Hinimatay siya. Hinimatay siya sa harap ko...
Nakatingin pa rin ako sa kanya. Ano na naman ba 'to? Kinakabahan ako...
"He is Marcus Ashford, 26," sagot ko ng tanungin kung sino si Marcus. Nandito na kami ngayon sa hospital, matapos niya kaninang bumagsak.
"Ano pong nangyari sa kanya, Miss?" Tanong ng nurse sa'kin.
Huminga ako ng malalim. "Hindi ko rin po alam, Miss. Nag-uusap lang po kami then nahimatay sa siya." Napatigin ako kay Marcus na ngayon ay wala pa ring malay. Wala rin akong ideya kung bakit siya nagkaganyan.
"Kaano-ano niyo po siya?" Tanong ulit ng nurse matapos niyang isulat ang nauna kong sagot. "Wife?"
Napabuntong hininga ako. Napatingin din ako sa singsing na ngayon ay suot ko. "H-Hindi, he is just my business partner."
Humingi naman ng paumanhin ang nurse, I said it is okay. May mga ilan pa siyang itinanong at iniwan na ako. Naupo muna ako dito sa waiting bench sa harap mismo ng ER. Tinawagan ko na si Kuya Apollo, ang sabi naman niya papunta na sila. Kahit paano naman ay sinasanay ko ring tawagin siyang 'kuya' dahil iyon ang gusto niya.
Sa totoo lang ay mahirap palang pakalmahin ang sarili mo kung ikaw mismo ang nakakita ng kung ano ba talaga ang nangyari. Napatingin na naman ako sa singsing ko. Umiling ako at dahan dahan itong tinanggal. Hindi ko na lang 'to isusuot ulit, malakas kasi ang kutob na baka... Baka lang naman...
"Marceline!"
Tumakbo na si JL papunta sa'kin. Agad niya akong niyakap ng mahigpit. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Tumango lang ako. Humiwalay rin siya at naupo muna, si Kuya Apollo naman ay napatingin na lang din kung saan nandoon si Marcus. Halata sa kanya ang pag-aalala.
"Hindi ko naman alam na..." napahinto si Kuya Apollo at umiling. Hinarap niya na kami at naupo na lang din. "I hope he'll be okay."
Hinawakan ni JL ang kamay niya at bahagya itong pinisil. "Apollo ko, this scenario happened before, kinaya naman niya. And besides, hinimatay lang naman siya ulit," pagko-comfort niya. Ngiti lang naman ang isinagot nito.
Bakit ba nagdo-double meaning ang mga sinabi ni JL? I'm not sure but I can feel that something is not right here. Kung sa bagay ano nga naman ba ang malalaman ko kung ako na nga mismo ang lumayo at iniwan siya?
Nag-excuse muna ako sa kanila ng magring ang cellphone ko. "Hello?" Bati ko ng medyo makalayo ako sa dalawa. Nakakahiya naman kasi kung doon lang ako makikipagtawagan.
"Okay ka lang ba? Anong nangyari?" Nag-aalalang bungad ni Vilma sa'kin.
Kahit paano naman ay gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang boses niya ngayon. "Oo naman. Hindi naman ako ang hinimatay, si Marcus 'yun. Buti na nga lang at naidala naman namin siya agad ngayon dito."
"Ano ba naman yan..." may binulong siyang hindi ko naintindihan. "Ipapasundo na lang kita dito kay Marco."
"Hindi na, Vilma. Okay naman ako tsaka kaya ko naman magdrive at umuwi mag-isa." Napatingin ako sa kanila. Talaga namang iba ang pagko-comfort ni JL kay Kuya Apollo. Napabuntong hininga na lang ako. "I'll drive. Hindi naman pwedeng aabalahin ko na naman kayo."
Hindi na rin naman nakipagtalo si Vilma sa'kin. Ayos lang naman siguro sa kanya na tinanggihan ko na ang offer niya. Tama naman ako, lagi ko na silang inaabalang dalawa. Dapat nga hindi nila ako unahin dahil sobra sobra na ang ginawa nila at malaki na ako. Kakayanin ko naman na siguro ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
This Moment (On Going)
Rastgele"Erasing someone in your mind is easy but removing that someone in your heart is another damn story..." [Marcus Ashford and Marceline Gallia's Story] © MissHandsomeGray [Ashfords' Series]