Chapter One: Marceline ×

605 22 3
                                    

"How was it?" Tito Mervin asks on the phone. "Don't worry about a thing, alam na alam ko namang kakayanin mo na ang pagpapatakbo sa kompanya natin. Sabi nga ng tutor mo baka daw mas magaling ka na sa kanya ngayon."

Natawa naman ako. "Tito naman, hindi naman po sa ganun. Marami pa naman po akong kailangan matutunan pero I promise, I'll do my best."

"That's great, Arcel. Wag kang mag-alala, kung may problema ka, nandito kaming mga tito at tita mo. Nandyan din yung mga ate mo kaya naman hindi ka mahihirapan." Nasa boses ni tito ang pagcocomfort. I guess it's too obvious that I'm nervous. "And before I forgot, happy happy birthday, Arcel."

"Thank you, Tito Mervin."

Matapos akong kamustahin ni tito, napalingon lingon ako sa paligid. All I could say is wow. With those months that passed, I never knew that I'll be like this. Sitting on a swivel chair, admiring this office, owning a company of the Agoncillo... hindi naman ganito si Marceline Apostol.

At sino bang mag-aakala na ang katulad ko pala ay hindi rin normal ang utak? Wala naman. Kung nga ako hindi ko naman alam na pati pala utak ko, abnormal na rin. Akala ko kasi yung mismong buhay ko lang. I passed a test that proves I'm smart. Matalino nga ba?

I touch my chest. The pain is still here.

Matapos ang two months na hinintay ko, ganun na ganun pala ang maaabutan ko. Ang sakit sakit pa rin pala kahit alam mo nang hindi na yung katulad ng dati ang mga mangyayari. Na kahit pala expected mo na na hindi ka niya kilala, ang sakit sakit pa din.

Akala ko matapos ang huling tawag niya, may pag-asa pa rin sa'ming dalawa. 'Yung tipong kahit na anong mangyari baka talagang maging kami na. 'Yung masasabi ko na kung gaano ko siya kamahal pero... maling mali pala ag lahat lahat ng iyon. I will never be his and he will never be mine. Kasabay pala ng lahat lahat ng paglabas ng katotohanan sa buhay ko ay ang pagkawala niya.

Sino ba siya? Siya si Marcus. Marcus Ashford. Ang lalaking minahal ko. Minamahal ko.

He is the one I love but I have to move on. He doesn't know me anymore. I'm just a stranger to his life and all I can do is accept everything. Naiyak ko naman ang lahat ng ito at sa tingin ko magiging useless din kung iiyakan ko na naman siya. With those weeks of change, naka-adjust na ang sarili ko sa mga araw pang magaganap. This is just the beginning. Unang chapter ng buhay ko bilang Marceline Gallia. Hindi na Marceline Apostol.

"Seriously, Tita Marceline? You're going to stare at nothingness on your birthday?"

Agad akong patingin sa nagsalita. I immediately smiled sweetly as Marco enters my office. Grabe, ganun ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko man lang siya napansin kumatok? "Hey, Marco."

He crossed his arms on his chest. "Hey. Hey. Hey ka dyan! It's your birthday!"

Natawa na lang ako, kahit kailan talaga 'tong si Marco. Hindi talaga kumukupas ang kakulitan. Ang laki-laki na pero nagpapaka-childish kapag ako ang kasama. "Yeah, I noticed. My calendar says March 23. Birthday ko nga daw."

"Tss. Tumanda ka lang nang isang taon then para ka ng si Vilma na ayaw i-celebrate ang birthday. What's with girls and their age?!" Napasimangot tuloy siya sa'kin na lalo lang nagpatawa sa'kin.

Last week pa kasi ako kinukulit nito na magse-celebrate daw kami ng birthday ko sa ayaw at sa gusto ko. Ewan ko ba pero feeling ko kasi may mangyayari kahit isang family dinner lang iyon.

"Please naman na, tita. Kahit na tinatawanan mo ako, mahal na mahal pa rin naman kita."

Tawa lang na namang ang isinagot ko sa kanya.

This Moment (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon