na sanga ng puno, hindi gaya sa panahon ko na halos puro mga cellphones na ang gamit ng mga kabataan. Kung tutuusin ay dapat ikabahala ko ang biglaang pangyayari at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ngunit hindi ko alam kung bakit parang sobra akong komportable agad dito. Tila sanay na sanay ang aking katawan sa gagawing kilos at mga dapat gawin dito. Hanggang ngayon ay misteryoso parin ito saakin.Napatingin ako sa kabilang daan ng may marinig akong umiiyak na bata, nakatungo at tila takot na takot sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Nakasuot ito ng pormal na pananamit at may suot na sumbrero na katulad ng sa mga napapanood kong teleserye. Kung titignan ay mukhang nasa mataas na posisyon ito sa gobyerno.
Nanalaki ang mata ko ng makitang balak niyang hampasin ang bata gamit ang dala niyang pamalo. Dali dali akong tumakbo at sinigawan siya upang awatin sa balak niyang gawin.
"Hoy! Ano sa tingin mo ang gagawin mo diyan sa bata, bulag ka ba?! Hindi mo ba nakikita kung gaano kalaki yang kapit mo na pamalo?!" Galit na salita ko habang inilalagay sa likuran ko ang batang patpat at halos humihikbi na sa takot.
Nagulantang ako at gulat na gulat ng makita ko ang itsura niya. Kamukhang kamukha niya ang kaibigan kong si Duke. Simula sa kilay, mata, at bibig. Kopyang kopya nito ang pagkakahugis ng mga ito. Dahan dahan akong nanghina at naluha. Sa sandaling pananandali ko dito, hindi ko mapag kakaila na miss na miss ko na si Duke. Ang tawa at ang pagsama niya sakin sa pang araw araw.
Tinitigan niya ako ng masama at tinaasan ako ng kilay. "Tunay nga ang sabi-sabi ng mga tao na makakapal ang mukha ng mga tao dito." tumatawa na sabi niya "Ilahad mo ang apilido mo ng malaman ko at maturuan ka ng leksyon." malalim na tingin niya sakin habang nagsasalita.
Kumunot ang noo ko at kinabahan sa tono niyo. Base sa pananamit ay mukang mataas ang estado ng buhay niya dito. At kung pagmamasdan, ang mga nakakabit sa bulsa ng kanyang pangtaas. Maraming mga badge at kung ano pa. Malamang ay heneral ito, ngunit bakit parang bata siya tignan kung itatabi sa ibang heneral?
"Ano? Tatanga ka nalang ba diyan? Akala ko mayabang kalang, tanga ka din pala" Nang iinsultong wika niya.
Humakbang ako paharap at balak siyang sampalin ngunit agad akong nahatak ni Maria at dali daling inilagay ako sa likuran niya.
"Heneral, paumanhin po at nakasalubong niyo ang aking pinsan. Baguhan lang kasi siya dito kaya't hindi siya pamilyar sa mga tao. Pagpasensyahan niyo na po siya at itong tuturuan ko sa susunod." Kalmado at bahagyang nakayuko na wika ni Maria.
Tumaas ang kilay ng sinasabing heneral ni Maria, at tinignan ako sa likuran niya. Bahagya siyang ngumiti at umiling.
"Sa susunod na makita kita na palaboy laboy at bastos, may kalalagyan ka saakin." Nagbabanta na wika niya sakin, pero nakangisi.
Tinaasan ko siya ng kilay habang siya ay naglalakad paatras. Habang tinitignan ang palayong bulto ng kanyang katawan, hindi ko mapigilang mapaisip kung gaano niya kamukha si Duke. Ang kurba ng mukha at katawan ay sadyang parehong pareho. Ngunit sadyang napakagaspang ng ugali nito, na kabaliktaran naman ni Duke.
.
YOU ARE READING
Ang Pagbabalik sa Nakaraan
Short StoryOlivia Marielle Sebastian, Grade 10 student. Bookworm at ugaling mangusisa at matalino