Epilogue
(Warning: This might contain disturbing scene.. Read it on your own risk)
Walang tigil ang aking pag-iyak dahil sa sakit na nararamdam ko
Hindi ko alam kung anong meron sa tinuturok nila sa'kin dahil kung bakit tila may tumutusok na kung saan sa buong katawan ko
Hindi ko sila kilala... Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa'kin pero alam kong pinag-experementuhan nila ang katawan ko
Kung ano anong salita ang sinasabi nilang hindi ko maintindihan dahil yun ang unang beses na narinig ko yun
"How are you, IV?" tanong ng isa sa mga doctor pinakilala nito ang sarili bilang si, Dra.Von
IV ang tawag nila sa'kin dahil ako daw ang pang-apat na batang naka tagal sa experementong ginagawa nila
"Huwag kang umiyak, IV hindi ba dapat magpakatatag ka? Kung gusto mong nasa maayos na kalagayan ang mga mahahalagang tao sa buhay mo dapat malakas ka." Hindi ko man makita ang mukha nito ngunit bakas sa boses nito ang ngiti
"Huwag mong hahayaang makita kanilang mahina... Kung mahina ka ano na lang mangyayari sa mahal mo sa buhay Hindi ba, IV?"
Walang ingay ang aking pag-iyak habang naka tingin rito
Naramdaman ko ang init ng palad nito sa pisngi ko dahil pinunasan nito ang luha sa pisngi ko
"Huwag kang mag-alala, IV matatapos din lahat ng sakit at pag hihirap na nararamdaman mo." sambit ni, Dra. Von saka ako nito iniwan
Habang tumatagal ay nararamdaman ko ang pag bagsak ng katawan ko
May mga sugat na nag lilitawan sa buong katawan ko ng hindi ko alam kung saan nang galing
Hinang Hina na ang nararamdaman ko gusto na ding sumuko ng katawan ko dahil sa pagod
Masyado pa akong bata para maranasan ang mga to'
Hindi ko manlang nagawang ienjoy ang pagiging bata ko
Hindi ko alam kung anong nangyari ng tuluyang sumuko ang taklupan ng mga mata ko
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka tulog dahil pag mulat ng mga mata ko ibang kisame ang sumalubong sa'kin
Na natiling naka higa ang katawan ko sa kamang kinahihigaan ko habang pinapalibot ang tingin
Tama ako nasa ibang lugar na ako... Hindi ito yung madalas kong makita sa paligid tuwing nagigising ako
Nasaan ako?Ilang araw akong naka tulog? Lumipat na ba sila ng lab?
"J-jenny.. baby.." napa tingin ako sa kamay na naka hawak sa braso ko ng mag-angat ako ng tingin ay sumalubong sa'kin ang luhaang mukha ni, Mommy
BINABASA MO ANG
Laurel Trio:THE BADASS SISTERS (🌹)
ActionThey are three, but the Laurel only has one Heiress The oldest has the coldest personality and the middle was the fashionable while the youngest is the foodie one. Same face different personalities, different responsibilities In the exchange of fre...