Chapter 4

4.4K 251 9
                                    

First Kiss Of Sunrise
-----

Mabilis lumipas ang mga araw at patuloy pa rin akong nakakatanggap ng blue card every 4:11 ng hapon. Nasa sala kami ng mga ka-group ko para sa thesis. Lahat kami ay nakasalampak sa floor.

"Oh? Mamaya na muna iyan at mag-meryenda muna kayo.." nakangiting alok ni Mom sa amin

"Salamat po tita.."

Nagmeryenda muna kami para naman makakuha pa ng idea dahil hindi kami makakaramdam ng gutom. Napansin ko si Izumi na nakaupo sa hagdan. Sinenyasan niya akong sumunod kaya nagpaalam ako sa mga classmate ko na pupunta lang ako saglit sa kwarto ko.

"Bakit?"

"Na-miss kitang kausap.. kaninang umaga ka pa kasi nasa living room with them.."

Kakaibang tibok ng puso ang naramdaman ko nung marinig ko iyon. Sinabayan pa ng panginginit ng mukha ko.

"T-Talaga? n-namiss mo a-ako?" Utal na tanong ko. Nakakahiya

"Oo naman" ngiti niya "pwede ba kitang... mayakap?" Tanong niya kaya tumango ako

Hinawakan niya muna ang magkabilang pisngi ko gamit ang malamig niyang palad. Napakalungkot ng mga mata niya na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

Ilang sandali lang ay niyakap na niya ako. Hindi ko man maramdaman ang katawan niya ay okay lang dahil ramdam ko pa rin naman ang yakap niya. Pumukit ako at dinama ang malamig na yakap niya na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao ko. Kung nabubuhay lang siguro si Izumi? Paniguradong napakainit ng yakap niya. Feeling ko napaka-safe ko sa mga bisig niya.

"Napakainit ng katawan mo Shield..."

Hindi ko mapigilang kagatin ang ibabang labi ko. Napapangiti kasi ako at may kakaibang nabubuo sa loob ng dibdib ko. Kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.

"Shield?"

Napamulat ako pero hindi pa rin bumibitaw si Izumi dahil hindi naman siya nakikita nito. Nakaharap ako sa pinto kaya nakikita ko ang nagtatakang mukha ni Keith. Bakit nandito siya? Hindi naman kami magkagroup.

"Bakit?"

"Anong ginagawa mo? Okay ka lang ba?"

"Oo, okay lang ako"

Naglakad palapit sa akin si Keith kaya biglang naglaho sa harap ko si Izumi. Napansin kong nakaupo na ito sa kama habang nasa akin nakatingin ang mga mata niya. Naramdaman ko ang paghawak ni Keith sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ang lamig mo?" Nagkibit-balikat lang ako. Napunta sa magkabilang pisngi ko ang dalawang kamay niya "pati ang mukha mo ganon din.. okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong niya

Tumango ako bago sumagot "oo okay lang ako.."

Kahit mainit ang kamay ni Keith mas gusto ko pa rin ang mga kamay ni Izumi na nakalapat sa magkabilang pisngi ko.

---

Madaling lumipas ang mga araw. Pakiramdam ko mas tumitindi ang nasa loob ng dibdib ko. Do I... like her?

Her...

Nasa tabi ko siya sa kama at buong gabi niya akong binabantayan. Uminit ang mukha ko nung maisip ko na magdamag niya rin akong pinagmamasdan.

"Good morning Shield"

Bakit ba kapag siya ang nagsasabi sa pangalan ko ay ibang kiliti sa pakiramdam ko. Napangiti ako at itinalukbong ang kumot sa aming dalawa. Ngumiti din siya at naramdaman ko ang malamig na palad niya sa pisngi ko.

The Most Beautiful GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon