Chapter 7

3.8K 230 24
                                    

Sign Of Territory
-----





"Shield Porter!"

Napaupo ako ng straight sa pagkakadukdok sa study table ko nang may tumawag sa akin. Paglingon ko ay si ate lang pala.

"Kanina pa kita tinatawag.." salubong na kilay na sabi niya. "Kakain na raw tayo." Matapos sabihin ay umalis na siya. Hindi pa nga siya nakuntento at inirapan pa talaga ako.

Inayos ko muna ang notes ko na nagkalat sa study table ko bago bumaba. Pagdating ko sa dining area ay naabutan ko si mom na naghahain pa lang ng hapunan sa lamesa. Umupo ako sa tabi ni ate at day-off niya sa trabaho kaya kasabay namin siya ngayon sa hapunan.

"Kamusta ang overnight mo nung isang araw sa bahay ng mga Satori?" Tanong ni ate at nagsimula na kaming kumain.

"Okay lang naman po.." ngumiti ako at tinikman ang pinakbet na luto ni mom. "Ang sarap!"

Ngumiti sa akin si mom at nagsimula na rin siyang kumain.

"Pero... parang hindi ako gustong makita ni tita Adele.." sabi ko at sumubo ulit.

Napansin kong natigilan silang dalawa pero hindi nila ipinahalata sa akin. Nagtataka naman nagpasalit-salit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi na ako nagsalita lalo na't parang walang gustong magsalita sa kanila.

"Next week uuwi ang dad niyo.." basag ni mom sa katahimikan

"Siya lang daw?"

"Oo, alam mo namang hindi natatahimik ang tatay niyo kapag hindi kayo nakikita.."

Tumango-tango naman ako at ngumiti. Sa isang taon kasi tatlo or limang beses lang umuuwi si dad sa Pilipinas. Binibisita niya kami at syempre hindi niya nakakalimutan ang sustento niya sa amin. Hindi na rin kami umaasa pa ni ate Sheen na magkakabalikan pa ang parents namin lalo na't may bago nang pamilya si dad. Huling nakita ko si Dad nung lumabas ako ng ospital galing sa isang aksidente.

Nang matapos kami kumain ay bumalik na ulit ako sa kuwarto para maglinis na rin ng katawan. Nang matapos ako ay pabagsak na humiga ako sa kama. Iniisip ko si Izumi. Hindi man lang niya pinakinggan ang paliwanag ko. Nung gabing nangyari iyon ay hindi na ako nakatulog pa. Sabi ni Keith pagod lang daw ako pero hindi ako pwedeng magkamali. Hindi lang imagination ang nakita ko. Wala sa sariling napahawak ako sa kwintas na binigay ni Chesa. Dapat daw lagi ko raw itong suot kaya pinagbibigyan ko na lang ang babaeng yun. Pinagmasdan ko ang pendant, ang ganda ng pagkakadesign. Halatang mamahalin.

--

Matapos ang isang klase namin ay dumeretso ako sa tambayan namin. Doon sa malaking puno nang makarating ako roon ay muntik na akong ma-out balance nang may yumakap sa akin sa likod.

"I missed you.." bulong niya

"H-ha? Eh kakakita pa lang natin nung friday ah?" Sabi ko kay Keith at sabay na kaming umupo sa damuhan na nasa ilalim ng malaking puno.

"Masama bang ma-miss ka?"

Napakamot ako sa ulo ko bago umiling. "Hindi naman, ang sweet mo nga eh." Ngumiti ako at pinanggigilan ang pisngi niya.

"Tama na, baka malamog pa eh." Natatawang saway niya at inilayo pa ang kamay ko sa mukha niya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtawa nang may umupo sa tabi ko at kinalabit ako. Humarap naman ako sa taong yun.

The Most Beautiful GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon