Five

41 3 0
                                    


Tiktik sa baryo

+++++

Sa isang napakalaking silid, may isang malaking mesa sa gitna nito. Sa palibot ng mesa, nakaupo ang pitong tao sa naglalakihang upuan na may iba't ibang disenyo. Makikita sa tuktok ng mga upuan ang magarang disenyo ng mga iba't ibang hugis na nagsisilbing simbolo sa kung ano ang kapangyarihan at estado ng mga nakaupo dito.

Kahit kumpleto na silang lahat, hindi masasabing kumpleto ang nakaupo sa mga upuan. Dahil sa pinakagitna sa dulo ng mesa, meron pang isang bakanteng upuan. May hugis spade sa tuktok ang bakanteng mesang iyon.

(A/N: Filipino language na lang, imagine niyo na lang na nagsasalita sila ng iba't ibang language hehe)

Maya-maya nagsalita ng ibang lingguwahe ang taong nakaupo sa kabilang dulo ng mesa. Ang Master ng Modern Slayer Corporation.

"Narito tayong lahat upang pag-usapan ang plano para sa kapayapaan ng mundo. Oras na para kumilos at mahinto ang mabilisang pagdami ng mga mythcreates sa mundo.

Kung may nais kayong sabihin, hayaan ninyong patapusin niyo muna ako magsalita hanggang sa matapos ako."

Napayuko na lang ang lahat sa Master bilang pagsang-ayon at respeto rito.

"Unang una gusto ko kayong pasalamatan sa pagpunta ninyo rito sa kabila na nagmula pa kayo sa iba't ibang panig ng mundo."

Nagreact naman ang iilan sa silid na yun. "Huwag kayong mag-alala. Napakaimportante ng pulong na ito. May kailangan kayong malaman tungkol sa tulad ninyong mga Aces."

Walang nagsalita sa kanila. "Hindi magtatagal, ang bakanteng upuan sa dulo ay malapit nang magkaroon ng taong uupo riyan."

Kitang kita naman sa iba ang gulat nang marinig ang balita mula sa Master nila. Ngayon pa lang nila malalaman ang balita dahil sa sobrang busy nila sa trabaho at dala na rin na galing pa sila sa iba't ibang panig ng mundo.

"Sa kasalukuyan, nasa pinakamababang ranggo pa lang siya at may kasamahan siyang dalawang slayer na tulad niya para magabayan siya. Wala pa siya dito ngayon dahil nasa sleeping stage pa lang siya."

Sleeping stage. Ito ang tawag sa mga slayer na nasa anyong mythcreate. Hindi sila delikado dahil mahinahon lang sila. Hindi nagsasalita pero nakakakilos at gumagana ang mga reflexes nila sa oras na sila ay makaramdam ng panganib.

Mas lalong nagulat ang lahat sa narinig. Dahil kadalasan ang mga nilalang na nasa sleeping stage ay hindi pa pinapayagang lumabas ng mga silid na nakaassign sa kanila dahil hindi sila nakakatulong sa mga kasama nitong slayers sa oras na nasa panganib ang mga kasama nila. Nangyari na yun sa isa sa kanila kaya di na nila inulit. Pero ngayon, may isang bukod tangi ang nakapagpaiba ng tradisyon. At sa pinakahuling miyembro pa ng Ace Slayer.

"Mukhang kakaiba ang bagong miyembro ah? Gustong gusto ko na siya makausap." sabi ng isang lalaki sa wikang dutch. Nakaupo ito sa upuan na may disenyo sa tuktok nito na hugis bituin.

"Mabait po ba siya Master kaya pinayagan niyo na siyang sumabak sa labas kahit nasa sleeping stage pa lang siya?" sabi naman ng isang babae sa wikang chinese. May disenyong hugis sphere naman ang tuktok ng mesa nito.

"Oo naman. Napakatatag at malakas na babae. Ayun siya." sagot ng Master nila.

"Hmm... Babae pala." sagot naman ng isang lalaki sa katapat ng babaeng nagtanong sa Master nila. Hugis pyramid naman ang hugis na disenyo na makikita sa tuktok ng upuan nito.

Slayer IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon