Jenny Xcyril POV
"Saan niyo naman na kuha ang batang yan?"tanong ng lalaking naka upo sa Isang upuan at naninigarilyo habang naka tingin sa'kin
"nakita naming nag-lalaro sa isang playground, Boss mukhang mayaman pwede nating pag kakitaan."sagot ng lalaking naka hawak sa mag kabilaang braso ko
" Ilang taon kana bata? "sunod sunod ang nagawa kong paglunok dahil sa kaba at takot dahil sa tingin nito sa'kin
"Sumagot ka bata."hindi ko mapigilang mapa ngiwi ng humigpit ang pag kakahawak nito sa braso ko
"t-t-ten..."nanginginig na sagot ko rito
" Dalhin mo na siya duon sa loob."utos ng lalaking tinawag na Boss kanina ng lalaking may hawak sa'kin
Halos masubsub na ako sa sahig dahil sa bilis nitong mag lakad at halos kaladkarin na ako
"aww.." mahinang daing ko ng tumama ang likod ko sa semento dahil pabalyang hinagis ako nito papasok sa loob
"diyan ka kasama nila." wika nito bago isinara ang pinto saka ko lang napansing hindi lang ako ang bata sa loob
Dinig na dinig ko ang mahihinang hikbi at daing nila
Na natiling naka yakap lang ako sa mga tuhod ko magagalit si Daddy pag nalaman niyang naging mahina ako
Ayaw ni Daddy yun kaya kailangan kong mag pakatatag kailangan kong ipakitang hindi ako natatakot
Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas dahil nakakaramdam na ako ng gutom
Kumusta kaya sila Ate sigurado akong nag-aalala sila ngayon lalo na si Mommy kaya dapat maka hanap agad ako ng paraan para maka alis rito
Hindi ko alam na kinatulugan ko na ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom nagising na lang ako ng maramdamang may mahinang gumigising sa'kin
"B-bakit?" takang tanong ko rito bumaba ang tingin ko sa inaabot nito
"Kain ka muna alam kong gutom kana." mahinang wika nito habang inaabot nito ang isang tinapay
"Bakit mo ibibigay sa'kin yan?" takang tanong ko
"Kasi alam kong gutom ka saka hindi pa naman ako gutom madami ang kinain ko kahapon." may ngiting wika nito Hindi ko mapigilang mapa titig rito
"Dapat ikaw na kumain yan kahapon ka pa pala hindi kumakain eh." wika ko rito
"Ayos lang naman ako saka dinig na dinig ang nag wawala mong sikmura dahil sa gutom kaya tanggapin mo na." pag pupumilit nito
"Salamat dito." nahihiyang wika ko pag katapos kong tanggapin ang tinapay na inaabot nito saka nag simulang kainin
"Pano ka nila nakuha?" tanong nito saka naupo sa tabi ko
"Masyado kasi akong nag enjoy sa pag lalaro sa playground at hindi ko na namalayang ang paglapit nila." sagot ko dahil yun ang kauna-unahang pag kakataong hinayaan kami ni, Daddy na maka paglaro sa labas
"Anong ginawa nila sayo?" tanong ko rito dahil pansin na pansin ang mga pasa at sugat sa katawan nito
"Hindi ko masyadong maalala pero ang huling natatandaan ko ay dinala ako sa Isang kwarto at may mga naka suot ng mga puting coat sa loob." sagot nito
BINABASA MO ANG
Laurel Trio:THE BADASS SISTERS (🌹)
AcciónThey are three, but the Laurel only has one Heiress The oldest has the coldest personality and the middle was the fashionable while the youngest is the foodie one. Same face different personalities, different responsibilities In the exchange of fre...