Chapter 12

3.1K 197 18
                                    

Nandito na naman ako. Pang-ilan na balik ko na ba dito? Hindi ko na mabilang. Ang lugar kung saan nagbago ang buhay ko.

Ito na ang second life ko pero nandito pa rin ang guilt na nararamdaman ko. Ang mga nangyari nung summer ay malinaw pa rin sa paningin ko.

Ilang buwan na ba ang nakalipas? Anim or pitong buwan na ata.

Nagui-guilty ako. Ako dapat 'yon.... Ako dapat ang nasa pwesto niya nung mga oras na yun at siya dapat ang nakatayo ngayon rito.

Umupo ako sa gilid at yumuko. Gusto ko talagang malaman kung sino siya. Gusto ko rin humingi ng tawad sa pamilya niya.

Pero paano ko gagawin 'yon?

Wala nga akong alam tungkol sa kanya. Hindi nga sinasabi sa akin nina Mom at Ate ang impormasyon sa kanya. Lagi nilang sinasabi na 'Gusto ng pamilya niya na maging pribado sila' or 'Hindi ka ba masaya na buhay ka?' o kaya naman 'Ayaw lang namin na habang buhay mong sisisisihin ang sarili mo, Shield.' Anong klaseng sagot 'yon? Kahit si Keith laging sinasabi na patay na yung babae at inuwi ng mga magulang sa probinsya ang katawan nito.

Paano ako magiging masaya? Kung may taong nawala ang buhay dahil lang sa katangahan ko? Sobrang bigat sa dibdib. Nakokonsensya pa rin ako.

"Shield..."

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ako ng ulo. Si Izumi at nakatayo siya sa harap ko.

"Bakit ka umiiyak?"

Napaiwas ako ng tingin sa tanong niya. Pinunasan ko rin ang luha ko na hindi ko namalayan na tumutulo na pala.

"Shield, sabihin mo sa akin kung ano ang problema? Bakit ka umiiyak?"

"Nagui-guilty ako.." Hindi makatingin na sagot ko.

"Saan?"

"Kasi... may taong nawala nang dahil sa'kin. Hindi niya deserve 'yon. Ako dapat ang nasa sitwasyon niya nung mga oras na yon. Siguro ngayon? Masaya siya kasama ang pamilya niya, mga kaibigan at.... taong mahal niya."

Tuluyan na akong naiyak. Sobrang bigat sa dibdib ng lahat. Kasalanan ko talaga. Kung hindi ko hinabol yung bola nung bata, hindi mangyayari yon.

"Shield, makinig ka... wala kang kasalanan sa mga nangyari, okay? Oo nagkamali ka pero tingin ko naman masaya siya dahil may nailigtas siya." Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakangiti siya, isang matamis na ngiti na nagpapakalma sa'kin. "Kung ipagpapatuloy mo ang buhay mo? Tingin ko mas magiging masaya pa siya."

"I-Izumi..."

"Ang kamatayan ay hindi natin hawak, Shield. Kusa itong dumarating at nangyayari sa mga panahon na hindi natin inaasahan. Kung oras na talaga ng isang tao? Wala na tayong magagawa doon."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang gusto pang kumawala. Hindi ko pala kaya... dahil kahit gaano ko ito pigilan? Kusa pa rin itong lalabas.

"Halika. May pupuntahan tayo."

Nagtatakang nakatingin lang ako sa kanya nung mauna siyang maglakad. Habang nakatingin ako sa likod niya, naalala ko ang suot ng babaeng nagligtas sa akin. Katulad ng suot ngayon ni Izumi...

"Shield?"

Napatingin ako sa mga mata niya. Nagtatanong ang mga ito kung susunod ba ako. Pinunasan ko muna ang dalawang basang pisngi ko bago tumayo at sumunod sa kanya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Paakyat ang dinadaanan namin at malapit na rin lumubog ang araw.

"Izumi, saan tayo pupunta?"

The Most Beautiful GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon