Chapter 20

4K 198 96
                                    

Izumi's POV

It's been four months, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Maiisip ko na ngang panaginip lang ang lahat, na siya ang una kong nasilayan nung magising ako.

Pero alam kong totoo iyon at hindi panaginip. Dahil narinig kong lumabas mismo mula sa bibig niya ang pangalan ko.

"Izumi." Napapikit ako at bumuntong hininga. "Kanina ka pa dyan sa tabi ng bintana at nakatingin sa labas." Nagmulat ako ng mga mata at hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa daan na katapat lang ng bahay namin. "Hinihintay mo pa rin ba siya? Apat na buwan ka nang naghihintay sa kanya pero ni anino niya hindi rin nagpakita."

Bumuntong hininga ulit ako at tuluyan na siyang hinarap. Sumandal ako sa wall na katabi lang ng bintana. Nakaupo rin ako sa ibabaw ng kama at pati rin siya. "Chesa, I can't help it. Gusto ko lang malaman kung ayos lang ba siya." Tinitigan niya ako na parang sigurado–ka–ba–dyan?

"O baka naman ang ibig mong sabihin ay gusto mo na siyang makita dahil nami-miss mo na siya."

"Hin–" Napabuntong hininga na naman ako dahil nginisian niya ako habang tinataas-baba ang dalawang kilay niya. "Fine, I miss her."

"Sinong her? Hindi ko alam kung sino yang her na yan eh. Marami kang kilalang babae, so sino?"

Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko. Gusto lang niya akong asarin.

Ilang sandali lang ay nagsimula na siyang tumawa ng malakas. "Na-miss ko yang nakasimangot mong mukha kapag naaasar." Naiiling na lang ako sa pinaggagawa niya. "Pero teka nga lang." Kumunot ang noo ko dahil bigla siyang huminto sa pagtawa at sumeryoso ang mukha. "Nagtataka pa rin ako kung paano ka niya nakilala. Sa pagkakaalam ko, hindi niya alam na nag-e-exist ka." Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. "No, offense. Pero alam mo naman kung ano ang ibig kong sabihin."

Tumango lang ako. "Baka may nagsabi sa kanya tungkol sa akin?" Hindi siguradong tanong ko rin.

"Baka nga."

"Hmm..." Kung mayroon nga? Sino? Tinanong ko si ate kung paano nalaman ni Shield ang pangalan ko pero hindi rin niya alam. Wala raw silang nabanggit kay Shield dahil ayaw daw ni Mom na makilala ako ni Shield. Nalungkot nga ako nung marinig ko iyon. Alam ni Mom ang nararamdaman ko para kay Shield. Pero, sinisisi niya si Shield sa nangyari sa akin. "Chesa," tawag ko sa pangalan niya na ikinakunot naman ng noo niya. "Binu-bully mo pa rin ba siya nung mga oras na comatose ako?"

Ngumisi siya. "Yes." Proud pa na sagot niya.

"Chesa."

"Bakit? Ang sarap kaya niyang pag-tripan."

Napapikit ako at humawak sa kaliwang bahagi ng ulo ko.

"Bakit? Sumakit ba ang ulo mo dahil sa sinabi ko? Sorry na, hindi ko na ulit patri-tripan ang future wife mo." Muli akong nagmulat at napatitig sa kanya na ikinatawa niya. "Kinikilig ka noh? Pero mas kikiligin ka sa sasabihin ko." Ngumisi na naman siya na nagpa-curious sa akin.

"Ano?"

"Wala ka bang napapansin?"

Nag-isip muna ako sa tanong niya bago umiling. Dahil wala naman akong napapansin.

"Wala talaga?" Nagpipigil siya ng ngiti at nagtaka ako dahil ginamit niyang panturo ang nguso niya sa leeg ko. "Wala kang napapansin?"

Kinapa ko ang leeg ko at doon ko lang napansin na hindi ko suot ang kwintas ko. Inisip ko kung saan ko nailapag pero simula nung magising ako sa hospital, parang hindi ko na suot iyon.

"Sandali, hahanapin ko lang ang kwintas ko." Bababa na sana ako ng kama pero pinigilan niya ako. Umiling-iling din siya.

"Kahit halughugin mo pa itong buong kuwarto mo at kahit pa baliktarin mo ang bahay niyo, hindi mo makikita ang kwintas mo." May ngisi siya sa labi na mas lalong nagpagulo sa isipan ko.

The Most Beautiful GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon