Six

42 3 0
                                    


Tiktik sa Baryo part 2

+++++

Napalingon na lang sina Mendoza at ang kausap nitong sundalo sa pagsigaw ni Winston. Kasabay nun biglang may pagsabog na naganap malapit lang sa kanila. Nagtakbuhan papalayo ang mga sundalo upang makaiwas sa biglaang pagsabog na nangyari at nakahanda na ang mga armas nila kung sakali mang may umataki sa kanila.

Samantala naman ay nakaramdam ng pag-aalala si Mendoza sa iilang tao sa paligid.

"Magsilayo kayo!" sabi na lang ni Mendoza at pinuntahan ang pinangyarihan ng gulo kung nasan nandun din si Winston.

Nagtataka siya bakit nakatayo lang sa gilid ang lalaki.

"Winston!"

Hindi na nakapagsalita pa ang binata dahil nakatingin na siya sa babaeng nakatalikod sa kanila. Si Luna, halatang galing sa pag-atake at ito ang nakagawa ng pagsabog. Napatingin pa siya sa harapan ng babae at doon niya nakita ang kakaibang nilalang na nakasadlak sa sahig.

Hindi na kaaya-aya ang mukha nito. May katawang pantao ito at halatang kasama sa mga sundalo, pero sa kalahating katawan lang yun dahil ang isa pang kalahati ng katawan nito ay pang-ibang uri ng nilalang. Nang tiningnan niya ang mukha, napangiwi siya dahil pisat na pisat na ito. Pero napansin niya ang mahabang dila na galing sa bibig nito.

"Tiktik ba yan? Mahaba ang dila oh." sabi ni Mendoza nang lumapit siya sa tabi ni Luna na ngayon ay normal na ang paghinga. Balik tunganga ulit ito sa sahig. Hiniwakan na lang ni Mendoza ang dalaga sa balikat bilang papuri sa ginawa nito.

Napatingin ulit siya sa kanilang harapan. Inilabas niya ang kaniyang baril at itinutok sa pisat na ulo ng tiktik.

"Para sure." sabi niya.

Pew!

Mahina lang ang tunog ng baril niya pero nang tumama na ito sa pisat na ulo, nakalikha ito ng malaking sunog na sapat lang para sa tiktik. Maya-maya ay naging abot na iyon.

Hindi naman makapaniwala ang iilan sa mga sundalo sa nakita. Lalo pa't hindi sila nagkakamali sa nakita nila sa tiktik. May suot itong uniporme na pangsundalo tulad ng sa kanila.

Kinilabutan ang iba sa kanila nang mapagtanto ang nangyari.

"Totoo pala talaga na nag-aanyong tao yung tiktik!"

"Mahirap 'to!"

"Talagang nakisama pa satin yung pekeng tiktik!?"

"Baka tiktik ka ha?"

"Gago ka ba?"

"Teka, napatay na yung tiktik. Edi okay na ang lahat?"

"Hindi pa. Ang sabi malaking tiktik yung nakakapinsala eh, maliit lang yan."

Hindi naman agad nakapagsalita sina Winston at Mendoza sa usapan ng iilan sa mga sundalo. Pero may nalaman sila dahil sa daldalan ng mga sundalo. Napatingin pa sila sa nakausap nilang sundalo kanina na nakatingin din sa kanila. Parang nagtatanong kung anong gagawin nila.

Napabuga ng hangin si Mendoza.

"Okay makinig. Gusto ko malaman kung may gagawin pa kayo maliban sa pagbantay sa mga checkpoints." sabi ni Mendoza.

Slayer IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon