Chapter Nine: Instinct

310 16 2
                                    

Napatingin si Marcus sa kanyang relo. Napailing siya, hindi pa naman sana siya huli sa oras. Malayo-layo din kasi ang Yomiyama Fuma Academy sa kanyang opisina kaya naman nananalangin na siyang sana ay hindi traffic. Buti na lang ay nakapagpalit na siya ng damit na ibinigay ni Yngrid. Simple PE uniform.

Ngayon na kasi ang charity work nila at nagpromise pa naman siyang dadating siya ng maaga. Pero mukhang malabo iyon ngayong nag-aalangan ang traffic.

Napailing na naman siya. Kinuha na niya ang cellphone at tinawagan ang pinsan. "Yng?"

"Hi, Kuya! Nandito lang po kami sa room. Nandito na po ba kayo?"

"Yng, I'm sorry but I think I'll be late for a couple of minutes. Late na yata kasi akong nakaalis at mapag-aabutan ako ng traffic. I'm sorry." Hingi niya ng paumanhin sa pinsan habang naka-focus siya sa pagmamaneho.

Okay lang naman daw kay Yngrid dahil hindi pa naman daw magsisimula ang kanilang opening program. Nagfocus na lang siya sa kanyang pagmamaneho kahit na hindi niya maiwasang mag-alala. Tumawag ang kanyang Mommy Vhanessa tungkol sa magiging schedule nang pag-alis niya ng bansa. Ni hindi niya pa ito nasasabi sa kanyang kasintahan.

Napailing siya. Kung tutuusin ay may mas malaki siyang problema ngayon.

He just found out that he might not recover his memories.

How could life be this complicated? Hindi man lang niya maaalala ang nangyari noon kung hindi niya maibabalik ang mga alaala niya. Pati ang babaeng ginugulo ang mga panaginip niya ay hindi pa rin niya maaalala. Napailing siya. Kahit iyon man lang sana ay maalala niya.

Marcus is fifteen minutes late. Marami ng tao sa school grounds nang dumating siya.

Boses ng pinsan niya ang simalubong sa kanya pagbaba na pagbaba niya sa kotse. "Kuya!" Nakangiti nitong bati sa kanya. "I'm really glad you came!"

"Won't miss it for anything, Yng." Nakangiti naman niyang sabi at binigyan ng halik sa noo ang kanyang pinsan.

Bakas naman sa mukha ng dalaga ang saya kaya naman excited na excited itong inaya ang kanyang kuya papunta sa kanilang stadium para humabol pa sa kanilang opening remarks. Ang kanila kasing charity event ngayon ay para sa mga special children. Mga batang hindi lang 'special' kundi kasama na rin ang mga batang may kapansanan. Nasa organize na ang lahat ng mga activities at nakatuon nga ang mga ito sa mga paboritong o gustong gawin ng mga special children.

Nakwento na rin ni Yngrid sa kanyang Kuya Marcus na kasama angbtwin academy ng kanilang school kaya marami talagang mga istudyante ang nandito.

Hindi naman maiwasang mapangiti ni Marcus. Matagal-tagal na rin simula ng lumabas siya para sumali sa mga ganitong event. At least iyon ang kanyang pakiramdaman. Refreshing para sa kanya kumbaga.

Natapos ang maikling program at nakilala na nila ang kanilang partner. Isa itong batang pipe.

Ang nanay nito ang kanyang kasama. "Nice to meet you po and thank you very much for doing this." Halata sa boses nito ang saya.

"Maraming salamat din po. Kami na po ang bahala kay Inna." Masaya rin sabi ni Yngrid at kinuha ang kamay ni Inna.

Unang napansin ni Marcus ang pagiging mahiyain ng bata. Kahit ngitian niya ito ay nag-iiwas ito ng tingin.

Kasama sila sa swimming activities dahil iyon pala ang gustong gawin ni Inna. Nakahanda naman ang camera ni Marcus para sa kanilang documentation at nagpunta na sila swimming pools area ng school. Marami na ring tao ng doon sila nagpunta.

Nag-uusap sina Yngrid at Inna gamit ang hand language at nanonood lang naman siya sa dalawang dalaga. Nakikita na niyang kahit paano ay nagiging magaan na ang loob ni Inna sa kanila.

This Moment (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon