Chapter Five: Ring

371 13 1
                                    

"Hello, Miss Marceline," halata sa mukha ni Chantalle na gustong gusto niya ngayon ang hindi maitagong gulat ni Marceline sa kanilang dalawa. "Babe, remember Miss Marceline? Siya yung bago naging business partner."

Marceline flashes her smile, buti na lang at nakabawi siya sa gulat niya. "Yeah, for sure Mr. Ashford remembers me. We even bumped at eah other last night, right?"

Kumunot naman ang noo ni Chantalle sa narinig, as far she knows, walang nakukwento si Marcus tungkol sa nangyari kagabi. Lalo na ngayong involve si Marceline doon.

Marcus clears his throat. "Y-Yeah. I think I remember who is she."

Ngumiti lang ulit si Marceline. "Sige, aalis na kami. By the way this is Vilma Soliven." Ngumiti lang din si Vilma, alam naman niya kasing kakilala na siya ng mga ito. "Caiò."

Dumiretso na sila kung saan sila pupunta. Spa ang pinunta nila dito at hindi nga naman ang pakikipagtalo sa babaeng kahit kailan ay hindi gustong makita pa ni Marceline.

__________

"Pwedeg wag na lang natin mag-usapan?" Wala sa mood kong sabi kay Vilma. Inunahan ko na siya bago pa namin mabuksan yung topic tungkol sa kanina. "Sorry, pero ayoko lang muna talagang pag-usapan."

Ngumiti naman si Vilma at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Okay lang. Hayaan na nga natin 'yun and let's enjoy this day. Alam ko namang maya-maya gugistuhin mo na namang pumunta sa office mo."

Natawa na lang ako sa bestfriend kong 'to. Ano pa nga ba? Katatawag lang kasi ng secretary ko na may mga emergency na nangyari doon sa office.

Pinagbigyan ko naman si Vilma hanggang lunch at nagpaalam na rin ako. Kahit na gusto kong mag-stay kasama siya, hindi naman na pwede at kailangan na nga daw ako.

Nagpaalam na rin ako sa kanya at pumunta na office ko.

"Nagpatawag po kasi si Mr. Montelvaro ng meeting ngayon. Sabi niya po tungkol daw po 'to doon sa ilang projects ng team nila," sabi ni Alysa at tango naman ang sinagot ko. "Ma'am, may kailangan pa po ba kayo?"

Umiling ako. "Wala na, Alysa. Thank you."

Iniwan na ako niya at ako naman ay nagsimula nang magtrabaho. Buti na lang pala at kagagaling ko sa spa, narelax ang buo kong katawan bago ngayon ang mga aayusin ko.

After almost an hour, patapos na ang mga inaayos ko. I was about to ask Alysa for a cup of coffee ng inunahan na niya ako. Nafi-feel daw niya na kailangan ko na ng kape.

"Pasensya na po, Ma'am at nakaabala ako. Alam ko naman po kasi na baka gusto niyo munag magbreak," nahihiyang sabi ni Alysa na ikinatawa ko na lang.

"Salamat. Saktong sakto ka nga at tatawagin pa lang sana kita," nakangiti ko namang sabi sa kanya. "Nasaan na daw ba si Mr. Montelvaro?"

Kinuha na muna niya yung tray na dala dala niya. "Baka po male---"

"Ma'am Marceline, nandito na po si Sir Montelvaro," biglang singit ng isa sa mga receptionist ng company.

I gesture Alysa na kailangan ko pa ng isa pang tasa ng kape. Tumango naman siya agad at iniwan na ako.

"Good afternoon, Miss Gallia."

Napalingon ako sa nagsalita. Agad naman akong napatayo ng makita kung sino ang nandoon ngayong nakatayo sa pintuan ng office ko. "Mr. Montelvaro?"

The guy smile again. "Yes, Miss Gallia. Gabrielle Montelvaro."

"Marceline, please." I insist. "Please, come in."

Tumango naman siya pumasok na. "Call me Gab, Marceline. Ikaw na rin naman ang nag-insist na first name basis tayo," kahit hindi pa man ay parang nakangiti na rin ang mga mata niya.

This Moment (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon