Chapter 22

1.2K 97 29
                                    

Shield

Matapos makarinig ng sigawan mula sa likod. Naramdaman ko na lang ang malakas na pagtama ng isang bagay sa likod ng ulo ko, na naging dahilan para ma-out balance ako.

Tila na-paralyze ang buong katawan ko nang makita ang babagsakan ko. Dahil din sa bilis nang pangyayari? Hindi ko namalayang may humatak at yumakap na sa akin ng mahigpit.

Nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya kaya naririnig ko kung gaano kalakas at kabilis ang tibok ng puso niya. Ganon din ang akin. Magkasabay ang bawat pintig at habang tumatagal ay parang iisa na lamang ito.

Shield, ayos ka lang ba?

A-ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Nag-angat ako ng tingin, at hindi makapaniwala sa nakikita ng dalawang pares ng mga mata ko.

"Shield?"

"I-Izumi..."

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at ang kulay asul na mga mata'y tila kumikislap. Sobrang ganda niya pero mas lalo siyang gumanda sa paningin ko. Dahil ang liwanag mula sa palubog na araw ay tumatama rin sa kanya.

Natigil kami sa pagtitig sa bawat isa nang may magsalita.

“Staring at each other and sunset as background? Wow. Ang romantic. Sobra.”

Nalipat ang tingin ko kay––Chesa? Bored siyang nakatingin sa aming dalawa ni Izumi. Nakita ko pang mahina siyang siniko ni Cassandra sa tagiliran.

“Ate, ayos ka lang po ba? Sorry po!”

May ilang kabataan na lumapit sa akin at bakas ang takot sa mga mata nila.

Ah, naaalala ko na. Sila ang nakita ko kanina na naglalaro ng bola ng volleyball sa di kalayuan.

“Ayos lang.”

“Ayos lang?” Mataray na tanong ni Chesa. “Eh, muntik ka na ngang mahulog sa bangin dahil sa kanila.” Umikot muna ang mga mata niya bago nagbaling sa apat na babae. “Sa susunod kung maglalaro kayo, doon kayo sa patag at wala masyadong tao. Muntik na kayo makapatay.”

Sunod-sunod ang mga tango nila. Mukhang takot at nahihiya habang nakatingin sa akin. Muli silang nag-sorry sa akin kaya ngumiti ako.

“Ayos lang talaga pero sa sunod iwasan niyo nang maglaro sa ganitong lugar.”

Bago sila umalis ay nag-sorry ulit sila. May isa pa nga ang nanghinayang dahil nahulog daw sa bangin ang bola niya. Sasagot pa nga sana si Chesa pero pinigilan na siya ng pinsan niya. Kahit kailan talaga, ang hilig niya makipagsagutan.

Nabalot kaming anim ng katahimikan pero nabasag lang ito nang gumawa ng ingay ang kuliglig. Sabay kaming tumawa dahil sa nangyari.

“Shield. Ayos ka lang ba talaga? Walang masakit sayo? Hindi ka nahihilo?”

Sunod-sunod na tanong ni Cassandra habang sinisipat ang ulo ko. Natigil lang siya nang tumikhin ang katabi ko, at seryoso ang mga mata na nakatingin sa kanya. Mahinang natawa si Cassandra at taas kamay na inalis sa akin.

“You're so possessive, Lyn. Kung bet ko ang bet mo? Matagal ko nang sinulot habang tulog ka.” Matapos sabihin ay nagtitigan na lang silang dalawa. Parang nagbibigayan ng signal.

Si Cassandra ang unang nag-iwas ng tingin habang si Izumi ay nagbaling ng tingin sa akin. Wala na ang pagkaseryoso ng mukha niya dahil nakangiti na siya. Ang warm sa pakiramdam.

Sunod-sunod na nagliwanag ang mga lamppost sa paligid ng parke. Tila nasa isang panaginip ako dahil sa kaganapan ngayon.

“Doon muna tayo.” Turo ni Cassandra sa kabilang side ng parke kung saan may bench.Hayaan muna natin silang dalawa makapag-usap.” Hinatak niya si Chesa na nagpupumiglas pa.

Nang makalayo na ang apat ay doon lang ako nakapagsalita.

I-Ikaw ba talaga yan, Izumi?

Yes,” Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya. “I'm Izumi Lyn...” Natigilan ako. Parang ganito lang din nung unang beses siyang nagpakilala sa akin. “...Satori. Nice to meet you, Shield.”

Kahit kailan, hindi pumasok sa isipan ko na mangyayari ito. Ang makita ng personal ang taong nakilala at minahal ko habang siya'y natutulog.

Yumuko ako at tumitig sa mga dariling nilalaro ko. Ngayong nasa harapan ko na siya, wala akong maisip na sabihin. Ang mga tanong na nabuo sa akin noon ay nawala na parang bula.

“Suot mo pa rin pala.”

Nag-angat ako ng tingin at naguguluhan sa sinabi niya. Kahit pa lampposts ang nagbibigay liwanag sa paligid, nakikita ko pa rin kung gaano kaganda ang mga ngiti niya.

“Ang necklace.”

Mabilis na napunta ang tingin ko sa necklace na suot ko, at hinawakan ang letter I na pendant nito.

“I-Ito? Isinuot ito sa akin ni Chesa at sinabing h'wag ko raw hubarin.”

“Why?” Bumalik ang tingin ko sa kanya. “Pwede mo naman hubarin yan dahil wala naman siyang magagawa kung ayaw mong isuot.”

Mabilis na umiling ako na ikinakunot ng noo niya.

“Yung pendant... it reminds me of someone I love.” May ngiti sa labing sagot ko. Ang kanina lang na matamis niyang ngiti ay naging mapait.

“So... you're in love with someone else.” May lungkot sa mga matang tumango siya. “Kilala ko ba kung sino?”

Lumawak ang ngiti ko at tumango bago siya ituro. Bakas ang gulat sa maganda niyang mukha lalo na sa asul niyang mga mata.

Sa tingin ko ay ito na ang tamang oras to confess. Wala na akong pakialam pa kung layuan niya ako. Baka nga destiny ang nagdala sa amin ngayon dito. Matagal ko na siyang gustong makita, makasama at makausap. Ayokong palagpasin pa ang pagkakataon na 'to.

“Izumi, hindi ko alam kung maniniwala ka kapag sinabi ko kung paano kita nakilala. Pero, sigurado ako na hindi lang basta nagkataon ang lahat.” Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. “Believe it or not, I fell in love with you at first sight.” Ngumiti ako. Parang gumaan ang pakiramdam ko, dahil nasabi ko na rin ang matagal ko nang nais sabihin sa kanya.

Bumitaw ako mula sa pagkakahawak sa kanya. “You don't need to reciprocate my––”

Hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin nang makita na nakangiti siya at...

“B-bakit ka umiiyak?”

Kumuha ako ng handkerchief sa suot na jeans at pinunasan ang magkabilang pisngi niya.

“Masaya lang ako.”

Nahinto ako sa pagpunas sa kaliwang pisngi niya nang haplusin niya ang kamay ko. Parang dinadama niya sa kanyang pisngi ang warmth na nagmumula sa palad ko.

“Shield...” Nalipat ang tingin ko sa mga mata niya at puno ito ng emosyon na nakatitig sa akin. “You don't know how much I've been wishing this to the heavens, about the girl that I fell in love from a far reciprocated my undying feelings.

Parang napako ako sa kinatatayuan at tila naging blur ang buong paligid. Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang mga sinabi niya.

Totoo ba ang lahat na narinig ko?

M-Mahal din ako ni Izumi...

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Most Beautiful GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon