Chapter Two: Marcus

389 18 1
                                    

"Young Master Marcus naman!" Her voice echoing inside my head... her sweet voice that makes me feel loved...

Nagising na lang ako sa panaginip na iyon. Ugh! My head!

Napaayos na lang ako na upo dito sa kama at napahawak sa ulo ko. I never thought na mas lalala pala ang lahat habang tumatagal. It was been months from now since I started getting that same exact voice in my dreams, calling me. Kinakausap ako kahit hindi ko naman maalala kung narinig ko na bang talaga ang boses na iyon.

"Sir?" Sunod sunod na katok ang sumunod sa tawag na iyon ni Mayordoma Violy. "Sir, handa na po ang mga gamot niyo."

"Nandyan na po," I said, walking to the door.

Agad ko namang binuksan ang pinto. Maliban sa mga gamot ko, dala dala na rin ni mayordoma ang pagkain ko. I must say that I'm hungry. Guess tired from all the mental stress. Nakalimutan ko na namang kumain at nakatulog na lang na naman ako.

"Tawagin niyo na lang po ako kapag ayos na ang lahat, sir," paalala ni mayordoma pero umiling na ako. "Ako na po ang bahala, magpahinga na rin po kayo. Umuwi po na ba si June?"

Umiling na lang din siya. "Kanina po, sir, pero kasakasama niya rin naman po si May. Bumalik na po sila nang ospital at kailangan na po talagang magpahinga ni May. Tulog po kayo noon, sir."

"Sige po, salamat po," sabi ko na lang at iniwan na ako ni mayordoma.

Napailing ako. I thought this would be easy. Pang-ilang beses na ba 'to? Lalo na yatang kumirot ang ulo ko. Tsk. I took the bowl of Mayordoma's specialty then ate. Nawawalan na ako nang gana pero kung gusto kong makainom ng gamot, kakain ako.

I was about to finish up my bowl when my phone started to ring.

"Babe..."

Napangiti ako. "Hey."

"Are you busy?" She said a little too sweetly. Is she drunk?

Napahawak na naman ako sa ulo ko. It's Chantalle, my girlfriend. "Nope. Where are you?"

She giggled like someone is tickling her. "Ahmm... Shonegai? I think I'm on S-Shonegai Hotel? C-Can you fetch me?"

Napatango na lang ako kahit alam kong di naman niya ako nakikita. "Okay. Wait for me."

I hunged up. Kahit parang nahihilo pa ako, I immediately got to my feet and changed my clothes. Nang maayos ko na ang mga damit ko, kinuha ko na rin ang susi ng kotse ko at napatingin ako sa mga gamot ko. Maybe later...

Mabilis na akong umalis at sumakay, nakasalubong ko pa si mayordoma. Sinabi ko nang susunduin ko si Chantalle at babalik din ako agad. Hindi ko alam pero alam ko namang sabi ni Mommy na kailangan kong pagpaalam. Nasa States sila ni Dad ngayon at ako na lang ang naiwan dito sa mansion. Binilinan na rin ako ni Mom na kailangan ko kong ipaalam kung saan ako pupunta. Kuya Apollo is not here too, so Mayordoma Violy is incharge of me.

"Kuya, I'm going to fetch Chantalle," I left a message to Kuya Apollo then walked through my car. Nang makasakay ako ay mabilis din akong nagdrive. Meron namang guide 'tong kotse kaya naman hindi na siguro ako mahihirapan.

Kuya Apollo is now living with Jean. They have there proposal at nakatira sila sa penthouse na regalo ng mommy ni Jean. Nang lumipat sila doon kailangan ko na lang mag-iwan ng message para alam ni kuya ang mga gagawin ko.

When I'm driving like this, hindi ko rin maintindihan pero parang may naaalala na naman ako. I can't remember it clearly but I feel like someone is used to ride with me here in my car. I think? Or maybe this is another illusional memory.

~~~

"Babe! You're here!" Chantalle greeted me then she hugged me.

Nandito kami ngayon sa hotel kung saan may nagaganap pa lang malaking party. Hindi ko alam kung kanino pero naiintindihan ko naman na kailangan niyang pumunta dito. I scanned the place, wala akong kakilala.

I hugged her back. "Come on. Let's go." I said then kissed her forehead. Tumango naman siya at niyakap ako.

Binuhat ko siya at umalis na. Sa tingin ko nandito yung mga kaibigan niya pero hindi na ako nagpaalam. Hindi ko naman kasi sila kailangan pang hanapin sa mga sumasayaw.

Nang maisakay ko na siya, agad na akong nagdrive papunta sa unit niya. Its not very far, I think it's on the same street with the Mistress Eve's club. Yun naman ang natatandaan ko. Sana nga lang hindi kami maligaw. Tsk.

"Hmm..." she softly moans.

Napatingin ako sa kanya saglit pero agad din akong napaiwas ng tingin. My head suddenly hurts like hell again. Ito ang ayoko, bigla bigla na lang sumasakit ang ulo ko.

Tiniis ko na lang at nakarating naman kami sa unit niya. I carried her again then got to her unit.

Alam ko naman ang pass code niya kaya naman hindi ko na siya kailangang gisingin. We also used to stay here for days, that's why I'm familiar with the place. Wala namang nagbabago dito except na lang sa mga kurtinang lagi niyang pinapapalitan. She would say its nice to change the curtains once in a while para naman hindi daw siya nagsasawa sa lugar niya. That's what she is, madali lang siyang magsawa.

I lied her on the bed then kissed her temple. I smiled, ibang iba talaga siya kapag tulog. Inayos ko na ang kumot niya. I was enjoying what I'm doing when something flashed to my mind.

Napaupo ako at napahawak na naman sa ulo ko. That girl...

Napatingin ako sa kanya pero para na naman nahilo kaya naman lumabas na lang ako. I don't understand but even the simpliest actions I do with Chantalle, iba naman ang nakikita ko at lalo lang nahihilo ang ulo ko. I blurred scene with a girl. I don't know who is but she's making me feel... empty. And it fucking hurts my head.

Agad na akong umalis ng maisara ko ang unit niya. I know she would like for me to stay and sleep here, pero nakalimutan ko yung gamot ko at late na late ko na naman siyang maiinom.

I went to the parking lot to went back home when I bumped to someone.

"Sorry," agad kong sabi sa kanya.

"O-Okay..." she said then stopped. Paglingon na paglingon niya sa'kin, alam kong nagulat siya dahil pareho kami ng reaksyon ngayon...

"Marcus..."

This Moment (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon