Two

45 4 1
                                    


Choose where to stay

+++++

Limang araw matapos makita ng mga kasama ni Luna ang babae, unti-unting bumalik sa reyalidad ang lahat. Kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit sina Shane at Renz para sa kanilang pag-alis papunta sa evacuation ng bansa upang makasama na nila ang mga kamag-anakan nila.

May connection sa gobyerno ang MSC kaya nacontact ng mga ito ang kamag-anak nila. At nang maconfirm na may buhay silang kamag-anak, ininform nila na buhay sina Shane at Renz dalawang araw na ang nakalilipas. Kaya ngayong araw, napagkasuduan nilang umalis sa HQ at samahan na ang mga mahal nila sa buhay.

Samantalang sina Misha, Mariel at Vian ay nanatili sa HQ bilang mga tauhan sa cafeteria ng lugar. Wala na rin naman silang mapupuntahan pa dahil wala na silang ibang kamag-anak kaya naisipan nilang mag-apply sa HQ sa tulong ni Diane. Si Diane naman ay bumalik na rin sa trabaho niya kaya minsan na lang niya makausap ang mga naging kasama, sa sobrang busy nila at marami silang inaalam lalo na sa katauhan ng mga zombies na ngayon ay mythcreates ang tawag sa HQ nila.

At sina Mendoza at Winston naman ay piniling manatili rin sa HQ, bilang bagong miyembro naman ng Slayers Department. Dahil baguhan sila, mga lower-class slayers muna sila. Ang mga slayer na nasa lower-class ay kayang patayin ang mga ordinaryong mythcreate at mga di kalakasang iba pang klase ng mga ito tulad ng manananggal, mga runners at screamers. Sa ngayon, iyon pa lang ang nakikita nilang hindi ordinaryong mga mythcreates kaya kailangan pa nila ng impormasyon sa lahat ng uri ng mga ito para aware silang lahat.

Kakagaling lang ng dalawa sa meeting ng mga bagong miyembro. Orientation ang nangyari sa araw na iyon. Sinabi sa kanila na bago sila sumabak sa labas, kailangan muna nilang magsanay. Ang pagsasanay ay nakamamatay kaya kailangan na nilang ihanda ang sarili.

Pabalik pa lang sa kwarto si Winston nang makasalubong niya sina Shane at Renz na naglalakad papunta rin sa pupuntahan niya. Napansin ng dalawa ang paglalakad niya kaya napalingon ang mga ito sa kaniya.

"Uy Winston! Tamang tama papaalam sana kami sayo." sabi bigla ni Renz.

Tumango ang lalaki. "Let's talk to my room." hindi naman na kalayuan ang kwarto niya kaya nakarating din silang lahat.

"Papaalam sana kami kasi aalis na kami ngayon eh. Mamaya pa. Wala pa kasi yung susundo samin." sabi ni Renz na ikinangiti ni Winston.

"Yeah. Good for the both of you. Just take yourselves and be alert like we used to do."

"Ikaw din mag-ingat ka. Balita ko may training daw kayo tapos mahirap daw yun. Goodluck sa training." sabi ni Shane.

"Yeah and I think that's fine since we're going to slay other zombies. Especially the other variants."

"Balita ko rin may babalikan ka pa naman daw. Bakit naisipan mong manatili dito?" tanong ni Renz na hindi agad ikinasagit ni Winston kaya nagsalita ulit si Renz.

"Ay okay lang talaga kahit wag mo na sagutin. Di kita pinipilit."

"No, it's just that... I just wanted to help. That's all."

"We? Nandito lang kasi si Luna kaya pinili mo magstay dito." tukso ni Shane na ikinakunit-noo ng lalaki na napatingin dito.

Bahagya namang natawa si Renz. "Naks naman. Naku dong, ikaw at ikaw na lang natira para kay Luna kaya push mo na yan. Support ka namin."

Slayer IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon