Liam POV
"J-jean!" I nervously called her name
Nakita kong natigil ito ng tawagin ko ang pangalan nito kaya akala ko ay lilingunin ako nito pero hindi. Nag patuloy din ito sa paglalakad na para bang hindi ako nito narinig
Mabilis ko itong hinawakan sa braso para pigilan mabuti na lang at naabutan ko agad siya
"Please....Jean, kausapin mo naman Ako."nagsusumamong wika ko rito
Hindi ko maiwasang mapa hakbang ng isang beses ng sumalubong sa'kin ang malamig nitong tingin ngunit na natiling mahigpit ang hawak ko sa braso nito para hindi ako iwan
"Hayaan mo naman akong mag-paliwanag." alam kong mukhang iiyak na ang itsura ko pero wala na kong pakialam dun
Ang mahalaga na lang sa'kin ngayon ay ang maka usap siya at hayaan akong mag-paliwanag
"Wala kang karapatang hawakan Ako." napa-awang na lang ang labi ko rito ng malakas nitong binawi ang braso niya kasabay ng malamig na wika nito
"At Hindi ko kailangan ng paliwanag mo."malamig muna ako nitong tinignan bago ako iniwang tulala sa daan
Kasabay ng pag kurap ko ay ang pag tulo ng luha ko na agad kong pinunasan
"Mahihirapan kang maka-usap si, Ate Je lalo ngayong sarado pa ang isip niya dahil nasaktan siya."Hindi ko magawang lingunin si Jen sigurado akong nakita nito ang nangyari
"Ikaw ang unang lalaking hinayaan niyang maka tibag sa pader na tinayu niya.... Sa ngayon mas matigas pa ang puso ni, Ate Je sa bato."napa yuko na lang ako sa sinabi nito
" Mahal ka ng , Ate Je ko pero masyado siyang nasaktan sa nalaman niya.. "Hindi ko magawang mag-angat ng tingin rito naramdaman ko na lang ang pag tapik nito sa balikat ko
"Ayos na si, Raven at Ate Jess. Kaya, Kuya Liam huwag mong susukuan ang, Ate Je ko tulad ng ginawa mo noon."
"Hinding hindi ko kayang sukuan ang, Ate Je mo, Jen masyado ko siyang mahal para lang hayaan siyang mawala sa'kin."mahinang wika ko "Lalo na ngayon."
"Kaya mo yan, Kuya Liam."naka ngiting wika nito bago ako nito iniwan
Naka-ilang buntong hininga pa ako bago nag simulang mag lakad papunta sa room namin
Oo nga pala classmate ko si Jean sa subject na ito.
"Jean!"agad kong pinigilan ito ng makitang aalis na sana siya
"Bitawan mo Ako." madiing wika nito ngunit hindi ko ito binitawan
"Kausapin mo naman ako, oh? Please?! Hayaan mong mag paliwanag ako, Jean... Mahal na mahal kita."napa pikit na lang ako ng maramdaman ang kamao nitong dumapo sa pisngi ko
Hindi niya ako sinampal pero sinuntok ako.sakit
"Saktan mo lang ako ng saktan, Jean." wika ko rito "Kasi walang katumbas na pisikal na sakit ang sakit na nararamdam ko ngayong hindi mo ako kina kausap.." puno ng sakit na ngumiti ako rito
"Oo alam kong mali ako.. pero masisisi mo ba ako, Jean? Gusto ko man o hindi wala akong magagawa dahil pamilya ko ang nakasalalay dito." Hindi ko maiwasang mapa luha
"M-mahal na mahal kita, Jean... mahal na mahal kita.. mahal ko din ang pamilya ko..."pigil ang hikbing wika ko rito
"S-sobrang hirap ang maipit... Kasiyahan ko ba o ang pamilya ko.... "
"I didn't make you choose, Liam."walang emosyong wika nito
"Bakit hindi mo na lang ako pinatay para mailigtas ang pamilya mo."
" H-hindi kita kayang saktan, Jean... siguro iniisip m-mong hindi totoo lahat ng pinakita at pinaramdam ko sayo... p-pero maniwala ka lahat ng yun ay t-totoo... M-mahal na mahal kita sobra... At y-yung isiping n-nasasaktan ka mas d-double yung sakit na n-nararamdaman ko..."umiiyak na wika ko rito
"Hindi ko na kayang paniwalaan ang mga salita mo, Liam."mas lumakas ang hikbi ko dahil sa sinabi nito
"Kahit pa anong sabihin mo. Hindi mo na ulit ako maloloko." tila Isang patalim na paulit ulit na sumaksak sa puso ko ang bawat salita nito
"Don't ever come near me. Kahit sino sainyong mag kakaibigan huwag na kayong lumapit samin."malamig na wika nito na tila ba niminsan wala kaming pinag-samahan
"I wished I never met you." walang emosyong wika nito. walang tigil sa pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko
Hindi ko na nagawang sundan ito ng iwan na ako nito mag-isa sa room
Nang hihinang napa upo na lang ako sa sahig at hinayaan ang sariling iiyak lahat ng sakit
Gagawin ko lahat para lang mapatawad mo ako Jean...
Gagawin ko lahat para lang tanggapin mo ulit ako sa buhay mo
Kung kailangan kong lumuhod at mag makaawa gagawin ko...
"Ayos ka lang?" tanong ni Raven nandito Ako na muna ang nag-bantay sakanya rito sa hospital dahil kinailangang umuwi muna ni Jess
Edi sa all diba ayos na..
"Hindi ka pa din kinausap ni, Je?" tanging iling lang ang naging tugon nito
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Raven..." pag-amin ko rito
"Hayaan mo na lang kaya muna siya? "tila hindi siguradong wika nito
" Hanggang kailan, Raven? Hanggang sa mawala na lang yung nararamdam niya sa'kin? Hindi ko hahayaang mangyari yun."salubong ang kilay na wika ko
"Hindi naman yun yung ibig kong sabihin eh. I mean hayaan mo muna siyang maka pag-isip ng maayos, ngayon kasi nauunahan ng emosyon si, Je kaya sarado ang isip niya sa paliwanag mo."lintaya nito
"Ayaw kong tumigil hangga't hindi ko siya nakaka-usap.."mahinang wika ko rito
" Then. Gawin mo na lahat para mapalambot ulit ang puso niya.."
"Talaga. Hindi ako titigil hangga't hindi niya sinasabing mahal niya ako."ani ko rito. Nginitian na lang ako ni Raven
Hinayaan ko na lang na mag pahinga ito dahil alam kong yun ang kailangan niya lalo na't ilang linggong wala itong tamang tulog at kain
"Kumusta ka, Ma?" tanong ko sa kabilang linya.
"Ayos lang naman kami dito, 'nak" kiming napa ngiti na lang ako ng marinig ang sagot nito
"Ikaw ba, 'nak ayos ka lang ba dyan? Bakit ang lungkot ng boses mo may nangyari ba?" bakas ang pag-aalalang tanong nito
"Hindi pa din kasi ako kinakausap ng babaeng mahal ko,Ma eh galit na galit pa rin siya sa'kin." malungkot na tugon ko rito
"Nag paliwanag kana ba sakanya?"
"Hindi pa gaano, Ma eh." kiming sagot ko rito
" Kailangan lang niya ng oras para tanggapin ang lahat, Liam huwag mong ipilit sakanyang intindihin ang bagay na hindi niya magawang maintindihan dahil sobra siyang nasasaktan"
"Opo, Ma."mahinang wika ko rito
"Magiging maayos din kayo, 'nak. Ipapakilala mo pa siya samin."napa ngiti na lang ako sa sinabi ni Mama
"Sana nga, Ma"
"Think positive, 'nak."nag pasalamat naman ako kay, Mama
Ilang oras din kaming nag-usap ng mag paalam kami sa isa't isa
"Bye, Nak ingat ka dyan."
"Kayo din, Ma ingat kayo." huling wika ko saka binaba ang tawag..
Napa titig na lang ako sa kawalan habang ilang ulit na napa buntong hininga
Iniisip kung anong pwedeng gawin para lang kausapin ako ni Jean at pakinggan
Hindi ko alam kung ilang oras akong naka tulala sa kawalan ng makaramdam ako ng antok
Siguro dahil na din sa pagod at kakulangan sa tulog ay mabilis lang akong dinalaw ng antok....
BINABASA MO ANG
Laurel Trio:THE BADASS SISTERS (🌹)
ActionThey are three, but the Laurel only has one Heiress The oldest has the coldest personality and the middle was the fashionable while the youngest is the foodie one. Same face different personalities, different responsibilities In the exchange of fre...