Chapter 1

8.5K 306 15
                                    

First Meeting

-----

"Bye Mom!"

"Ingat ka!"

Tumakbo ako para makaabot pa sa first subject ko dahil first day of class ngayon. Walking distance lang naman kaso Running Distance na pala. Nakakahiya naman badshot agad ako sa Prof namin. Patingin-tingin din ako sa paligid baka kasi mayroong sasakyan na pagewang-gewang. Parang tanga ako sa iniisip ko. Takbo lang ako ng takbo at nasa tapat na ako ng school gate kaso may mabangga ako.

"Ouch!" daing ko. Parehas kaming napaupo. Agad akong tumayo at tinulungan siya. Ang puti naman niya tapos ang kinis at lambot ng balat niya

"I-I am so s-sorry!" nakayuko kong paghingi ng tawad nung makatayo na siya at pinagpagan naman niya ang ripped jeans niya

"Okay lang, hindi mo naman sinasadya.." sabi nito na parang anghel ang boses kaya tiningnan ko siya

"Oh..my..god.." napatakip ako sa bibig ko dahil sobrang ganda niya at as in tutulo ang laway mo sa kagandahan niya. Tao pa ba 'to?

Brown ang buhok niya at sobrang amo ng mukha niya. Mahabang pilik mata, kulay asul ang mga mata yung parang nakatingin ka sa langit! Pointed nose, Red lips at hindi yun lipstick! perfect eyebrows at... basta perfect lahat ng meron siya!

"Shield!" bigla akong napatingin sa likuran ko at nakita ko ang tumatakbong si Keith at bigla akong niyakap nung makalapit na siya. "I missed you besty!" masayang sabi nito at humiwalay na.

Napatingin naman ako sa nakabunggo ko kanina kaso wala na siya. Nasaan na siya? Baka pumasok na sa loob? Pumasok na rin kami sa loob and as expected? late kami.

"Better next time, be early.." mahinahong sabi ni Miss Alex

Paano ko nalaman? nakasulat kasi sa whiteboard ang pangalan niya na 'Alex Satori' our Psychology teacher at ate siya ng bestfriend ko. Isa-isa kaming magpapakilala sa harap dahil gusto raw niyang makilala ang mga estudyante niya. Ito pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat.

"I'm Keith Jane Satori, 17, the third child of Victor and Adele Satori yun lang"

Ang alam ko tatlo silang magkakapatid, yung pangalawa ay laging nagkukulong sa kwarto kaya hindi ko pa siya nakikita pero ang sabi sa akin ni Keith ay sa ibang bansa na raw ito nag-aaral.

"Okay, your turn Miss?" turo sa akin ni Miss Alex at nag-Goodluck sign naman sa akin si Keith

Nasa harap na ako at halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Parang naiihi ata ako?

"I-I'm Shield Porter, 17.. T-that's all" ayaw kong may nakakaalam ng maraming info about sa akin. Maglalakad na sana ako pabalik ng upuan ko kaso umepal yung malaki yung inis sa akin, si Chesa. Classmate ko pala ang babae na 'to?

"Oh! Shield! Bakit di mo yan ginamit nung naaksidente ka? Ayan tuloy buong summer kang nasa hospital" nagtawanan ang mga classmate ko except kina Keith at Miss Alex. Napakuyom na lang ako

"Enough! You Miss De Leon, Am I right? Go to the Detention room, Now!" sigaw ni Miss Alex kaya nagsitahimik silang lahat. Ha! buti nga sayo

"But-"

"No buts, unang araw pa lang gumagawa ka na ng gulo at sa subject ko pa!"

Tumayo na si Chesa at nung mapadaan siya sa harap ko ay nginisian niya ako. Problema niya?

"Okay, you may take your sit now" sabi ni Miss Alex kaya sumunod na lang ako

"Sabi ko sayo eh, may crush siguro si Chesa sayo kaya laging nagpapapansin.." bulong ni Keith nung makaupo na ako sa tabi niya

The Most Beautiful GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon