Chapter 2

4.9K 251 18
                                    

Izumi Lyn

-----

"AAAHHHHH!!!!!!"

napasigaw ako dahil sa takot ko at gulat na rin. Nagmamadaling pumasok naman si Mom sa kwarto ko.

"Anong problema?"

"Mom! May multo!!" tumakbo ako papunta sa likod ni Mom, napailing naman siya.

"Kulang ka talaga sa tulog"

"Pero ayun si-- ay nawala?"

"Shield, maligo ka na at baka malate ka"

"Pero..."

"Shhh.. baka nanuod ka pa ng horror na palabas kagabi bago natulog kaya hanggang sa magising ka ay dala mo pa rin" nagpout ako sa sinabi ni Mom. Bakit ba kasi ayaw niyang maniwala?

Lumabas na siya at naiwan naman akong takot... oo, kasi ngayon lang ako nakakita ng multo at nayakap ko pa!!

"Ano? naniniwala ka na?" Napatalon ako sa gulat at nakita ko siyang nakaupo sa study table ko "Don't worry, harmless ako" ngumiti siya pero nanlalamig pa rin ang buong katawan ko

"P-paano mo nalaman ang bahay ko?"

"S-sinundan kita.." namumulang sagot niya. Ngayon lang ako nakakita ng multo na nagblu-blush, ang cute niya! Pero hindi pa rin mawawala na isa siyang multo!

"Eh?" bigla siyang natawa sa reaction ko

"Matagal na kitang pinagmamasdan sa malayo.. kung alam mo lang"

"Ano? Hindi ko naintidihan yung last part" bigla kasing humina ang boses niya

"Shield!! Maligo ka na kung ayaw mong ako pa ang magpaligo sayo!!" Sigaw ni Mom kaya tumawa naman ang isang kasama ko

"Ang laki mo na nagpapaligo ka pa sa  Mom mo?" Loko pala 'tong multo na ito eh

"Tse!"

Kinuha ko muna ang uniform ko bago pumasok sa cr. Napasandal naman ako sa pinto nang mailock ko ito. Totoo ba talaga ang nangyari kanina? Or nagha-hallucinate lang ako? Napailing ako at sinilip kung nasa labas pa ba siya pero hindi ko na siya nakita. Imagination ko lang siguro ang nangyari kanina, akala ko talaga totoo na. Ito siguro ang epekto ng pag-iisip ko sa kanya kahapon.

Nakarating ako ng school 13 minutes bago ang first class. Hindi ko na nakita yung babaeng multo sa kwarto ko at mukhang imagination lang iyon. Umupo na ako tabi ni Keith na abot tenga ang ngiti, mukhang maganda ang gising ah?

"Anong meron?"

"Sa birthday ko doon ka mag-sleepover sa amin ha?"

"Anong nakain mo at nagyaya ka ng ganyan? Dati ayaw mong mag-sleepover ako sa bahay niyo at laging sa amin tayo?"

"Tss.. hindi kasi kami close nung isang ate ko na nasa states na, masama kasi ugali non"

"Oh? Kaya ba laging nagkukulong sa kwarto niya?"

"Oo, bitter kasi yun nga pala bakit napunta sa kanya ang usapan?" Taas kilay na tanong niya

"Ahm.. ewan ko sayo, parang ikaw nga ang mas bitter" sabay tawa ko, sinamaan niya lang ako ng tingin

Dumating na si Miss Alex at biglang nagbigay ng quiz! Hindi pa naman ako nakapag-advance reading dahil sa kakaisip sa babaeng yun.. Pero sa totoo lang.. Multo ba talaga siya? iba kasi ang itsura niya sa inaasahan kong itsura ng multo na maraming dugo sa damit at mukha. Mababa lang ang score na nakuha ko at ito ang problema kapag hindi ka nag-advance reading kung magkaroon man ng surprise quiz.

The Most Beautiful GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon