Chapter Ten: Headache to Heartache

376 19 2
                                    

His heart skipped a beat. Si Marceline ang niligtas niya.

"Mr. Ashford, sorry po talaga. Sinubukan ko pong pigilan si Miss Chantalle pero ayaw niya po talaga. Ilang beses na po niya akong sinigawang tanggal na daw po ako sa trabaho..." naiiyak na sumbong ng secretary ni Chantalle.

Napabuntong hininga na lang si Marcus. Nandito sila ngayon sa faculty room dahil katabi ito ng clinic. Inaaasikaso na ng mga teachers ang nangyari kanina at humingi na rin sila ng paumanhin sa mga nangyari. Si Yngrid at Inna ay nandoon kasama ang ilan sa mga classmates ng dalaga.

Napakuyom ang palad niya. "Doon ka na sa'kin magtatrabaho. Hayaan mo na si Chantalle. Ako na ang bahala sa kanya."

Abot ang pasasalamat ng secretary ni Chantalle pero pinauna na lang niya ito. Masyadong mabilis ang mga nangyari kanina at pati siya ay naguguluhan pa rin. Idagdag pa ang sakit ng ulo niya. Uminom naman siya ng gamot pero mukhang hindi na naman iyong umepekto.

"Mr. Ashford, pasensya na po sa inconvinience at marami pong salamat sa pagtulong niyo kanina. Tumawag na po kami sa bahay ni Miss Chantalle gaya po ng bilin niyo at susunduin na daw po siya." Paalam ng isa sa mga teachers.

Tumango siya. "Salamat, Ma'am."

Nakapagpalit naman na siya ng damit dahil binigyan na lang siya ulit ng malinis na PE uniform. Tuyo na rin ang buhok niya at si Chantalle na lang ang hinihintay niya. Hindi pa kasi lumalabas ang school nurse hanggang ngayon.

Napailing siya, sa totoo lang ay gusto niyang tawanan ang sarili niya. Malinaw na malinaw niyang sinabi sa sarili niyang hindi marunong lumangoy si Chantalle. Alam na alam niya iyon dahil ilang beses na niyang sinasagip ang kasintahan. Pero kanina, si Marceline ang sinagip niya kahit si Chantalle ang nasa isip niya. His fucking instinct is playing dumb on him again.

Napatingin siya sa kambal na kasama ni Marceline.

Hindi niya inaaasahang nakatingin din ang mga ito sa kanya. "She is your girlfriend, right?"

"Yes." Diretso niyang sagot.

"I'm Angelo." Pagkilala ng nagtanong sa kanya. "And this is Angelico."

"I'm Marcus." Pagpapakilala rin niya.

Napangiti na lang ang kambal. Huminga ng malalim si Angelico. "We know, Kuya Marcus. Kilala namin kayo ni Ate Chantalle. But we want you to know that we're not close to her." Pati si Angelo ay mukhang disappointed. "Kakakilala lang po namin kay Ate Marceline. Hindi po namin maintindihan kung bakit kailangan niyang sugurin si ate."

That's the reason why he needs to talk to Chantalle. Nagpaalam naman siya dito pero hindi niya maintindihan kung bakit si Marceline ang sinugod nito. Halatang hindi siya ang pakay ng dalaga kanina. "I'm sorry."

Lumapit sa kanya ang kambal at hinawakan ang magkabila niyang balikat. Ngumiti na si Angelo. "You don't have to say sorry. Thank you though for saving Ate Marceline. It was a surprise that she's the you saved."

With that, iniwan na siya ng kambal.

Fuck.

_________________________

She's staring at her office's ceiling thinking what the hell happened to her.

Wala naman siyang balak magtrabaho ngayong araw pero mas wala siyang balak magkulong sa bahay niya. Mas hindi niya kakayaning nandoon lang siya, mas gusto niya dito sa office niya.

"Someone's thinking to deep."

"G-Gabrielle..."

Napangisi ang bagong dating na binata. May dala itong dalawang cup ng kape. "I was knocking at your door but it seem that you didn't notice. Pumasok na ako 'ha."

This Moment (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon