I look at her.
Chantalle is now sleeping soundly. Sino ba naman ang hindi mapapagod kung maglilibot kaya buong araw? Pareho naming day off kahapon at wala nga kaming ginawa kundi ang maglibot. Dinalaw ulit namin si Tito Mahiro, Chantalle's dad, at sabi naman ng mga doctors na okay at stable na ang kalagayan niya.
My clock reads 3:30 am. Mamayang 7 am pa naman ang pasok namin pero hindi na ako inaantok. I would like to get back beside Chantalle but I might wake her up. Instead, I got to my feet and walk to the kitchen.
Pumayag na ako sa offer ni Mommy at inaayos na lang ang mga dapat kong asikasuhin. My doctor's in Paris at balak ni Mommy na doon muna ako magstay hangga't hindi pa tapos ang magiging therapy ko. I haven't told Chantalle about this. Alam kong malulungkot siya. Nakausap ko na din si Kuya Apollo tungkol dito. Hindi naman maaapektuhan ang preparations nila para sa kasal dahil si Dad na din muna ang sasalo sa lahat. Kasama na rin ang branch na hawak ko ngayon.
Kumuha ako ng tubig at uminom. Napahinto ako nang maalala ko na naman si Marceline.
Yesterday... I did something unforgivable.
______________________________
"Good morning, sir." Bati ng kanyang sekretarya.
Tumango naman ang binata at dumiretso na sa kanyang opisina. Today's friday at marami-rami rin ang kanyang gagawin. May mga kailangan din siyang puntahan ngayon lalo na at kasama siya bilang isang sponsor ng isang gagawing resort sa Palawan.
Hindi pa din siya nakakaupo ay natanggap na niya ang isa sa mga tawag na inaasahan niya. "Mr. Cruz, nice to hear from you."
"Nabalitaan kong tuloy pala ang renovations ng resort sa Palawan. Have you heard of it?" Tanong ng ginoo sa kabilang linya.
Renovations? Ang buong akala ng binata ay gagawin pa lang ang resort. "Opo. Tinawagan na po ako ni Mr. Montelvaro."
"Ah. So Gabrielle told you. Anyways, I'll give it to you. Nakausap ko naman na ang Papa mo at naipaalam na kita, hijo."
"Para saan po?" Nagtatakang tanong niya at ibinaba niya muna ang mga gamit.
"You'll be my proxy, hijo. Alam kong pwede ka namang magpadala na lang ng pupunta sa Palawan but I prefer na makita mo, hijo, ng personal ang buong resort. I already talked to your secretary about the details. Is it okay with you, hijo?"
"Oo naman po..."
Nagpasalamat naman ang ginoo sa kanya at nagpaalam na din. Wala namang problema dahil mas gugustuhin niya ding makita ang buong resort. Hindi naman siguro maaapektuhan ang kanyang pag-alis papuntang Paris. Sa susunod na buwan pa naman kasi ito.
Tinawag niya ang kanyang sekretarya at ipinakuha ang mga files na ibinigay ni Mr. Cruz. Isa pa palang aasikasuhin niya ay ang request ni Yngrid. Hindi naman iyon malaking request at alam niyang minsan lang humingi ng pabor ang kanilang pinsan.
Agad naman naiabot ni Joshielyn ang kanyang hinihingi kaya nagsimula na diyang masahin iyon. Tumambad sa kanya pangalan ni Marceline at ito pala ang may-ari ng resort na ire-renovate. Within two weeks na ang project at kailangan na nilang makita ang resort as soon as possible.
Marceline.
Iniligpit na muna niya ang mga files na hawak niya at kinuha ang kahapon niya pang gustong-gustong buksan na mga files. Hindi para sa kahit ano mang trabaho niya, kundi para sa lintek niyang isip na kung ano ano na ang nakikita. Para sa binata ay may malalim na dahilan kung bakit nahahagip ng isip niya ang mga bagay na nagtuturo sa dalaga. Halimbawa na lang ang mga panaginip niya na digurado na siyang si Marceline iyon.
BINABASA MO ANG
This Moment (On Going)
Random"Erasing someone in your mind is easy but removing that someone in your heart is another damn story..." [Marcus Ashford and Marceline Gallia's Story] © MissHandsomeGray [Ashfords' Series]