Chapter 21: Im the Strongest!

364 33 12
                                    

Hello guys, sorry late dahil damn ang busy ko sa work. Now lang ulit nagka free time. Di ako confident na maganda ba ang chapter na'to, i hope na patuloy parin kayo sa pag suporta, Arigatou Minna!

Dahil sa Random Teleportation Stone, random rin ang location sa pag teleport sa kanila. Buti nalang ay dito parin sa loob ng Forange Forest at medyo malapit ang location na ito sa Blade City, kung saan mag re-report si Roan sa kanyang mga Quest.

Along the way, may nadaanan silang isang mataong village at napagpasyahan na mag stay muna para magtago at dahil narin sa nagugutom si Roan.

[Larode Village]

Totally packed ang village na pinuntahan nina Roan. Kahit nasa loob ng forest ang location nito, magugulat ka sa mga kalidad ng mga stablishment nakatayo rito, di mo akalain na isa itong village sa gitna ng kawalan. Napaka-unlad ng ekonomiya ng lugar na ito at halos 'di nalalayo sa Blade City. Perfect spot kasi ang village na'to para sa mga begginers nag nag gra-grind at nag hu-hunt ng mga crafting materials dahil sa mga low level monster na madaling patayin at hulihin.
Kahit saan ka tumingin ay maraming mga NPC Merchant at Player Stalls o kilala sa tawag na 'Portable Store' ang naka erect sa paligid. Talamak ang bentahan ng mga sari-saring potions, equipments, skill books, monster loots at iba pa.

Kahit nasa loob ito ng Forest kung saan ang panganib ay laging nag lu-lurk, hindi ito naging hadlang para hindi magkaroon ng mga magagarang Tavern at mga Restaurants rito. Popular ang lugar na ito sa mga Players dahil ito ang front line ng humankind laban sa mga monster sa loob ng Forest at perfect saving point kung sakaling sila'y namatay o 'di kaya'y pahingahan at pwede ring tambayan.

Dahil sa kondisyong ito, naisipan nina Roan at Masked Player na gawin itong camouflage laban sa humahabol sa kanila. Makiki-blend sila sa mga mataong lugar para maitago nila ang kanilang presensiya at aura. Plus, extra security din ito sa kanila dahil magdadalawang isip ang sinumang PK'er na mag initiate ng laban sapagkat may mga high level NPC Guard ang naka stasyon rito. PK (Player Kill) enabled ang lugar na ito ngunit dahil sa nakabantay na mga NPC Guard ay nalimitahan ang ganitong Activities.

Bago ang lahat, nagpalit muna sila ng outfits at saka tumungo sa isang restaurant, lay-low muna lalo na't isang Elvenkin ang Race ng Masked Player at technically lahat ng mga player sa continent na ito ay kalaban niya. Ka-kailanganin nila i-restore ang mga nagamit nilang Energy as soon as possible! Yup, isa sa mga pangunahing source ng HP, MP at Mental Energy ay ang mga pagkain.

"Miss, isa ngang inihaw na manok at iced tea!" Request ni Roan sa waitress.

"Akin, dalawa, inihaw manok" 'Di rin nagpahuli ang Slime at omorder rin ito na siyang pagka-shock ng waitress. San ka nakakakita ng monster na omo-order sa isang restaurant? Diba dapat sila ang hinahain sa lamesa? Kaya 'di mo masisi ang waitress kung halos lumuwa mata nito.

Sumenyas si Roan na pagbigyan ang hiling ng kanyang Slime sa Waitress na siya namang sinunod nito.

Blurrrgg!!!

Na-spit ni Roan ang nakain niyang pagkain.

"Ano ba'to? ba't parang kumakain ako ng Hard Bread na bigay ng NPC sa Training grounds?" Kitang-kita sa mukha ni Roan ang pagkadismaya sa pagkaing nakahanda sa kanyang harapan. Napaka-delicious looking ng mga ito pero ang lasa ay... lasang tubig? The hell?

"Ayaw mo Master? Iyan, akin nalang!" Suggestion ng Slime.

"Ano ka sinuswerte? Hmp!"

"Damot Master!"

Gaya ng sa tunay na mundo, food is a must sa larong ito, food is life! Kaya nga lang, walang flavour ang mga nabibiling pagkain rito, kahit anong putahe ay iisa lang ang lasa - lasang tubig! Solid man o liquid ay lahat lasang tubig o tasteless kumbaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Legendary Slime Tamer (Tagalog) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon