"Marcus..." gulat na tanong ni Marceline ng makita kung sino ang nabunggo niya. Agad siyang dumistansya dito. "Pasensya ka na," tumayo na siya at agad na inayos ang damit.
Agad rin namang napailing ang binata na tila gulong gulo din, pero alam naman niyang kilala niya ang dalaga. "Miss Gallia?" Tanong nito.
Napangiti na lang siya, hindi pa rin siya sanay na iyon ang tawag sa kanya ng mga tao lalong lalo na sa kanya. Pero ano pa nga ba ang inaasahan niya? Ni hindi na nga maalala nang binata kung ano ang mga nangyari sa kanila.
Tumango siya. "Ako nga," she smiled like she didn't care. "I'm so sorry, hindi kasi ako nakatingin sa daan."
Umiling si Marcus. "I'm sorry too," napakamot pa siya sa ulo. "Kaya naman nagulat ako nang makita kita kasi nakita naman pala talaga kita. I thought I was mistaken you for someone."
She chuckled. "Mr. Ashford, I think you're really mistaken," sabi niya na lang. "Anyways, I should go now."
Tumango na lang ang binata kaya naman iniwan na niya ito. She immediately got to her car then drove fast.
Kung alam lang pala niyang makakasalubong niya ang taong hindi niya nanaising makita ngayon birthday niya, hindi na sana siya pumayag na makipagkita sa isang business associate niya.
She was driving too fast na hindi niya namalayang nasa bahay na pala siya. Sa tagal niya sigurong nakatulala ay kusa na lang tumulo ang mga luha niya. Napahagulgol na lang siya sa pagkimkim niya aa mga nararamdaman niya ngayon.
Yung pakiramdam na gustong gusto niyang yakapin at halikan yung lalaking mahal na mahal niya ay hindi niya magawa. Iyon na yata ang unti-unting kumakain sa kanya. She wanted the truth but she never wanted this to happen. Kung ang kapalit pala ng katotohanan ay ganito... baka nagawa niya pang magdalawang isip kung gugustuhin niya pa ba talagang malaman ang lahat.
Natawa na lang siya, heto na naman siya. Umiiyak na naman.
Inayos niya muna ang sarili niya bago bumaba at pumasok sa bahay niya. Yung mga ate niya, nagpaalam na kanina na may mga kailangan pala silang ayusin mga bagay bagay. Aalis na ang mga ito papunta ulit ng ibang bansa.
"Ma'am!" Nag-aalalang tawag ng kanyang Nanay Lisa. Mabilis itong tumakbo papunta sa kanya. "Ano na naman bang itsura yan, anak! Ano na naman bang nangyari at namumugto na naman ang mga mata mo?"
Umiling siya. "Nay, wala po ito. Pagod ko na lang din po siguro."
Hinimas himas nito ang likod niya. "Sige, hija, ika'y umakyat na at magbihis bago matulog. Birthday na birthday mo, anak, uuwi ka nang ganyan. Hala, sige na."
Kahit paano ay napangiti na siya nito. Tumango na siya at umakyat na nga sa second floor papunta sa kwarto niya. Pakiramdam niya ay manhid na manhid ang katawan niya sa pagkikita nilang dalawa.
Pagpasok na nga siya sa kwarto ay nagshower na siya at nagbihis ng pantulog. Masaya naman ang birthday niya, hindi nga lang talaga siya handa na makaharap ito ng silang dalawa lang.
Paghiga niya ay mabuti na lang at dinalaw naman siya ng antok.
~~~
Naguguluhang umalis na rin si Marcus. Kung iisiping mabuti ay pamilyar namang talaga ang dalaga sa kanya. Pero hindi niya rin masigurong mabuti dahil na rin sa mga bagay bagay na tungkol sa dalaga.
Unang una na ang pakikitungo nito. Parang may mali, parang ang alam niya ay hindi naman ito ganun sa kanya. Pero ano na naman ba ang naiisip niya? Isang business partner lang niya ito. Ano naman kaya ang personal na bagay na magpapatunay ng mga iniisip niya ngayon?
BINABASA MO ANG
This Moment (On Going)
Random"Erasing someone in your mind is easy but removing that someone in your heart is another damn story..." [Marcus Ashford and Marceline Gallia's Story] © MissHandsomeGray [Ashfords' Series]