Chapter 04

417 8 0
                                    

Liam POV

Pasalampak akong umupo sa pang isahang sofa

"Ibang klase din yung mag kakapatid noh.."napailing iling na turan ko

"Yung Isa mas malamig pa sa yelo parang Ikaw lang,Axel hahaha."natatawang saad ko, pero hindi manlang Ako pinansin,tsk tsk

"Yung Isa naman ahmm.. masyadong maarte?Not sure."

"And the last one Jen.." napa ngiti na lang Ako nang mabanggit ko ang pangalan nito

"Type mo?"tanong ni Raven

"Oo eh kaso may boyfriend na daw." nag hihinayang na saad ko

"May boyfriend na? Hindi halata."komento nito

"Hm.. pero ayun ang sinabi nang Ate niya eh mag-iisang taon na nga daw."nag hihinayang na saad ko

Tumahimik na lang akong nag sscroll sa Facebook nang may pop up na Friend Request

Napangiti ako nang makitang si Jen ito agad agad kong I accept

'Hi Jen!'

'Hi Kuya Liam! Thank you po sa pag accept!'

Napangiti ako nang mabilis itong mag reply

"Ang ganda nang ngiti natin ah sino yan?"nag angat ako nang tingin kay Raven

"Ah!!Si Jen."naka ngiting turan ko,ngiting ngiti ulit akong napatingin sa screen nang phone ko

'Salamat sa
pag add,Jen!'

'Kuya Liam pwede
pong pahinging Favor?'

'Sure,Jen Ano
ba Yun?'

'Pwede niyo po
bang sabihin kay
,Kuyang taglamig
accept niya po FR ko?'

'Kuyang Taglamig?'

'Si Kuya Winter po.'

Napatingin Ako kay Axel na tahimik lang na nag babasa sa gilid, mukhang naramdaman nito ang titig ko kaya nag taas ito nang tingin

"What?"

"Accept mo daw FR ni Jen sayo." turan ko rito napakunot noo ito

"And why would I?"walang ka interest nitong saad

"Accept mo na mabait naman si, Jen eh." sabat ni Raven

"Tsk." singhal nito saka bumalik sa pag babasa napa iling iling na lang ako

'Sinungitan lang Ako eh.'

'Ganun po? Salamat
sa pag try Kuya Liam.'

'Pasensya na,Jen wag
kang mag alala
kukulitin ko siya
para mapapayag
siyang I accept
ang FR mo.'

'Hindi na po Kuya Liam Thank you sa offer!'

Sabay kaming napalingon ni Raven kay Axel nang  nag ingay ang phone nito, bakas sa mukha niya ang pag kairita habang naka titig sa screen nang phone niya

Nag katinginan kami ni Raven, nag kibit balikat na lang kaming pareho saka bumalik sa kanya kanya naming ginagawa..

"Liam!!" napalingon ako kay Raven  at nag tatanong na tumingin sakanya

"Bakit?"

"Wala si Axel sa kwarto niya."

"Huh?"

"Sa tingin ko na una na siyang umalis wala na rin kasi ang gamit nito."

Laurel Trio:THE BADASS SISTERS (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon