Chapter 6

3.8K 232 21
                                    

Overnight
-----

Isang panibagong buhay para sa akin ang araw na 'to. Birthday ngayon ni Keith at gusto niyang mag-overnight kami sa kanila mamaya. Habang naglalakad ako ay nakasabay ko si Justine, kakapasok lang din niya sa gate.

"Yow! Shield!" Inakbayan niya ako at kinurot pa talaga ang pisngi ko

"Hey!"

Nagulat ako nang tampalin ni Keith ang kamay ni Justine. Hindi namin napansin na nasa harap na pala namin si Keith.

"Problema mo, liit?" Natatawang tanong ni Justine rito

"Tingnan mo yung ginawa mo!" Turo ni Keith sa pisngi ko kaya napatingin naman ang isa sa akin

"Ay! Sorry Shield, sensitive pala ang balat mo?"

Hinawakan ko ang pisngi ko kung saan ako kinurot ni Justine. Wala naman akong maramdamang masakit eh.

"Masakit ba?" Tanong naman ni Keith at hinawakan pa ang magkabilang pisngi ko

"H-hindi naman.."

Medyo nailang ako sa ginawa niya. Ang lapit din ng mukha niya.

"Ang oa mo liit.." natawa ng alanganin si Justine nang tingnan siya ng masama ni Keith. "A-alis na ako! Bye Shield!"

Tumakbo si Justine at may nakabangga pa siyang babae kaya tinulungan niya pa ito.

"Tara na?"

Napatingin ako kay Keith bago tumango. Sabay na kaming pumunta sa room namin. Hindi pa kami nakakapasok ay may humarang na sa amin ni Keith. Si Chesa at ang mga wanabes niya.

"Hey.. hey.. kakausapin ko si Porter.."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Gusto niya akong makausap? Pero bu-bully-hin lang naman niya ako eh.

"To bully my bestfriend?" Mataray na sagot naman ni Keith

"Bestfriend?" Tumawa ng malakas si Chesa sabay hablot sa akin. "We need to talk, Porter"

Kinaladkad niya ako at wala nang nagawa si Keith dahil humarang din ang mga alalay ni Chesa sa dadaanan niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at kinakabahan na ako.

Mas lalo naman akong kinabahan dahil sa likod ng gym niya ako dinala. Napalunok ako nang huminto kami. Pinagmasdan ko ang paligid ko at natatakot ako. Madamo at napapagitnaan kami ng dalawang malaking pader.

"B-bakit mo 'ko dinala rito?"

Humarap siya sa akin habang nakangisi. "Para masolo ka?"

"Kailangan na nating b-bumalik sa klase..."

Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya lalo na sa tingin na ipinupukol niya sa akin.

"Natatakot ka ba?" Mahina siyang natawa nung nag-iwas ako ng tingin. "Wala naman akong gagawing masama sayo. May ibibigay lang ako."

Lumapit siya sa akin at inilapit sa leeg ko ang dalawang kamay niya. Napapikit ako at ilang sandali lang ay may naramdaman akong kakaiba sa leeg ko. Napamulat ako at napatingin sa nakasabit sa leeg ko.

The Most Beautiful GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon