Chapter 09

18 0 0
                                    

Liam POV

"Tahimik talaga pag-wala si, Jen."nakahalumbabang wika ko, nandito kami ngayon sa may tambayan nila na naging tambayan na rin namin

"Kung gusto mo sundan mo siya,"masungit na wika ni Jess

"Hindi niyo nga alam kung nasaan siya eh, pano pa kaya ako."tugon ko rito saka tinitigan si Je na busy na naman sa librong binabasa niya

"Hindi kaya maging worm ka niyan? lagi ka na lang nakatutok dyan sa libro."turan ko rito dahilan para nag-angat ito ng tingin sa'kin

Kunot na kunot ang noo nito halatang hindi natutuwa sa'kin hahaha

"Bahala ka, Ikaw din maging worm ka ng tuluyan dyan."pananakot ko rito

"Anong worm?"kunot noong turan ni Raven

"Worm, uod."pamimilosopo ko rito "Kaya nga tinatawag na bookworm kasi magiging worm ka, kapag panay ang basa mo ng libro."paliwanag ko

"Seriously? This is ridiculous."natatawang hindi makapaniwalang wika ni Jess, Hindi ko rin maintindihan ang isang ito eh

"Bakit? Mali ba ako?"Takang tanong ko, sinamaan ko ng tingin si Raven ng batukan ako nito

"Simula ng bata pa tayo nagbabasa na ng libro si, Axel pero nakita mo na ba siyang naging worm? Katangahan mo rin minsan eh."nang-iinsultong wika nito

"Wow! Nahiya naman ako sa katalinuhan mo."sarkasmong wika ko saka inambahan ito ng suntok

"Well. My grades are better than yours."ngising ngising tugon nito

"Ah? Talaga?"Tumango-tango ako rito saka nginitian siya ng maloko "Jess, alam mo ba may nakita ako kaninang umaga."nakangiting turan rito, saka pasimpleng tinapunan ng tingin si Raven na halatang nagtataka

"Ano yun?"taka rin nitong tanong

"Kanina kasi sa locker may nakita akong—aray!"Hindi ko maiwasang napadaig ng may kung sinong pasimpleng sumiko sa'kin

"What about locker? Anong nakita mo?"curious na tanong nito, pagtingin ko kay Raven ay halatang binabantaan ako nito

"Wala."natatawang sagot ko rito, aliw talaga minsang asarin itong si Raven

"Kainis 'to. Akala ko naman kung ano."salubong ang kilay nitong reklamo habang nakasimangot

Ang cute siguro ni Je pag ganyan ang facial expression niya no?

"Oo nga pala, Jess. Close ba talaga kayo nung, Denden?"tanong ko rito, syempre madami pa kaming free time

"Denden?Of course, halos sabay kaming lumaki. He's a childhood friend of mine, the only person that am close with outside of my family."sagot nito

"If ever ba, may possibility na maging kayo?"muling tanong ko, ramdam na ramdam ko ang bigat ng awra ng katabi kong si Raven

Tignan natin kung hanggang kailan niya paninindigan yang hindi siya gusto si Jess kahit na ngayon ngayon lang ay halatang nagseselos siya

" Maybe?May promise kasi kami sa isa't Isa na pag hindi namin na meet yung the one namin at the age of 30, kaming dalawa na lang daw."natatawang sagot nito

" Gusto mo si, Denden?"tanong ko

" Of course, He is the best."tila nagmamalaki pa nitong wika "He is a good man and he is my best friend."dagdag nito

" Oh!"malaki ang ngiting tumingin ako kay Raven, lihim na natawa na lang ako ng makitang mahigpit ang pagkakayukom ng kamay nito

"Mukha naman siyang mabait, gwapo din siya."tatangong-tangong sangayon ko "Diba, Raven?"mapang-asar na tanong ko

"Pakialam ko!"pigil ko ang matawa ng mababaksan ng inis ang boses nito

"May problema ka ba kay, Denden?Bakit ganyan ka makasagot,huh?!"halatang inis na turan ni Jess rito

"Wala!Bahala nga kayo dyan. Magsama kayo ng Denden niyo."yamot na yamot nitong wika at halatang masama ang loob na umalis

"Problema nun?"Hindi makapaniwalang tila naiinis na turan ni Jess habang nakasunod ang tingin kay Raven

"Stop pissing him off."malamig na turan ni Axel, nakangiwing napakamot batok na lang ako

"Sorry."tinignan lang ako nito at wala ng sinabi

"Kailangan ko na palang mauna sainyo,"biglang turan ni Jess saka tumayo na "Bye, Ate Je kita na lang tayo sa last sub natin."paalam nito saka hinalikan sa pisngi ang kapatid

"Ikaw ba, Axel wala ka pa—Huh?Nasaan na yun?"takang turan ko ng wala na si Axel sa pwesto nito kanina

"Grabe. Hindi manlang nagpaalam."iiling-iling na turan ko saka tumingin sa nag-iisang taong naiwan kasama ko

"Stop staring."napaayos ako ng upo ng marinig ang malamig nitong boses "You're teasing your friend earlier."paulit-ulit akong napakurap-kurap habang nakatitig rito

Kinakausap niya talaga ako?Totoo ba ito? Hindi ba ako nag hahallucinate?

" I thought you like, Jen?Why are you showing interest on, Jess now?Are you trying to hit my twins?"may pagbabanta at matalim ang tingin nito

"Wala noh."mabilis kong tanggi rito habang paulit-ulit na umiling "Wala akong gusto sakanila, joke lang yung sinabi ko noon. Sineryoso mo talagang may gusto ako kay,Jen?Grabe."Hindi ko maiwasang matawa sa reaction nito

Well. Emotionless pa rin pero halatang hindi siya natutuwa sa'kin hehehe

"Inaasar ko lang si, Raven kanina kaya nagtanong ako kay, Jess." Paliwanag ko

"Does your friend like my sister, Jess?"nagkibit balikat ako rito kahit na alam kong Oo

"Hindi daw, pero feeling ko Oo. Mukha kaya siyang nagseselos kanina."turan ko rito

"Maybe you're just assuming and seeing things."walang ganang turan nito "Huwag niyong idamay ang mga kapatid ko sa mga kagaguhan niyo. Hindi niyo magugustuhan kung anong kaya kong gawin sa oras na sinaktan at pinaglaruan niyo ang nararamdam nila."ramdam ko ang banta sa boses nito

"Hindi namin gagawin yun, no."kiming ngumiti ako rito para ipakitang sincere ako sa sinasabi ko

"Ikaw ba, Jean may nagugustuhan kana?"lakas loob kong tanong rito, napakunot ang noo nito ng ilang sandali

"I'm not interested in anyone." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa narinig o Hindi. Kasi ibig sabihin niyan di niya ako gusto!

"Talaga?Kahit crush lang?"muling tanong ko

"Why are you insisting again?I don't have time for that."seryosong wika nito, para naman akong nareject nito indirectly

"Curious lang."turan ko rito saka napabuntong hininga. Hirap naman palambutin puso ng isang to

"Curiosity kills the cat, Liam. Being curious all the time isn't good."wika nito bago ako iniwan

"Grabe. Gusto ko lang naman malaman kung may pag-asa ako eh."Mahinang wika ko habang nakasunod ang tingin sa papalayong bulto nito

"Minsan na nga lang kasi makaramdam ng totoo, ay duon pa sa taong walang pakiramdam."nakangusong reklamo ko, para na akong nababaliw dahil mag-isa akong nagsasalita at kinakausap ang sarili

Ito na siguro ang karma ko, sa dami ba naman ng kasalanan ko diba?Hindi na ako magtataka kung hindi ako magkakaroon ng happy ending

Ang fuck up ng buhay kasi no choice ka

Laurel Trio:THE BADASS SISTERS (🌹)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon