Seven

43 3 0
                                    


Tiktik sa Baryo Part 3

++++++

Ilang oras nang nasa labas ng camp si Winston para mabantayan ang lugar. May mga kasama rin naman siyang ibang sundalo para magsilbing look out kung sakali mang may mga zombies o yung tiktik na sinasabi nila na magpakita sa ibang parte ng lugar.

Damang dama ni Winston ang lamig ng hangin sa labas kahit buwan pa lang ng tag-init. Marahil ay para sa kaniya dahil sa sitwasyon ng bansa. Maraming mga mythcreates ang gumagala sa paligid. Halos wala nang makitang tao kahit pa may iilan na nakapalagi lang sa kani-kanilang mga bahay.

Masasabing ghost town ang lugar kaya nakakapanlamig naman sa pakiramdam dahil sa kilabot ang lugar.

Ang huling kita niya pa sa ganitong klaseng lugar at tanawin ay sa kanilang lugar pa sa NCR. Kung saan unang kumalat ang virus at dumami ang mga mythcreates na kilalang zombies ng mga ordinaryong tao.

Pero sa ngayon, wala pang iniisip na kung ano-anong bagay si Winston. Parang lutang ang binata ngunit alerto pa rin ito. Napasandal na lang siya sa pader dahil na rin sa pangangalay. Ilang oras na rin kasi siyang nakatayo kakabantay sa labas.

Napapansin din niya na may mga daing at ungol siyang naririnig. Alam niyang galing yun sa mga nagkalat na mga mythcreates sa paligid ng lugar. Naalerto siya dahil alam niyang marami ang nasa labas. Hindi naman niya maririnig ang daing at ungol ng mga ito kung hindi yun marami.

Biglang nagvibrate ang relo niya. High-tech yun dahil pwedeng madetect ito ng military radio o matawagan.

"Sir, dumadami ang mga zombies sa labas." sabi ng sundalo na nasa ibang bahagi ng lugar.

"Be alert. Call me again of there's something wro—"

GRAAAAAAAAAAWWWWRRRRR!!!

"Shit."

"S-sir! Y-yung mga zombies. D-dumami s-sila tapos yung tiktik—"

Hindi na narinig pa ni Winston ang tumawag sa kaniya. Purong mga ingay sa background na lang ang narinig niya.

"Takbo! Takbo na!"

"Yung tiktik!"

"Shit ang dami nila!"

"RAAAAAWWWRRR!! EAAAAAAAAAAHHHHHHH!"

Pinatay na ni Winston ang tawag at napatingin sa ilang kasamahan.

"Be ready! Sinigod tayo nung tiktik!"

Biglang nagsiayos naman ang mga sundalo na kasama niya.

"Someone tell everyone at camp to prepare! Patayin niyo ang lahat ng zombies! Ako nang bahala sa tikti—"

BOOOOM!

Natigilan sila nang sumabog ang unang pader sa lugar na pumoprotekta sa camp at sa pagyanig ng lupa na naramdaman nila nang bahagya. Hindi naiwasan ni Winston na mapamura dahil malaki-laki rin ang bumungad sa kanila.

"Aaaah~ maraming pagkain... Pagkain..."

"Holy fvck?" bulong na lang ni Winston dahil narinig niyang nagsalita ang malaking tiktik.

Slayer IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon