One

54 4 0
                                    


Familiarity

++++++

Sa loob ng tatlong araw matapos nila makarating sa HQ nina Diane, nanatili lang sa kani-kanilang mga kwarto ang mga nakaligtas sa mga kasamahan ni Luna. Lalabas lang ang mga ito kapag kakain na. Tama, sabay-sabay silang kumakain para kahit papa'no mabawasan ang mabigat na pakiramdam ng lahat sa pagkabawas nila sa grupo.

Nag-uusap-usap naman sila pero sadyang may iba na tahimik lang talaga na ipinag-alala nina Mendoza at Diane.

Alam nila ang pakiramdam na yung mga taong nakausap, nakilala at nakasama mo sa kaunting panahon lamang ay nakita sa mismong mga mata ang kanilang pagkawala. Lalo na't sobrang karumaldumal ang iba sa mga nangyari sa iba. At isa pa, halos magkakakilala ang iba sa mga kasamahan nila kaya siguradong masakit sa kanila ang nangyari.

"Ate..."

Napatingin si Diane kay Shane. Bagamat siguradong ligtas na sila sa kapahamakan, mababakas pa rin sa mukha ng dalaga ang stress. Maitim ang ilalim ng mga mata na hakatang walang tulog at pumayat ito nang konti.

"W-wala na ba si Luna?"

Napabuga ng hangin si Diane. "Ang totoo niyan, inoobserbahan pa siya."

Hindi niya malilimutan ang nangyari nung pagkarating na pagkarating nila sa HQ. Dinala muna sila sa clinic para obserbahan, at habang isinasagawa ang pagchecheck up sa lahat, dinig na dinig nila ang pagpalahaw ng isang nilalang. Punong puno at halo-halong negatibong emosyon ang palahaw na yun kaya nakapagbigay bigat sa dibdib nila, hindi nila naiwasang maluha.

Ang hindi nila alam, ang pagpalahaw na iyon ay dinig na dinig sa buong HQ hanggang sa labas ng lugar.

"Hindi ba namin siya pwedeng makita?" sabi bigla ni Misha.

Oo sana ang isasagot ni Diane pero kahit siya ay nag-isip muna. Gusto niya ring makita ang babae. Kahit kaunting panahon lang silang nagkakilala, napalapit na siya dito at itinuring niya itong nakababatang kapatid.

Naalala niya ang itsura ni Luna nang nasa helicopter pa lang sila. Talagang yumanig ang mundo niya nang makitang nainfect na ang dalaga at kakaiba ang mga mata nito.  Sa pagkakita pa lang niya sa mga mata ni Luna, nakasisiguro siyang kakaiba ang kaso nito. Pero kapansin-pansin na tahimik lang ito. Hindi kumikilos. At higit sa lahat, hindi nagwawala tulad ng iba. Iba sa mga naging higher-class at ace-class slayer. Karaniwan kasi talaga sa kanila ay nagwawala talaga.

Naalala niya pa ang kaso ni Santi noon.

"Hindi ko alam. Ipagpapaalam ko muna." sabi niya kahit alam niyang hindi muna pwedeng dalawin si Luna.

"Diane."

Napatingin siya kay Mendoza. "It's okay Jason. Gusto ko rin namang makita siya. And I know, lahat tayo gusto siyang makita. Right?"

Hindi agad nakasagit si Mendoza. Gusto rin naman niyang makita ang dating istudyante pero baka hindi nila makita ito dahil nga zombie na ito.

"Buhay pa si Luna, Jason. And I think she's harmless."

"Hindi tayo sigurado."

"Protektado tayo dito lalo na't nandito ang Master. Wag kang mag-alala."

Hindi na nakasagot si Mendoza nang umalis na si Diane. Pagkalabas ng room ay agad kinuha ni Diane ang mini radio niya. Masyado kasi malayo ang observation floor kaya naisipan na lang niyang tawagan. Kahit alam niyang malaki ang tsansang tanggihan sila, sinubukan niya pa ring magpaalam.

Samantala sa observation floor kung nasan si Luna, kasalukuyang tinetest pa rin ng mga tauhan ang lakas na meron ang babae.

"Master, sigurado po bang uulitin po natin yung ginawa natin sa kaniya nung first day?" sabi ng ilang tauhan.

Slayer IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon