"Ano na naman bang mukha yan?" Tanong ni Vilma na natatawa sa kaibigan niya. "Para ka na namang namatayan diyan!"
Mas lalong nanlumo ang mukha ni Marceline. Sa totoo lang, ayaw talaga niyang aminin kung bakit na naman siya nagkakaganito kasi alam niyang magagalit na naman si Vilma. Pero sa bibig ng kaibigan niya, may choice ba siya?
Napabuntong hininga na siya at iniwasan muna ang mga taong naglalakad. "I lost something special."
Napahinto ito kaya naman siya rin ay huminto muna. "You lost something? An that is?"
Bago niya sinagot ang kaibigan ay hinila niya muna ito sa isang bench dito. Nasa second floor kasi sila nang isang mall. "Ano kasi..." parang gusto niyang magsinungaling dito, pero alam naman niyang malalaman rin nito ang totoo. "I lost my ring."
"Ring?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.
She sighed again. "Yung singsing na binigay niya."
Parang ang tagal nagsink-in sa kabigan niya ang mga sinabi niya. Sa totoo lang naman kasi, alam na ni Vilma ang singsing na tinutukoy niya. Gusto niya lang makasigurado sa mga nararamdaman ng kaibigan niya. At ngayon nga, she could say that her friend is more than in love with that man.
Ngumiti na lamang siya. "Ano ka ba, singsing lang yun, Marceline. Materyal na bagay. Ibibili kita nang bago," too insensitive for her to say but may point siya.
"Vilma, bigay yung ni Marcus," matigas na sabi ni Marceline.
Tumango naman si Vilma. "Marceline, ayoko namang masaktan ka pa dahil sa mga kinakaharap mo. Tanong ko lang 'ha..." alam na alam naman na niya ang magiging sagot ng kaibigan. "...mahal mo pa ba siya?"
Parang huminto ang ikot nang mundo niya. Mahal niya pa nga ba si Marcus?
Ang sakit sakit na isipin na baka tama nga ang kaibigan niya. Baka nga na hindi sapat ang mga nangyayari ngayon para kalimutan niya na mahal na mahal niya ang taong iyon. Na baka kulang na malaman niyang may mahal na itong iba para isuko kung ano pa man ang pinanghahawakan niya.
Sa halos apat na buwang nakasama niya ito sa iisang bahay, aaminin niyang hindi naman niya ito binigyan ng matinding pagmamahal. Yung pagmamahal na hindi naman talaga nararamdaman sa ganoong kaikling panahon. Pero noong tumambab ang katotohan, nang maiparamdam sa kanya ng binata na mahal na mahal siya nito, parang nagbago ang lahat. Lumabas rin ang katotohanang mahal na mahal niya ang binata.
Kumpara kay Marcus, ang binatang ito ay halos labing-tatlong taon nang minamahal si Marceline. Sa pagkat kahit na nag-aabangan siya na makita ulit ang dalaga sa wala naman talagang kasiguraduhan... He never stopped loving her. At iyon naman ang hindi alam nang dalaga.
"V-Vilma," parang may humarang na naman sa lalamunan niya.
Napangiti na lang si Vilma, alam na niya ang isasagot nito at ngayon, positibong positibo siyang iyon nga ang sagot nito. "Gusto mo nang ice cream?" Segway niya para naman mabago ang topic nila.
Para namang nagulat si Marceline nang baguhin niya ang topic pero ngumiti na lamang ito. "Tara!" Excited niya pang sang-ayon.
Sa maikling panahon, natapos ni Marceline ang lahat ng mga dapat niyang ayusin sa lahat ay nagpahinga naman siya. Pinamilyar na niya ang mga pasikot sikot sa kompanyang hahawakan niya sa madaling panahon.
Ultimo mula sa mga isusuot hanggang sa mga sasakyang gagamitin ay natutnan niya na rin. Sa katulad niyang babaeng biniyayaan ng angking talino at tiyaga sa lahat ng bagay, hindi naman imposible na matapos niya nga ang mga ito. Pati rin ang mga mahahalagang tao na haharapin niya ay nakilala na rin niya kahit sa mga inpormasyon lang nang mga ito sa papel.

BINABASA MO ANG
This Moment (On Going)
Casuale"Erasing someone in your mind is easy but removing that someone in your heart is another damn story..." [Marcus Ashford and Marceline Gallia's Story] © MissHandsomeGray [Ashfords' Series]