Chapter 35

230 4 0
                                    

Jesshane Xyra POV

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!"Paulit ulit na singhal ko habang naka hawak sa duguan kong braso at halos takbuhin ko na ang daan papunta sa lower Deck left side kung nasaan ang bangkang nag-hihintay samin

Halos kahit saang parte ng Yate ako lumingon ay sunog na

"Fck!"mahinang daing ko ng muntikan ng tumama sa'kin ang isang kahoy na nag aapoy kung Hindi ko lang mabilis itong naiwasan

nandun na kaya ang iba? Hindi ko na sila magawang maka usap dahil nasira ang earpiece na binigay ni, Raven samin bilang communication namin sa isa't isa

"Fck! Jess!!" mabilis akong dinaluhan ni, Raven ng makita ako nito

Dinig ko ang Paulit ulit na pagmumura nito habang inaasikaso ang braso ko

"Hindi naman ganun kalalim yung bala." mahinang wika ko... nararamdaman ko na ang panghihina ko dahil sa dami ng dugong nawala sa'kin at dahil sa pagtakbo takbo ko kanina

"Where's, Ate Je?"tanong ko rito

"Papunta na sila rito kasama nito si, Liam." sagot nito habang seryoso ang mukha nitong ginagamot ang braso ko

"What happened, Raven? Bakit ganito ang nangyari?" mahinang tanong ko

"Hindi ko alam... pero mukhang may naka tunog sa gagawin natin." naka pabuntong hingang sagot nito

"Jess!!" agad akong napalingon sa gawi ng sumigaw

"Ate Je!" puno ng pag-aalalang napa tingin ako rito

"I'm okay." agad na wika nito ng mapansing naka tingin ako sa beywang nito

"Kailangan na nating Umalis.." wika ni Liam pag kasakay nila sa bangka gusto ko mang lapitan si Ate ay hindi ko magawa dahil nang hihina na talaga ang katawan ko

"Wala pala si, Jen at Axel." wika ni Raven rito

Napa tingin ako sa Yateng halos buong parte nito ay sunog na

"Kailangan mo ng ilayo ang bangkang sinasakyan natin dahil kung hindi madadamay tayo sa pag sabog?!" sigaw ni Liam rito

"Anong pag sabog?" bakas ang pang hihina sa boses na tanong ni Ate Je

Ako rin ay naguguluhan sa sinabi ni Liam

"Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sigurado akong set up lang lahat ng ito."naguguluhang tugon ni Liam rito

"Si, J-jen... nasa loob pa si, Jen..." nag-aalalang wika ko saka muling napa tingin sa may Yate

"Jen! Jen! Jen! Where are you?! Jen!!" buong lakas na sigaw ko

Hindi ko mapigilang mapa luha ng wala akong makitang kahit anino man lang ito

"Anong ginagawa mo?" natatarantang tanong ko kay Raven ng makitang lumalayo na ang bangkang sinasakyan namin sa may Yate

"Nandun pa sila, Jenny! Raven ano ba?!" hindi ko mapigilang mapa sigaw

"Hindi naman tayo aalis. Hihintay pa din natin sila." malumanay na wika nito tumango na lang ako rito saka muling napalingon sa may gawi ng Yate

"Axel!"Hindi ko mapigilang sigaw ng makita si Axel na palangoy palapit sa bangkang sinasakyan namin

"Where's, Jen?" agad na tanong ko rito ng tuluyang maka sakay ito

"She's not still here?" gulat at may pag-aalalang tanong nito agad akong umiling dito

"Diba kasama mo siya? Nasaan siya, Axel?"tanong ko rito

"Nag kahiwalay kami kanina ng mag kakagulo ang akala ko ay nandito na siya." naguguluhang wika nito

Muli akong lumingon sa Yate ng may makita akong bulto sa may upper deck dito

" J-Jen! Jenny! Jen! Come Here! Jen! "malakas na sigaw ko ng makilala ko kung sino ito

" Jen!!!"napa hinga ako ng malalim ng muntik na akong mahulog sa bangka kung hindi lang agad ako na hawakan ni Axel

" Stay here! Pupuntahan ko siya."wika nito saka pina upo ako pero bago pa lumusong sa dagat si Axel ay may marinig na kaming pag sabog

Tila tumigil ang paghinga ko ng makita ang Yateng tuluyang nilalamon na ng dagat

Naramdaman ko na lang ang sunod sunod na pag tulo ng mga luha ko habang pinipilit makawala sa hawak ni Raven dahil gusto kong Lumapit duon

"Jess, Tama na ! Tama na!"

"Hindi! Nandun pa ang kapatid ko! Ano ba, Raven bitawan mo Ako!" umiiyak na sigaw ko rito habang pilit kumakawala sa hawak nito

"A-ang kapatid ko... S-si, Jen... nasaan?" mahinang tanong ni Ate Je putlang putla na ang mukha nito

"L-Liam... si, J-jen... n-nasaan ang kapatid ko.. L-Liam..." walang humpay ang pag daloy ng luha sa pisngi ni Ate Je

"Ate Je..." lumapit ako rito saka siya niyakap

"A-Ate si, Jen... Ate ... n-nandun pa si, J-jen... Ate ...."nahihirapang wika ko

"Axel!! "parehong sigaw nila Liam at Raven saka mabilis na tumayo at mabilis na pinigilan si Axel sa balak nilang gawin

" Wala ka ng makikita duon."

" Bitawan niyo Ako! Nandun pa si, Jen! Nakita namin siya."malamig na wika ni Axel sa mga to' pero kita sa mga mata nito ang sakit patunay na din ang mga luhang walang tigil sa pag tulo mula sa mga ito

"A-ano ba.... p-pupuntahan ko pa si, Jen..."parang may pumiga sa puso ko ng makita ang lagay ni Axel

Walang emosyo ang mukha nito pero damang-dama mo ang sakit sa bawat hikbing kumawala mula sa bibig nito

"Delikado kung babalik ka pa dun! Kailangan na nating umalis. Kailangan ni, Jean madala sa hospital."

" Kailangan kong puntahan si, Jen... kailangan ko siyang iligtas..."nakiki usap na wika nito

"Pag hinayaan ka namin baka mapahamak ka ... pag nangyari yun sino na lang mag-aalaga sa mga anak niyo? Pano yung tatlong nag hihintay sa pag-babalik niyo? Alam kong masakit pero kailan ka din ng mga anak mo, Axel."

Walang tigil ang pag luha ko habang palayo ng palayo ang bangkang sinasakyan namin

Tulala na lang ako sa kung saan habang walang ingay na umiiyak Hindi ko namalayan kung paano kami tuluyang naka uwi sa'min

"A-anim tayong umalis bakit lilima na lang tayong bumalik?" puno ng sakit na tanong ko kay Raven

"J-jess..."

"Ang s-sakit sakit, Raven.... h-hindi ko na alam kung anong gagawin ko... B-bakit? Nung una si M-mommy.... t-tapos ngayon si, Jen?"puno ng hinanakit na turan ko rito

Humagulgol na lang ako sa dibdib nito ng yakapin ako nito

"Nandito lang ako, Jess hindi kita iiwan... hahanapin natin ang kapatid ko... Hindi tayo titigil hangga't hindi natin siya nakikita... o kahit ang k-katawan lang niya.."

"B-buhay pa ang kapatid ko, Raven.... n-nakita ko siya... p-pano kung naka talon pala siya bago sumabog ng tuluyan yung Yate? pano kung naka langoy pa siya palayo duon? "umaasang wika ko rito

"Kaya nga hahanapin natin siya."masuyong wika nito habang hinahaplos ang pisngi ko

" Hindi tayo titigil hangga't hindi natin siya nahahanap. "may maliit itong ngiting wika

Tumango na lang ako rito saka siya muling niyakap..

Alam kong buhay pa ang kapatid ko... Hindi siya basta basta na lang mamatay...

Kailangan pa siya ng mga pamangkin ko

Kailangan pa namin siya...

Sana nasa maayos kang kalagayan, Jen...

Please... be safe...

But years past we never found her...

Laurel Trio:THE BADASS SISTERS (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon