Nine

59 7 7
                                    

Unleashed

+++++

Kasalukuyang nasa evacuation center sa bayan ng Batangas sina Mendoza upang makapagpahinga at mabigyan ng paunang lunas kahit papa'no. Nakaratay ang dalawang lalaki sa stretcher, magkatabi lamang iyon at parehas silang walang malay. Samantalang si Luna naman ay nakaupo lamang sa sulok at nakatungo.

Dahil si Luna lang ang gising ay napansin siya ng isang volunteer nurse na napasok sa lugar para asikasuhin ang dalawang lalaki.

"Uhm... Hello. Ako nga pala naatasan dine para maasikaso kayo. Wala ka bang nararamdamang kakaiba?" sabi ng babae.

Naghintay pa ang babae sa pagsagot ni Luna na nakayuko lang sa lapag. Nakaramdam naman ng pagkailang ang babae dahil ilang segundo na ang lumipas hindi pa rin sumasagot si Luna.

"Uhm... Okay ka lang po ba?"

Wala pa ring sagot kay Luna kaya napangiwi na lang nang bahagya ang babae.

"Jusko, natruama 'ata kaya hindi na makapagsalita. Sabagay kahit ako matotrauma sa nangyari." sabi pa ng babae sa sarili habang nakatingin kay Luna.

Napansin niya na kapareho lamang ng damit ng babae ang mga damit ng mga lalaki na aasikasuhin niya.

"H-halika ka po ate, maglinis ka muna ng katawan at ikaw ay punong puno ng dugo eh." sabi pa ng babae pero wala pa ring tugon si Luna kaya medyo nag-aalangan na ang babaeng nurse.

"Hay naku, bahala na." nakapagdesisyon ang babaeng nurse na hawakan si Luna. Napanatag naman ang dalaga nang kumalos na din si Luna. Akala niya kasi pati sa pagkilos ay hindi rin ito gagawa.

Hindi sinasadya na napatingin siya sa mukha ni Luna na sakto namang biglang iniangat ang ulo mula sa pagkakatungo. Hindi maipaliwanag ng babae ang reaskyon niya nang makita niya ang kakaibang mata ni Luna. Hindi kasi pang-ordinaryong tao ang mga mata ni Luna na kulay royal blue ngunit may kung anong patterns sa mga mata nito.

"Naka-contacts siya? Aba eh pwede pala yan kapag nakikipaglaban ka." sabi na lang sa sarili ng babaeng nurse.

Akmang lalabas na sana sila nang biglang makarinig sila ng nagsalita.

"S-saan mo siya dadalhin?"

Bahagyang nagulat ang babae nang mapatingin sa mga binabantayan niya. "Ay sir! Gising ka pala. Aalalayan ko lang po siya sir maglinis. Hindi po kasi makapagsalita, natrauma po ata."

Hindi agad nakasagot si Mendoza sa sinabi ng babae. Maya-maya ay napagtanto niya ang sitwasyon.

"H-hindi talaga siya m-makapagsalita."

"Ah... Pipe po pala siya sir."

Napalunok si Mendoza. "Tama. Uhm..."

Hindi alam ni Mendoza ang sasabihin. Hindi rin kasi makakilos nang kusa si Luna dahil sa kalagayan nito ngayon. Parang bumalik sa pagiging sanggol ang dalaga dahil hindi nito alam ang ginagawa nito.

Nabalik lang sa katinuan ang lalaki nang makarinig ng pagsara ng pinto. Hindi na siya nakapagsagot sa babaeng nurse dahil nakaalis na ito kasama si Luna. Napapikit na lang siya sa munting fustration na naramdaman.

Slayer IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon