AUDREY
"Ate gising ka na, ala sais na oh!"
"Ate saing kana,wala kaming baon!"
Kukusot kusot ako ng mata, hay. Umagang umaga ganyan ang eksena sa bahay. Ang hirap talaga maging panganay. Pero kakayanin ko,para sa 3 kapatid ko.
Tamad na tumayo ako sa papag at nag asikaso ng mga bata kong kapatid. Saing dito,luto doon. Plantsa dito,hugas doon. Pinanghahawakan ko lang ang pagmamahal nila sa akin kaya hindi ako nagsasawang gawin ito kahit buong magdamag
Ala siyete na at tapos na ang aking mga gawain. Alas otcho naman ang pasok ng mga kapatid ko,may trenta minutos pa kami para makapagpahinga. Oo, sila lang ang papasok sa eskwelahan. Huminto na kasi ako sa pag aaral. Ako na ang nagparaya, tutal ako naman ang panganay e!
"Ate oh, eto isang daan. Pambili natin ng bigas mamaya!" Nakangiting inabot saken ni Bryan ang lukot lukot at halos di na makilalang pera.
Kunot noo ako at sinabing "At saan ka kumuha neto Aber?!"
"Ay nako ate! Namakla yan! Nakita ko sa parlor kagabi yan e!" Tatawa tawang sbi ni Kobe
Nanlaki ang mata ko at sisigaw na ng bigla syang nagsalita
"Hindi no! Gaya mo ko sayo na nangdedekwat! Nangalakal ako ng madiling araw! Tss/" iiling iling na sabi ni Bryan.
Napabuntong hininga nalang ako. "Alam nyo,kaya ko naman to mga bro e. Wag na kayo kumayod para kumita. Kayang kaya ni Ate to!" sabi ko sabay pakita ng muscles ko. Kahit wala naman
Ngumiti lang sila at niyakap ako "I love you Ate! Napakaswerte talaga namin sayo!"
"Oh tama na drama,wag niyo ko yakapin at baka magusot ang mga polo nyo,o sya nga pala asan yung kambaa-?
"Ate Rey!"
"Ate Aud!"
"Oh andito pala kayo,san kayo nagpunta? Tanong ko sa kambal
" E kate ate tumayaw kami saglit dun,para makahingi kami ng isang tinapay sa bakery e!" Sabe ng dalawa na sabay.
Napayuko nalang ako.Kung nandito lang talaga sina Mama edi sana di ako nahihirapan ng ganito. Hindi naman sa naninisi at sumusuko pero deserve ko ba talaga mahirapan ng ganito? Ganito ba kapalit ng pagiging ubod ng ganda?! :(
Sa pag iisip ko di ko namalayan na hinalikan ako isa't isa ng mga kapatid ko. Hudyat na aalis na sila. Nag wave sila at "Alis na kami ate ah!" sabay bitaw ng kanilang matatamis na ngiti
Ngumiti ako bilang ganti. "Ingat kayo ah Kobe,Bryan,Lebron,James!!"
Di ko alam kung matatawa ako sa pamamaalam ko saknila. Ang kukulet kase ng kanilang mga pangalan. Di masyadong obvious na di adik sa NBA ang mga magulang ko.
Napailing ako.
AMPON KAYA AKO??!
Di pa pala ako nagpapakilala sainyo. Ako si Audrey. Audrey Sebastian. Im 19. Hindi na ko nag aaral gawa ako ang kumakayod sa mga kapatid ko. Ano nangyari sa magulang ko? Naaksidente sila 6 months ago. Kaya medyo hirap ako mag adjust,kasi naging doble kayod ako e. Nung buhay pa sila,si Mama ay teacher at si papa naman ay company driver. Nag aaral pati kami nun sa Brent College. Isang sikat na school dito sa bansa. Puro mayayaman ang nandun aat matatalino. Nakapasok lang ako at kapatid ko dahil sakin. Janitor ako sa umaga,estudyante sa gabi. Okay lang naman sakin yon dahil ay ang kapalit naman ay ang pag aaral ng mga kapatid ko. Pede kase magpasok ng mga estudyante ang empleyado ng school na yun. Pero nung mamatay sina Mama dahil sa aksidente. Wala na. Parang nawasak ang mundo ko. Wala akong nagawa kundi huminto at sa public nalang mag aral ang mga kapatid ko. Malabo na ata maging engineer ako.
Di ko napansin na pumasok pala ng bahay ang mga balahura kong kaibigan. Ang kambal na si Anastasia at baklitang si Christian.
"Oh ateng, eemote emote ka nanaman dyan ano! Eto oh,mga padala ng mga manliligaw mo!" Sabay abot sakin ni Christian
Isang kaban ng bigas.
"Yes! Mabubuhay na kami ng isang buwan! Pakisabi sakanya salamat ah!" ngingiti ngiti ako habang pinagmamasdan ang dinuradong bigas
"Ay nako girl,di salamat ang gustong marinig nun. Oo gusto nun. Oo papayag na ko maging girlfriend ka!" sabi ni Ana na may paacting acting pa.
Binatukan sya ng kakambal nya "Yuck babae sa babae! I mean,tomboy? Eww NOOOO!" sabi niya na waring diring diri
Sinampal naman sya ni Ana" Edi wow! Sayo pa talaga nanggaling yan ha!"
"Haay na ko ,kayong dalawa,mangbubulahaw lang pala kayo dito,umalis na nga kayo at naasar ako senyong kambal!"
At ayun,binatukan ako ng dalawa at sabay sabing "EDI WOW!'
Napakamot nalang ako ng ulo. "Oo na sige na,aalis na ko. May trabaho pa ko."
Papalabas na sila ng pinto ng "Oo nga pala sissy,may liga mamaya. Extra kwarta din yon no!" sabi ni bading sabay flying kiss sakin
"Oo na sige. Alis! Mag aayos na ko ng gamit para makapasok na"
Magvote and comment sana kung okay lang? ;)
Picture ni Audrey sa Media ')
BINABASA MO ANG
Miss Pretender [GirlxGirl]
Romance"Emmanuel Agustin,my lover!" Audrey said "Your name?" Audrey asked "E--eemmm" "Emm right?" Audrey said with a smile. She nodded. Pano kung nagsisinungaling lang kayo at nagprepretend? May happy ending pa ba? "You're my Miss Pretender." Em and Audrey...